CHAPTER 5

332 49 3
                                    

CHAPTER 5

"Goodnight baby ,"sabay halik sa noon saken ni Rye paghatid nya saken sa bahay namin .

"Goodnight din sge pasok na ako ,"paalam ko sakanya at tumalikod na ako .Hinintay ko lang sya makaalis at pumasok na ako sa bahay .Naabutan ko si manang sa labas na parang hinihintay talaga ang pagdating ko .

"Ma'am dumating po ang daddy nyo ."

"Ah sge manang salamat pasok na ako ,"paalam ko sakanya at tunalikuran ko na sya naabutan ko sila mama kumakain na sa dining area kaya nilapag ko nalang ang bag ko at umupo na .

"Lagi ka bang late umuuwi Cha ?"tanong saken ni daddy habang kumukuha ako ng pagkain .Kumpleto kami sa hapag somehow masaya ako kase minsan lang kami magkasabay sabay kumain laging busy si daddy at mama si kuya naman laging barkada .

"May ginawa lang po kaming project kila Seira dad ,"palusot ko medyo may pagkastrict si dad saken ofcourse I'm his only girl kaya dapat ingat ingat daw sya saken .Kahit lagi syang busy hindi sya at nagkukulang sya ng oras sa amin naging mabuting ama naman sya sa amin ni kuya .

"Ikaw Abel kamusta ang pag - aaral mo?"baling nya kay kuya kita ko ang kaba na sumiklab sa mata ni kuya if I know pareho lang naman kami nito na puro kalokohan .

"Mabuti naman po dad nakapasok po ako sa varsity ."

"That's good ."Tahimik tahimik nalang ako baka mabungkal pa lahat ng kalokohan ko sa school e patuloy pa rin sya sa nagtatanong nya kay Abel habang ako wala ang utak sa hapag parang pagod na pagod ang utak ko ngayon .Nabaling ako sakanilang dalawa na business na ang pinag - uusapan nila ni kuya alam kong may ibang gusto si kuya pero wala syang magagawa sa desisyon ni dad although naawa ko kay kuya pero wala akong magagawa .

"Next year college kana Cha san mo balak mag - Aral ?"biglang nyang tanong actually wala pa akong plano siguro kung saan ang bestfriend ko dun nalang ako .

"Ah hindi ko pa po alam pa ."

"Kahit saan mo gusto mag - aral anak sabihin mo lang basta pag - igihan mo ,"saad nya saken na tumango nalang ako .Sila na ni mama ang nag - uusap ng mga business nila sinusulit ko ang ganito kahit puro business lang ang usapan dahil minsan lang umuuwi si papa sa bahay laging ibang bansa dahil sa trabaho nya .

Pagkatapos ng dinner namin pumanhik na agad ako sa kwarto ko .Pumasok ako sa bathroom naghalfbath lang ako at humiga agad hindi ako dinadalaw ng antok kaya lumabas muna ako sa kwarto kumuha ng maiinom manonood nalang ako ng series na pinapanood ko lagi .Naabutan ko si manang hindi pa pala natutulog kukuha na sana ako kaya lang nag - insist na sya nalang ang kukuha.Umupo nalang para hintayin si manang iniisip ko pa rin ang bestfriend ko nawawalan ako ng oras sakanya atsaka hindi ko pa nasasabe sakanya ang relasyon ko kay Vladimir alam kong magagalit sya lalo kapag hindi ko ipaalam sakanya pero hindi pa ako handa sa nasasabe nya .

"Eto po ma'am,"abot saken ni manang ng pinapakuha ko ."sge manang matulog na rin po kayo ,"saad ko sakanya dahil madaling araw hindi pa pala natutulog .
Pumasok na ako sa kwarto binuksan ko yung laptop ko para manood hanggang makatulog na naman .Habang nanonood ako hindi ko pala napapansin panay tunog ang cellphone ko dinampot ko agad at lumuwa ang pangalan ni Seira kinabahan ako bigla dahil hindi sya tumatawag saken kung hindi importante at kung walang problema.Sinagot ko agad ang call puro iyak lang naririnig ko mas lalo akong kinabahan ."Bes ano magsalita ka anong nangyayare ?"aligaga kong tanong sakanya .

"Cha si ateee inatake sinugod namin sa hospital sumakit na naman ang puso nya mahina na daw ang puso nya Cha hindi namin alam ang gagawin namin ni mama ."Naawa ako sakanya matagal ng problema nila ang saket ng ate nya laging sinusugod sa hospital noon pero this year hindi na masyado ngayon lang ulit ."Bes pupunta ako jan kumalma ka magiging maayos din si Michelle hintayin mo ko ."Binaba ko na agad ang cellphone ko at nag - ayos ng sandali at lumabas na agad ako naabutan ko si papa nakaupo pa sa sala kaharap nya ang laptop nya .

"San ka pupunta Cha ?"

"Ah dad sinugod po ang ate ni Seira kailangan nya ako ,"garalgal kong saad kay dad nag - alala ako ng sobra sa ate nya siguradong malala na to ngayon.

"Magpahatid ka kay  manong ,"saad nya kaya dali dali akong lumabas nasa daan pa kami parang gusto kong e full speed ni manong pero baka mas lalong kami ang maratay sa hospital kaya kinalma ko nalang ang sarili ko .Malapit na rin ako sa ate ni Seira dahil lagi akong nasa bahay nila noon . Pagdating ko sa hospital hinanap ko agad si Seira naabutan ko sya sa labas ng room 30 agad ko naman syang nilapitan .

"Tita."

Agad naman yumakap saken si Seira alam kung nahihirapan sya sa kalagayan ng ate nya iyak lang sya ng iyak sa balikat ko .Wala na nag daddy nya namatay last year kaya alam kong natatakot syang mawala na naman sakanila ang ate nya .

"Magiging okay din sya Bes magtiwala ka sa diyos,"hagod ko sa likod nya iyak pa rin sya ng iyak .

"Cha natatakot ako hirap na hirap syang huminga kanina parang yun na ang malala Cha ayoko hindi si ate ."Yinakap ko nalang sya ng mahigpit hindi ko alam ang sasabihin ko maski ako natatakot .

My ProfessorWhere stories live. Discover now