Una

27 4 4
                                    

Apat na taon na ang lumipas simula nung lumayas ako sa aming bahay. Hindi ko rin masyadong pinagsisihan na lumayas ako dahil nakatagpo naman ako ng mabuting tao dito.

"Aray, ano ba!" Hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.

"P-pasensya na, hindi ko sinasadya." Inayos ko ang nahuhulog ko na salamin at tinignan siya. Mas matangkad siya ng onti saakin, maputi siya at itsurang may pagka- maldita. Inirapan niya na lamang ako at umalis na siya.

Patungo ako ngayon sa registar kung saan ako mag e-enroll sa aking dream school. Noon ko pa ito pinapangarap. Onting kembot nalang at magiging official na estudyante na ako dito. Dito ako ngayon nakatira sa Manila, alam kong kayang kaya ako matagpuan dito ng mga kamag-anak ko. Pero nagkakamali sila, dahil hindi na nila ako mamumukhaan. Teka, eh hindi naman nila masyadong nakikita tong mukha ko eh. Kaya hindi rin nila mapapansin na ako 'to.

Pagkatapos kong mag enroll, pumunta muna ako sa malapit na kainan dito. Sabi nila masarap daw dito at mura pa! Kaya naman dali dali akong umupo at umorder.

Pagmulat ko ng mata, hinahanap ko agad ang aking mga aso. Kaso bago pa man ako maka- lakad, naaninag ko na ang hindi pamilyar na lugar.

Agad naman akong nagtaka. "Bakit parang hindi naman ito 'yong kubo kagabi?"

Bigla naman akong napatalon dahil sa pag-dila ng mga aso ko sakin, napangiti nalang ako at nilaro laro muna sila saglit. Hindi nagtagal, nakarinig naman ako ng katok galing sa pinto.

"Excuse me po, andito na po ang pagkain niyo." Inilagay niya ang tray na may lamang pagkain sa kama at bago pa siya makaalis agad naman ako nagtanong.

"Uh... sino po kayo?" Pag aalinlangan kong tanong. Baka mamaya siya pala may-ari nitong kubo tapos ang kapal ng mukha ko para tanungin siya non.

"Katulong ako dito. Ako nga pala si Aling Neriah. Ate Neri nalang." Malambing niyang sagot.

Napatango at ngiti nalang ako sa sagot niya kahit na nagtataka parin ako. Bigla namang tumunog ang tyan ko, hudyat na gutom na ako.

"Ay hehehe. Sorry po..." Nahihiya kong paumanhin.

Dumating na ang aking pagkain at hindi lang siya basta basta pagkain. Dahil ito ang paborito kong pagkain! Simula kasi nung natagpuan ko ang pamilya nila, lagi nila itong niluluto. Hindi kalaunan ay hinahanap hanap ko siya.

Humigop muna ako ng mainit na sabaw at nagsimulang kumain. Ang sarap talaga nito! Habang sinusuyod ko ang paligid, may naaaninag naman akong parang isang pamilyar na tao. Iniisip ko tuloy kung sino siya... Buti nalang hindi siya isa sa mga kamag-anak ko.

Tapos ko na kainin ang pagkain ko at nagpasya akong maglakad lakad muna. Habang naglalakad nakakita naman ako ng mga taong nagkukumpulan, tila ba mga takot na takot. At syempre isa ako sa mga chismosa, nakisingit naman ako.

Hindi ako nagsisi dahil nakita ko lang naman na may nag-aaway dito sa daan. Patayan kumbaga, nakita ko kasi kung paano pumutok ang ulo nitong isang lalake. At hindi lang doon! Nagulat ang marami sa nakita dahil hindi naman namin inaasahan na kakainin siya nung ibang kasama nito.

Napatawa nalang ako nang bahagya. Sapagkat sanay na sanay na naman sila sa ganyan tapos magugulat parin sila. Parang tanga lang. Tumalikod na ako at saktong pagkatalikod ko, nakita ko naman ang kaluluwa nung namatay. Nakangiti siya sakin kaya naman nginitian ko rin siya pabalik.

Sa totoo lang nakakadiri. Itsura niya kasi kulang kulang, kung ano ang nakita ko sakanya sa daan yun naman itsura ng kaluluwa niya. Nakakatakot sila sa totoo lang. Sakto kasing malapit lang dito ang pinapangarap ko na eskwelahan kaya pakiramdam ko, araw-araw akong makakakita ng ganito dito. Wala namang ganto dati, hindi ko lang alam bakit naging ganto.

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now