Safe daw na pumunta ako.

Pagdating ko sa bahay nila, pinagbuksan ako ni Maddie ng pinto.

Makipot ang entrance kaya naunang pumasok si Maddie at sumunod ako.

Pero bago dumiretso sa sala, inalis ko muna ang sapatos.

Pinatong ko sa metal shoe rack na malapit sa pinto.

Gray ang makintab na hardwood na sahig.

Sa sala ay may shag rag kung saan nakapatong ang glass-topped table.

Leather ang dark brown sofa.

Sa tapat nito ay may flat screen TV.

Sa kaliwang bahagi ay may fireplace.

Nakapatong sa mantelpiece ang picture frames ng pamilya ni Maddie.

"Bakla, thank you talaga." Umupo kami.

Binuksan ko ang backpack at nilabas ang laptop.

"Wala iyon ano ka ba?" Inangat ko ang cover at pag-open ng log-in command ay tinype ko ang username at password.

Nakatingin sa akin si Maddie habang ginagawa ko ito.

"Hindi ko alam na puwede palang gawin ng franchisee ang ginawa niya sa inyo."

"Di nga din namin alam eh." Malungkot ang boses niya.

"Can you imagine kung nangyari ito at wala kaming kakilala dito? Ano na lang ang gagawin namin?"

"I'm sure merong tutulong sa inyo. Most of the time, maraming Pinoy na nagtatrabaho sa same franchise di ba?"

Hinintay kong mag-boot ang laptop.

"Oo pero ang kasama naming Pinay, grabe ang suplada. Kapag kinakausap namin ng Tagalog, sasabihan ba naman kami na English only please. Sipsip ang puta."

Natawa lang ako.

"May mga ganyan klaseng tao talaga. Hindi na iyan maiaalis."

Nag-open na ang screen pati ang mga icons.

Pinindot ko ang Google Chrome at tinype sa search bar ang kijiji.ca.

"Ikuha muna kita ng makakain. Para ganahan kang maghanap." Tumayo siya at pumunta sa kusina.

Hinintay ko na magpopulate ang results.

"Ano ba ang hinahanap ninyo ni Haze?"

Sumilip siya mula sa kusina.

May hawak siyang baso na may yelo.

"Kung puwede sana, hindi basement suite. Mas malamig kasi doon kapag winter di ba?"

"Oo. Kung ayaw mo sa basement, hanap tayo ng upper-level suite. Okay lang kung mas mahal?"

"Depende kung gaano kamahal. Kung kapareho lang ng ibabayad namin dito, eh di dito na lang kami mag-stay."

"Kunsabagay. Pero maghanap muna tayo. Malay mo di ba?"

Bumalik siya sa loob ng kusina.

Nilimit ko ang search sa gusto nina Maddie.

Pagbalik niya, tinanong ko kung saang area nila gustong tumira.

"Kung meron dito sa northwest, mas okay. At least malapit lang sa work namin."

"Saang area?"

"Puwedeng dito na lang din sa Paramount?"

"Ba't di natin lawakan? Baka kasi kung masyadong specific, wala tayong mahanap."

"Sige. Ikaw ang bahala.Tutal mas alam mo ang ginagawa mo."

Pinalitan ko ang search options.

Tinype ko sa search bar ang gusto niya.

"Kumain ka muna." Inabot niya sa akin ang plato na may lamang ensaymada.

May Coke-in-can na nasa tabi ng baso na may yelo.

Habang nagki-click, kung anu-ano ang nakikita namin ni Maddie.

May mga bahay na luma na.

May mga unit na mukhang inayos para sa picture.

Pero kapag nagzoom in sa image, kita ang mga butas sa dingding, maduming carpets at maduming gamit.

"Tingnan mo 'to, bakla." Tinuro niya ang blinds ng isang basement suite.

Tanggal na ang iba.

"Paano sila makakakuha ng renter kung sa picture pa lang eh panget na?"

"Huwag na nating pag-aksayahan ng panahon ang mga iyan."

Napatingin ako sa last picture sa page na tinitingnan namin.

"Heto, Maddie. Mukhang promising."

Nilapit ni Maddie ang mukha niya sa screen.

Pito ang images na nakapost.

Pinindot niya isa-isa ang mga picture.

Walkout basement so may sarili silang pinto.

Gray laminate floors, may sariling kitchen na furnished with a stove, oven toaster, microwave at fridge.

May counter kung saan puwede silang kumain at lababo for them to do their own dishes.

Average size ang dalawang kuwarto.

Hindi nga lang provided ang kama.

"Okay lang sa inyo?"

"Oo. Ayoko din naman ng kama ng iba. Malay ko kung anong ginawa nila doon?"

"Okay."

Half-size ang bathroom na covered ng glass, may maliit na lababo at table sa loob.

Katabi ng shower ang toilet.

"Bakla, mukhang okay ito."

"Good. May contact number sa description. Ba't di mo tawagan?"

"Sige." Kinuha niya ang phone na nakapatong sa table.

Binasa niya ng malakas ang phone number habang dina-dial.

Sumandal ako sa sofa at kinusot ang mga mata na pagod na sa kakatingin sa computer maghapon.

May nasabi yata ang kausap ni Maddie dahil natunugan ko ang disappointment sa boses niya.

"I'll give you my phone number in case the other person changes her mind."

Mukhang hindi pa yata para sa kanila ang napili namin.

Nagpaalam na si Maddie sa kausap.

Pinatong niya ang phone sa table at sumandal sa sofa.

"May nauna na daw pero tatawagan ako kung hindi matuloy."

"Eh di maghanap tayo ng iba."

Tumingala siya at tiningnan ang wall clock.

Maga-alas siyete na pala ng gabi.

"Nakakahiya naman sa'yo. Baka hanapin ka ng tita mo."

"Okay lang. Nagtext naman ako."

"Dito ka na lang maghapunan."

"Sige."

Nilabas niya sa fridge ang glass bowl na may nilagang baka.

"Pasensiya na, bakla. Kagabi ko pa 'to niluto."

"Okay lang iyan."

Kumuha siya ng mangko at nilagay sa microwave ang ulam.

Habang naghahanda kami ng hapunan ay may kumatok sa pinto.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now