Ikalabing-anim

3 2 0
                                    

Nakatulog ata kami sa byahe dahil pagkagising namin ay nandito na kami sa unang stop over.

Tinignan ko kung ilang oras na kami, at halos tatlong oras na pala ang nakalipas. Kailangan naming bumili ng mga pagkain para pantawid gutom.

Sakto ay nababanyo rin kami. Kaya nagbanyo muna kami bago bumili nang sangkatutak na pagkain. Nagpapasalamat ako dahil may kanin dito na iniinit lang.

Hindi ko ata kakayanin na puro tinapay lang.

Habang namimili pa kami ng ibang pagkain, "Klai." bulong sakin ni Elly. Lumingon naman ako.

"Hmm?"

"Pwede ikaw muna magbayad? Naiwan ko ata sa bus ang wallet ko. Onti lang naman 'to." turo niya sa basket niya.

Napatingin naman ako doon. Medyo may kamahalan ang mga ito. Kung tatansiyahin ay sobra pa ito sa limang daan.

Ang kinuha ko lang na pera sa wallet ko kanina ay limang daan lang.

"Berry... Pwede mo naman atang balikan-"

"Sige na, please?"

"Pero, Berry-"

"Andaya mo naman eh!"

Halos manlaki ang mata ko dahil lumalakas na ang boses niya. Si Elly ay nasa kabilang istante.

Ipinakita ko sakanya ang dala kong pera. "Ito lang dala ko."

"Oh! Kaya naman eh. Bili na!"

"Berry-"

"Please!"

"Hoy Luzviminda. Umayos kang impakta ka. Hindi pupuwedeng lahat yan ay babayaran ni Anna-"

Lumingon siya kay Elly at, "Pakielam mo? Babayaran naman."

"Kulang ang pangbayad niya. Wala ka bang utak? Tara na Anna. Hayaan mo na yan jan."  sabay hila sakin ni Elly.

Hindi ko na nalingunan si Berry dahil ang bilis maglakad ni Elly. Agad agad niyang binayaran sa cashier ang pagkain namin.

May sukli pa naman ako, ibibigay ko nalang kay-

"Oh, akyat na. Para makakain na tayo."

Hindi ko namalayan na andito na agad kami sa harap ng bus. Gusto ko sanang balikan si Berry pero tinutulak na ako ni Elly.

"Anna, alis ka jan. Palit naman tayo pwesto. Hayaan mong dito naman 'yang impakta na yan sa pwesto ko. Ako sa gitna."

Magproprotesta sana ako nang ilipat niya na ang mga gamit ni Berry.

Ilang oras na lang at aalis na ang bus. At wala pa rin si Berry.

"Naku... Balikan ko kaya?"

"Hayaan mo na 'yon. Malaki na 'yon." pagsusungit naman ni Elly.

Napabuntong-hininga na lang ako at ipinagdasal na sana ay may pera pala siyang dala o may mabuting tao ang magbayad para sakanya.

Nagsimula na kami kumain. Ang sarap ng pagkain dito sa convenience store na 'to.

Sayang lang dahil walang fast food dito sa unang stop over. Balita ko mamayang gabi ay meron ata ulit na stop-over?

"Andito na ba lahat? Paalis na ang bus?" sigaw ng konduktor.

Agad naman akong sumilip sa bintana. Nang walang makitang kahit hibla ng buhok ni Berry, agad na akong nagpanik.

"Teka lang po! Nasa loob pa po yung kaibigan ko."

"Naku! Dapat iniiwan na 'yan."

"Nako, Mare. Tama ka jan. Hay nako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now