Ikasiyam

7 4 0
                                    


Dahan-dahan akong pumasok sa bahay na may ngiti sa mga labi. Naku! Baka nag-aalala na sila sakin, hay.

Kumatok muna ako sa bahay bago pumasok. Hindi ko inaasahang nandito sa sala ang Nanay at Tatay, andito rin ang iba kong kapatid. Anong araw na ba?

"Nay-"

Imbis yakap ang matangap ko,"Punyeta kang bata ka! Saan ka pumunta? Rebelde ka na ba, ha!" Ang lakas ng sampal ni Nanay sakin. "Sabi sakin ni Almira, hindi ka daw pumasok kahapon! Tapos, malalaman-laman lang namin na hindi ka umuwi kagabi? Ha!" sunod-sunod na sabi ni Nanay habang sinasaktan ako.

"N-nay! Hindi po-"

Nakatanggap na naman ako ng isang sampal. "Sinasabi mo bang sinungaling tong si Almira, ha! Napakawalang-hiya mong hinayupak ka!"

Halos wala silang pakielam sakin, hindi nila alam na mahirap para sakin ang napagdaan ko kahapon. Lalo na sa ganitong edad.

Iyak nalang ako ng iyak, hinahayaan silang saktan at sabihan ako ng masasakit na salita. Ayaw nila akong pagsalitain.

Nabalik lang ako sa realidad ng may naramdaman akong yumayakap sakin.

Ang sarap pala sa puso.

Hindi ko makita kung sino ang yumayakap sakin. "U-uh..."

Hinagod niya ang likod ko. "Shh, i-iyak mo lang yan. Tandaan mo, andito lang ako." bulong niya sa tenga ko.

Sinulit ko na ang pagkakataong umiyak. Ang sakit ng sinabi ni Berry, tapos naalala ko pa ung ala-ala ko saamin.

Humagulgol na ako ng iyak at patuloy lang siya sa pag-hagod.

Bakit... bakit napaka-gaan ng loob ko sa yumayakap sakin? Napaka-pamilyar. Pakiramdam ko ito yung taong unang umintindi at nag-stay, sa mga panahong gusto ko nang maglaho.

"Elly..." sambit ko. "Miss na kita." at sa huling bigkas ko, isang luha din ang pumatak.

Tila ba parang naestatwa ang yumayakap sakin.

Napa-atras siya at, "Naaalala mo na ako..." hindi makapaniwalang sambit niya. "Naalaala mo ako!" at tumulo na ang mga luha niya.

"Bakit...?" takang-tanong ko.

"A-ako 'to!" tinuro niya ang sarili niya. "Ako 'to!" at bigla naman siyang humagulgol.

Nagtataka akong bumaling sakanya. "Oo. Ikaw yan, si Kandy." Inosente kong sambit.

Napatigil naman siya sa paghagulgol at hikbi-hikbi akong niyugyog. "A-anna! Ako 'to!"

T-teka... Anna...

Magkatabi kami ngayon ni Elly at pinapakinggan ang nagtuturong guro.

"Inez!" Tawag ng guro. "Sagutan mo 'to. Ilang araw ang mayroon tayo sa isang linggo?"

Tumayo ako at magalang na sumagot ng, "Pitong araw po, Ma-"

"Okay, maari ka nang umupo." Agad naman akong umupo at nagpatuloy sa pakikinig.

Maya-maya ay nararamdaman kong kinakalabit ako ni Elly, may bahid na inis sa kanyang mukha.

Tawa-tawa naman akong bumaling sakanya. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Mas lalo lang kumunot ang noo niya. "Naiinis ako."

"Bakit?"

"Ayokong tinatawag ka nilang 'Inez'."

Nakita ko kung paano pa siya umirap at nakita ko din na namamasa ang mata niya.

"Teka, umiiyak ka ba?"

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now