16: Reality Really Bites...Hard

Beginne am Anfang
                                    

Prangka si Ate at ganoon din si Tita Nena.

"It will not be the same. Unless makahanap si Lena ng tao na maiintindihan ang sitwasyon niya. Don't me wrong. Mahal ko si Tita Emilia. But I don't think it's right na inaasa niya na lang lahat kay Lena. I mean, hindi lang naman siya ang anak di ba? I can understand, Lexi. Nag-aaral pa siya. Pero what about Edwin? Pangagatawanan niya na lang talaga ang pagiging dependent sa magulang niya at kay Lena? Buti na nga lang at independent ang napangawa ni Emman or else baka doon pa din sila tumira sa bahay nina Tita. Then there's Lara. She has two kids of her own pero she still lives with her parents. Why can't she find her own place? May work naman siya pero nakikipagsiksikan pa sila sa bahay nina Tita. Hindi ba siya nahihiya?"

"Clara!" Pinandilatan siya ng mata ni Tita.

Kilala ko si Ate. Sanay na din ako na ganito siya magsalita.

Pero masakit marinig ang katotohanan.

Tama naman kasi ang mga sinasabi niya.

Kaso, hindi naman maiaalis sa akin ang masaktan dahil pamilya ko ang pinag-uusapan nila.

Oo nga at pabigat sila para sa ibang tao.

Oo nga at nararamdaman ko din iyon lalo na kapag pagod na pagod ako.

Pero para pa din akong binuhusan na marinig ang mga bagay na iyon.

Gusto ko silang ipagtanggol.

Kaya lang may utang na loob kami kina Tita Nena.

Nanahimik na lang ako at pinigil na huwag maiyak sa narinig.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo dahil dito kayo pinanganak at lumaki ni Mercy. Iba ang buhay sa Pilipinas. You can only imagine the hardship. Oftentimes, what you see on TV isn't even enough."

"That's my point, Ma. Mahirap ang buhay. Dito din naman eh. Akala lang ng marami, madali. I'm not denying we are lucky and privileged to be here. That's because of the sacrifices that you and dad made. But there are options like using contraception or having a ligation or vasectomy. Eto namang si Lara, hindi na nadala. She got knocked up the first time. Then nabuntis ulit with the same guy. How stupid is she?"

"Clara!" Sumigaw na naman si Tita.

Ako naman, napipi.

Sumikip ang lalamunan ko at para akong nauubusan ng hangin.

Kapag nasimulan talaga si Ate Clara, hindi mapigil ang bibig niya.

Kaya nga daw noong high school ito, lagi na lang napapatawag sa principal's office si Tita Nena.

Lagi kasi itong nakikipagdebate sa mga teachers niya.

"Look at Lena." Tinuro niya ako.

Kulang na lang mawala ako sa kinauupuan ko.

Kung puwede lang na bumukas ang lupa at lamunin ako nito, okay lang.

Huwag lang akong manatili sa puwesto ko.

"She's been working since what age? Thirteen? Nagtitinda siya sa palengke when she was that age to help her family. How old is she now? Thirty?"

"Thirty two." Si Ate Mercy ang sumagot.

"But she looked older than she really is. Look at her hair. Ang dami niyang uban. Then her face. Ang dami niya ng wrinkles. She looked so weary, Ma. Is she even happy?"

Tumingin silang lahat sa kinauupuan ko.

Magkatabi kami ni Ate Mercy sa table.

Nakita niya kaya na namumuo na ang luha ko.

Ang NakaraanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt