CHAPTER 18

192 19 0
                                    

CHAPTER 18

"Bakit hindi ka pumunta dito kanina ?"tanong sakin ni Rye pagdating ko sa office nya may klase pa ako e hindi man lang pinatapos ang isang subject ko .

"Hindi man lang ba nakapaghintay yan at pinapunta mo pa ako dito kahit may klase pa ako ?"

"I'm sorry ,"paghingi nya ng tawad ba hindi pa rin ako kumikibo niyuko ko nalang ang ulo ko na parang pinapagalitan pinaglalaruan ang sapatos .

"Cha look at me ,"hindi ko sya pinakinggan galit pa rin ako sakanya .Hinawakan nya ang mukha ko at napatingala ako sa mukha nya .

'Hays bakit ang rupok ko .'

"I'm sorry gusto ko lang naman malaman bakit hindi ka sumabay sa akin kumain kanina ."Paano ako sasabay sakanya kung may kasabay syang iba minsan utak nito tinatapon ata e .

"Pumunta ako dito kanina kaya lang nasa loob si ma'am Aishel kaya hindi nalang ako tumuloy ."

"Bakit hindi ka tumuloy ?"aalis din naman yun pwede ka naman lumusot ."

"Eh sumabay naman kayo kumain ha bakit ako pa ang may kasalanan dito ?"

"Cha sumabay ako sakanya kumain dahil nakita ko may kasabay ka ng iba at yung lalaki pang sinasabe kong iwasan mo ."

"Hindi ko sya kasabay kumain at hindi ko lalo syang inaya dahil bigla nalang syang tumabi sa akin at iwasan ?paano ko sya iiwasan kung nasa iisang school kami wala ka bang tiwala sa akin Rye ?"hindi ko naiwasan magalit dahil parang sa kalagayan dito ako pa ang nagkasala at parang bawal na ako lumapit na kahit sino dahil boyfriend ko sya .

"I'm sorry ayoko lang na baka hanapin mo sa iba ako pagkukulang ko ,"hindi ko nalang sya kinibo dahil hahaba pa ang usapan at mas lalo akong magalit kapag may sinabe naman syang hindi ko magugustuhan."Mamaya pala hindi kita masasamahan pumunta sa hospital para dalawin ang bestfriend mo,"dagdag nya pa na kinaangat ng ulo ko at tinignan ko sya .

"Pero nagpromise ka saken na sasamahan mo ko at sasabihin ko na rin sa bestfriend ko ang meron tayo !"

"Cha I'm sorry may seminar kami sa ibang school mamaya ."

"Sinong kasama mo ?"

"Kaming dalawa ni Aishel ang naatasan irepresent ang school natin ,"ah sila na naman pala ayos ah .

"Ah okay ."

"Cha I'm sorry babawi ako next time ,'tumango nalang ako wala naman akong magagawa e kung sabihin kong hindi sya tumuloy dahil nagseselos ako sa kasama nya dahil para sa school at trabaho nya yan .

Umuwi akong parang talo paano ako uuwi nito hindi ko pinapunta si manong dahil akala ko sasabay ako kay Rye hindi ko naman matawagan dahil lowbat ang cellphone ko .Ang malas talaga e maghihintay nalang ako ng masasakyan.Pauwi na lahat ng estudyante unti -unti ng dumidilim uulan pa ata.

"Wala kang sundo ?"nagulat ako sa biglang sumulpot sa harapan kong kotse na si Lucas pala nakaisilip sa bintana .

"Wala ."

"Halika na sabay kana sa akin ."

"Pero dadaan pa ako sa hospital ,"saad ko sakanya dahil baka maistorbo ko pa sya at may gagawin pa syang importante kaya ko naman maghintay ng masasakyan dito .

"Kung sino man dadalawin mo sa hospital samahan na kita ."

"Sigurado ka ba ?wala ka bang gagawin ?"

"Wala kaya halika na ,"wala akong choice kundi sumabay sakanya nahihiya naman ako sakanya ng konti dahil wala na akong ginawa sakanya kundi sungitan sya e ang bait bait nya sa akin wag lang sa mga asar nya .

"Anong bang sadya mo dito sa hospital papacheck - up mo ba ang puso mo dahil may nararamdaman na ito sa akin ?"

"Asa ."Kahit kailan talaga hindi na nagtigil."Pupuntahan ko lang bestfriend ko ,"dagdag ko.

"Napano ang bestfriend mo?"

"Hindi sya yung ate nya nay sakit sa puso ."

"Ah ,"natahimik nalang sya siguro ang awkward nga bakit hindi nya subukan mga banat nya ngayon at sya babanatan ko .

"Good afternoon mo tita ,"bati ko agad pagpasok namin sa kwarto ni Abby na si tita agad ang bumungad sa amin na nasa kabilang side nya si Seira .

"Sino sya ? boyfriend mo?"pag - uusisa pa ni Seira .

"Classmates natin transferee sya ang nakaupo sa upuan mo dahil absent ka sinamaan lang ako pumunta dito ."

"Ah kala ko pa naman may jowa kana ,"pang - aasar nya pa na parang hindi pa naniniwala .May boyfriend ako pero busy sa ibang babae .

My Professorजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें