Ikalawa

21 5 0
                                    


Naghanda nalang ako ng Adobo, baka gutom lang 'to kaya hindi ako makatulog.

"Luzviminda, kakain na." I teased her.

"What-ever. Wag mo lang ako matawag tawag na ganyan sa labas." Halatang gigil na gigil na sabi niya.

Kaya naman hindi ko mapigilan ang paghalakhak ko, halos maiyak na ako sa kakatawa. Bigla naman niyang pinasok sa bunganga ko ang isang kutsarang bagong lutong kanin. Bigla ko tuloy ito nailuwa sa ulo niya. Paano ba naman kasi, habang tumatawa ako umupo siya sa upuan eh dinuduro-duro ko pa siya. Yan tuloy napala niya. Napahalakhak nanaman tuloy ako, tila ba wala nang bukas.

"Tumigil ka nga jan. Pot-ragis ka ha!" Duro niya sakin gamit ang tinidor.

"Yuck! Tignan mo itsura mo, dugyot. Nye nye nye nye" Pang-aasar ko pa.

"Naku! Sige lang Beckett Ybañez, ituloy mo lang. Makikita mo talaga, nako." Halos lalabas na ang ugat niya sa buong mukha niya.

Kaya tuloy napatawa nanaman ako. Kung hindi niya lang ako binatukan, hindi ako titigil. Bago kumain inayos na muna namin ang kalat namin at tyaka nagdasal. Habang kumakain, napaisip naman ako kung anong mangyayare sa taong ito. Since posible kasing makita ko sila dito, lalo na yung lalakeng sumagip sakin. Hindi siya matanggal-tanggal sa isipan ko, kaya sana magpakita na siya para naman tumahimik na ang mga bumabagabag saakin.

Isang buwan nalang bago mag pasukan, pero wala pa kaming plano ni Berry sa natitirang bakasyon namin.

"Sa tingin mo, ano bang magandang pagka-abalahan ngayon? Travel kaya tayo? Or Road trip? Hay. Hindi ko alam..." Problemado kong tanong.

"Ikaw naman, masyado kang nag-aalala. Hmm, how about let's try more dangerous stuffs? Kaya lang, nakakaurat." Problemado na rin ang itsura niya.

"Aha! Alam ko na." Tila ba parang naka- jackpot ako sa naiisip ko.

Matapos namin kumain, sinabihan ko na siya na mag-ayos at magsuot ng komportableng damit. Ako naman ay pumunta sa banyo at naligo. Lumabas ako ng nakatwalya lang. Nakita ko naman siyang nakatayo sa salamin at nagpapahid ng lipbalm sa kanyang labi.

Nakasuot siya ng jumper na shorts, with plain blue pastel t-shirt, at puting adidas. Nakahanda naman sa gilid niya ang kanyang shoulder bag, at isang itim na sunglasses.

Kinuha ko naman sa aparador ko ang
maroon burgundy cotton top, na pinares ko naman sa isang simpleng maong shorts.

Pagkatapos ko magbihis, sinuot ko naman na ang aking white converse at nilagyan ng gamit ang aking black na small backpack. Tinaas ko naman ang buhok ko in-to bun, si Berry naman ay naka fishtail na ang buhok. Bago umalis naglagay muna ako ng sunscreen sa buong katawan at nagpabango. Napaka-importante kasi nito, kaya walang araw na hindi ako ako nagla-lagay nito. Bago ko pa pala makalimutan, kinuha ko na ang aking sunglasses at inilagay 'to sa ulo ko.

"Ready kana ba?" Excited na tanong ko.

"Oo. Ready na ready na. Teka, san ba kasi tayo pupunta?" Clueless niyang tanong.

Hay nako, hindi niya alam saan kami pupunta pero ang suot niya naman parang pinaghandaan at alam na doon kami pupunta. Napairap nalang ako sa kawalan at niyaya ko nalang siyang umalis.

Pagbaba namin ng bus, dumeretso na kami sa entrance para bumili ng ticket. Mukhang hindi pa niya nakikita na andito kami sa isang amusement park, deretso lang kasi ang tingin niya. Paniguradong matutuwa 'to kapag nakapasok kami.

"Tara na. Libre ko 'to!"

"Talaga? Weh? Seryoso?" Kumikislap-kislap pa ang mga mata niya.

Ngumisi ako."Ay oo nga pala, ikaw na sa foods. Ano ka sinuswerte?" Binaliwala ko nalang ang pagsimangot niya.

El Liberado MuseauWhere stories live. Discover now