Ikalabing-tatlo

9 3 0
                                    

"A-akala ko-"

"Akala niyo patay na kami? Ganon ba?"

Tinanguan ko siya.

Bumuntong-hininga naman siya.

"Malakas kasi yung impact na 'yon samin eh. We badly needed to hide the fact na buhay kami. We, twins don't want to be stressed out again. Imagine, being mobbed by the press just to ask us how did we survived?" tumingin siya sa malayo.

"Our parents nearly died that time. Pero hindi rin nagtagal, Mom passed away. While Dad, mga 5 years ata after Mom passed away. He was paralyzed." she continued.

Nagulat ako roon, "Teka, sino nag-aalaga sa Dad mo ngayon? Ano, ano na ang nangyari? Kamusta?" sunod-sunod kong tanong.

Tumawa siya ng konti. "We told him na dito muna kaming dalawa, maybe for 2-3 years? Or lesser. Hindi kasi namin kaya na makita siya palagi na ganon ang itsura. Yung other relatives din namin nag-request nito. Sila nalang muna daw ang mag-aalaga."

"Also," she continued. "I wanted to see you, so bad. I missed you alot, Anna." pagkatapos non, sabay kaming napaluha.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "S-sorry if hindi kita namukhaan. I missed you too... so much." by that, I hugged her tighter.

Namiss ko 'to. Namiss ko ang yakap niya, ang presensya niya. Lahat.

Ito yung matagal ko nang inaasam eh. Hindi ko naman aakalain na, nagkita na pala kami. Andito na ulit siya sa tabi ko.

Napatingin ako sa langit.

Siya nalang, siya nalang ang inaantay ko.

Hindi na kami pumasok sa mga sumunod na klase, tinext niya daw ang kapatid niya na hindi muna kami papasok dahil madami daw kaming kaylangan i-catch up.

Sumang-ayon naman ako dahil minsan lang din ako mag-cutting classes. At masakit parin sakin ang naging sagutan namin ni Berry.

Madami-dami din kaming napagkwentuhan. Natutuwa ako sa iba niyang karanasan sa ibang bansa. Lalo kapag namamangha daw siya sa mga bagay na bago lang sa paningin niya.

Siya naman ay lubos na nalulungkot sa akin. Mabuti na din daw na naglayas ako, nakahanap pa daw ako ng mas mabuting tao.

Gusto niya raw makita ang mga umampon sakin at pasasalamatan niya ng sobra.

Natawa tuloy ako.

Kinwento ko rin pala ang mga nangyari samin ni Berry, galit na galit Elly.

"Naku! Matagal na kumukulo ang dugo ko jan. Nung naggagala ako dito sa campus, nakasalubong ko yan. Aba, tinarayan ako sabay tulak. Nakaharang daw ako sa daan. Like hello?! Ang laki ng space sa gilid. Grabe, kaimbyerna."

Bigla ko naman siyang pinakalma. Naistorbo tuloy ang aking loob sa ginawa ni Berry kay Elly.

Nakakapagtaka lang talaga bakit ganoon na ang ugali niya. Hindi ko inaakala na magbabago siya na ganito.

Nakakasakit na siya ng kapwa.

Pagkatapos ng halos isang araw na kwentuhan, napagdesisyonan namin na kumain sa malapit na fast food chain sa eskwelahan.

Nireto ko sakanya ang mga kalenderya, sigurado ay namiss niya na ang mga lutong pinoy.

At dahil rin natatakam ako sa bulalo, isa 'yon sa inorder namin.

Medyo madami kaming inorder ngayon at lahat ay bagong luto. Maiinit pa.

May barbeque, isaw, lahat ata ng klase ng nasa stick ay kinuha namin. Tigda-dalawa kami. At isang malaking bulalo.

Paniguradong mauubos agad ang allowance ko. Pero okay lang, basta si Elly. Tsaka minsan lang naman 'to.

