Ikalabing-apat

4 2 0
                                    

Malapit na ang 3rd Quarter namin, madaming nangyari sa mga nakaraang buwan. Andaming activities dito sa paaralang namin. Nakakatuwa.

Nga lang, nakakaiyak din dahil medyo madaming gastos. Lalo na nung bazaar. Medyo madami akong binili dahil sinusupportahan ko ang mga gawa nila na pinaghirapan nila.

Talaga nga namang nakakainspire.

Kaya naman nagtinda rin ako ng mga painting ko, minsan ay nagpapaint sila sa mismong araw na 'yon. Shempre ay mahal 'yon.

Mabuti nalang ay hindi sila nagrereklamo. Kasama ko si Elly. Si Berry kasi ayaw niya daw, 'di daw siya aattend.

Kaya naman naka-ipon kami ni Elly non. Aabot ata mahigit benteng libo ang kinita ko. Pinilahan kasi masyado ang aming booth, kaya naman nakakatuwa.

Pero hindi lahat ng 'yon ay saakin.

Binigyan ko ng limang libo si Elly, dahil tinulungan niya ako do'n sa iba. At nagdonate naman ako ng limang libo sa shelter na napili ko.

Ang dalawang libo ay pinangbili ko ng mga pagkain, kagamitan, para sa mga bata sa lansangan. Nakakatuwa na natutuwa sila sa munti kong binigay.

Ang natirang mahigit sampung libo ay inilagay ko sa bangko. Iipunin ko ito.

"Klai, balita ko... nakabenta ka ng madami sa bazaar?" panimula niya.

Agad namang sumilay ang ngiti ko. Siguro ay proud 'to sakin.

"Hindi ka man lang ba mantre-treat? Grabe ka naman, sarili mong bestfriend, hindi mo tinitreat. Hindi mo pa nga sinabi sakin eh." simangot niya.

"Ay, hala! Pasensya na. Medyo nawala sa isip-"

"Bakit mo naman hindi agad sinabi sakin?" pagputol niya. "Edi sana, nakapag-treat ka agad! Isasama ko sana ang boyfriend ko."

Napa-iwas ako ng tingin. Naguguilty ako eh. Dapat ba talaga kaylangan ay man-treat ako at unahin ko muna sabihin sakanya bago muna ako tumulong sa kapwa?

Sasabihin ko naman eh. Kung pinapansin niya lang ako. At tyaka sasabihin ko na din sana nung araw na 'yon. Kaso ay ayaw niya daw ako kausapin muna.

Kaya ay kila Ate Neri, Lolo, Lola at sa mga aso ko muna ito unang ibinalita! Tuwang-tuwa sila at,

"Nako, Kala. Dahil jan, dadagdagan namin ang allowance mo-"

Agad ko namang pinutol ang sinabi ni Lolo. "Po? Naku! Huwag na po. Sapat na po sakin ang allowance ko."

"Hindi. Paniguradong naubos ang allowance mo sa dami mong ginastos." sabi naman ni Lola.

"Oo nga, Kala. Tanggapin mo na!" Kindat naman ni Ate Neri.

Natawa tuloy ako. Ito kasing si Ate Neri ay natutuwa pa, nagbibiro siya na hati daw kami. Tsaka hayaan na daw na i-spoil ako ng mga matatanda.

"Naku..." kamot ko sa ulo. Tila ba ay wala nang magawa at masabi.

"Ah, basta! Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ah. Miss ka na namin. Dalaw ka dito pagkatapos ng exam niyo. Okay?"

"Opo! Paniguradong sainyo ako dederetso. Kaylangan din po ni Ate na may tumutulong sakanya sa pag-aalaga at linis." eksayted na sagot ko.

"Nako, Kala. Hindi ka namin pinapauwi dito para maging katulong namin. Tandaan mo 'yan." pangangaral naman ni Lola.

Ngumiti nalang ako dahil ay baka mastress pa sila sa kakulitan ko.

"Ano na, Klai? Tatawagan ko na ang boyfriend ko. Bilisan mo."

Agad naman akong nagpanic. "Uh. Berry pwede sa susunod na lang?-"

"Wow! Sa su-su-nod na-lang?! Napaka-wala mong kwentang kaibigan. Palibhasa may pera ka, ganyan ka na." padabog niyang binaba ang telepono.

"Pasensya na tala-"

"Tangina. Puro nalang pasensya. Eto na nga lang yung way mo para makabawi eh? Aangal ka pa. Akala mo naman kung sinong maganda."

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil pabulong lang at tumalikod na siya.

Talaga nga namang nasaktan ako sa sinabi ni Berry.

Pakiramdam ko ay napakawala kong kwentang kaibigan.

Mahirap kasing gumastos ngayon. Madami rin akong bayarin na hindi alam ng mga umampon sakin.

Ako ang nagbabayad sa mga 'yon. Nagi-ipon din ako.

Itre-treat ko naman sana siya eh. Pero mabigat ngayon sa bulsa. Pakiramdam ko ay baka sa buffet o sa mamahalin siya magrequest. At tyaka baka hindi lang din kasi boyfriend niya ang isama niya.

Kung boyfriend lang, paniguradong madami siyang ipapabili sakin.

Kaya, sa susunod na lang muna.

Pangako, pagi-ipunan kita.

"Uy, Anna. San ka sa sembreak?" tanong ni Elly.

Andito kami ngayon sa school grounds, nagrerelax.

"Hmm.. Sa Mindoro. Uuwi ako eh. Ikaw?"

"Pwede bang...." kamot niya sa ulo.  "hehehe"

"'Pwedeng' ano?"

"Sumama." at nagpacute.

Napatawa tuloy ako. "Sigurado ka ba?"

"Oo!" agaran niyang sagot.

Napataas naman ako ng kilay. "Ang bilis mo naman magdecision. Sigu-"

"Promise!" taas niya sa kamay niya. "Sigurado talaga ako. Pleaseee, isama mo na ako. Sasama ako ngayong sembreak sayo. Kahit saan ka magpunta. Please."

Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Naku! Dapat ay pinagiisipan mabuti yan. Ayokong magsisi ka sa-"

"Hindi! Never akong magsisisi. Last time na nagsisi ako nung hindi ako nag-stay sa tabi mo."

Napanguso tuloy ako. "Hindi ka dapat nagsisi. Hays. Sige. Papayag ako-"

"Yey! Thank you! I lo-"

"Hindi ngayon."

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Hmp! Bibili na ako ng mga gamit at magi-impake. Sisiguraduhin ko na makakasama ako sayo."

"Elly!" saway ko sakanya.

"Bleh!" dila niya. "Bakit? Andaya mo nga eh! Gusto lang naman kita kasama..."

"Oo nga. Eh kaso..."

"Kaso what?"

"Uh..."

"See? You don't have any more excuses na. Final na 'to. I'm going with you. Yay~" tumalon tuloy siya sa excitement.

"Teka- teka! Pano yung kambal mo?"

"Hay, let him where he wanted to be. For sure he have other plans." irap niya.

Napatango-tango nalang tuloy ako.

No choice eh.

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now