Ikalima

12 4 0
                                    

I think Berry didn't noticed na i was sick. It's our first day of school today. And all i can say is maybe, maybe I'm now fine.

She insisted to shower first, pumayag naman ako. I checked my temperature and normal na ang temperature ko. Sana hindi ako mabinat.

While she's taking a shower, i decided to cook our breakfast. Hindi ko pa alam kung magba-baon kami, pero let's see.

I cooked two egg, and tig-two na hotdogs. The rice is nearly cooked na rin. I just packed sandwiches for our baon, incase magutom kami or yun nalang ang baon ko. Sana magustuhan niya ang ginawa kong Chicken Club Lettuce Wrap Sandwich.

At saktong pagkagawa ko ng foods namin, lumabas na siya ng banyo. Only wearing a towel. Dito na siya magbibihis habang nasa banyo ako.

So i now went to the bathroom and do some of my rituals. While taking a shower, narinig ko naman na tumutunog ang pintuan.

Hindi ko nalang pinansin at binilisan nalang ang pagligo. Alas otso pa ng umaga ang start ng klase namin at Quarter to 7 na.

Lalabas na sana ako ng banyo ng may narinig akong hindi pamilyar na boses. Bigla naman akong kinabahan. Sinilip ko ang labas galing sa pintuan ng aking cr at nagulat ako nang nagpapasok si Berry ng lalake sa dorm!

The F....

Seryoso ba siya? Ni hindi niya muna sinabi sakin.

Annoyed. Sinuot ko ang pantulog ko kanina at lumabas ng banyo. They both noticed me but i didn't look at them.

"Klai, mauuna na kami. Thanks for the food." She said excitedly.

I just nodded and went back to the bathroom. I didn't exactly saw the face of that boy, pero familiar siya. Feeling ko yan yung nagdala sakanya dito last night. Boyfriend niya kaya yon?

Instead na isipin ko pa 'yon, nagbihis na lamang ako. Nag-ayos na rin ako dito sa banyo. Pagkalabas ko, wala na sila. Iniwan din nila sakin ang pinagkainan nila. Nang lumapit ako, dun ko lang napansin na kinain din pala nila yung baon ko. Or baka kinuha? Halos mauubos na rin ang sinaing ko kanina.

Napa-buntong hininga nalang ako.

Alas syete y medya na at mukhang wala na akong oras para magluto. Kaya naman kumain nalang ako ng saging at uminom ng madaming tubig. Mabuti nalang din nakabili ako kahapon ng saging.

Bago umalis naglagay muna ako ng tubig sa lalagyanan ko. Ayoko kasi ng bili ng bili, nakakasira sa kapaligiran at sayang sa pera.

Hindi ko na rin naligpitan ang mga plato dahil nagmamadali ako. Nilagyan ko nalang ng tubig para hindi matigas mamaya at hindi rin langgamin.

Pinunsan ko na muna ang lamesa at chineck ang buong silid. Mahirap na kapag may naiwang nakasaksak dito, delikado.

Nang nasiyahan na ako, nagpasya na rin akong umalis. Late na ako, at wala na akong magagawa doon. Kaya naman kumaripas ako ng takbo.

Nang makarating sa eskwelahan, naalala ko medyo malayo pa nga pala ang classroom namin. Hingal na hingal ako kung kaya naman uminom muna ako ng tubig.

Tinignan ko ang orasan ko at past 8 na! Kaya tumakbo ulit ako. Pagka-pasok ko naman ng classroom, wala pa ang teacher. Buti nalang.

Umupo na ako sa pinaka-dulong upuan, tumabi ako sa babaeng nakadukdok sa kanyang armchair.

Tinignan ko ang paligid, at wala akong nakikitang Berry sa paligid. Balak ko sana siyang i-text kaso wala nga pala akong load ngayon. Naubos ko ata kahapon habang nakikipag-text ako kay Ate Neri.

Maya-maya ay dumating na din ang teacher. Kaya naman tinapik-tapik ko na ang katabi ko. Agad din naman siyang gumising at tinarayan ako. Siya pala yung nakasalubong ko nung nage-enroll ako.

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now