Kaya ko naman bawasan ang mga susunod kong gagastusin, okaya hindi na muna ako gagastos.

Lahat ng mga kinain namin ni Elly ay nagustuhan niya.

"Favorite ko na ata 'to! Thank you." sabay halik sa pisngi. "And oh! It's on me pala. Don't pay for it."

"Pero-"

"Walang pero-pero! Or sasabihin ko wala tayong pang-bayad." sabay hagikgik niya.

Sinimangutan ko nalang siya kahit alam kong hindi niya rin naman gagawin 'yon.

Pasado alas-singko na at napagdesisyonan namin na umuwi na.

Nagkanya-kanya na kaming dereksyon at ako, nagsimula na maglakad.

Madadaanan ko ngayon ang parke kung saan doon ginagawa ang mga karumaldumal na gawain.

Habang naglalakad, may napansin akong pamilyar na likod, pero agad naman itong nawala sa paningin ko.

Binilisan ko na ang mga yapak ko at nagdasal na din.

Mabuti ay nakauwi ako nang ligtas.

Paakyat na ako sa silid namin at bigla kong naisip si Berry.

Awkward ba kami mamaya? Mamamansin ba siya? Papansinin ko ba siya?

Hindi ko alam.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung insidente samin nila Berry. Grabe ang mga pasabog, nalaman ko na si Elly lang pala yung taong laging nanjan sa tabi ko tuwing umiiyak ako palagi.

At si Berry naman, ayun ganon parin. Minsan nga halos parang wala lang ako sakanya. Tsaka minsan parang pinagdadamutan niya ako. Pinapabayaan ko nalang. Baka sa susunod eh, bumalik ulit siya sa dati.

Iniintindi ko nalang. Baka kasi unang beses lang siya nakapunta dito sa maynila, andami niyang ginawa na puro dito lang sa maynila niya magagawa.

Hindi ko naman siya jinajudge, ang akin lang sana ay maghinay-hinay siya.

Baka kasi makasama sa kalusugan niya ang paginom-inom at minsan naamoy ko sa bibig niya ang amoy ng sigarilyo.

Minsan nga ay nakikita ko siya malapit sa mall na naninigarilyo.

Lalapitan ko sana kaso bigla siyang umalis. Ayoko sanang gumawa ng eskandalo hanggat maari, baka mas makasama sa relasyon naming dalawa.

Kapag umuuwi siya, lagi ko tinatanong kung kamusta siya. Minsan nakikita ko iniirapan ako, okaya hindi ako pinapansin. Minsan ay tipid magsalita.

"Klai. Pahingi nga ng pera, ubos na kasi ang allowance ko. Pwede ba maki-utang?" minsan ay tanong niya.

Dahil naawa ako, "Magkano ba ang kailangan-"

"Isang libo."

"Ha? Isang libo? B-bakit nam-"

"Ibigay mo nalang. Babayaran naman eh." pagdedemand niya.

Wala na akong nagawa kundi ibigay ang natitira kong pera. Isang libo at isang daan nalang ang pera ko. Sana ay sa magandang paraan niya ipambili yan. Dalawang linggo pa bago matapos ang buwan, at sa susunod pa na linggo ako magkaka-allowance.

Wala akong pinagsasabihan nito. Kahit kila Elly at sa mga umampon sakin. Tiyak ay magagalit sila.

Lalo na kung malaman nila ang mga ginagawa ni Berry dito at saakin.

Mas gusto ko tiisin nalang at intindihin kesa isumbong ko, tapos mag-away pa kami.

Okay na sakin yung set-up na ganito kami palagi. Pero hindi ko maide-deny na namimiss ko ang dating Berry-ing nakilala ko.

Siguro ay ganoon talaga. Tumatanda na kami eh, baka nagma-mature na siya. Ayaw na sa mga pambata o sa mga dati naming gawain.

Nage-explore na siya.

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now