Thirty One

219 11 0
                                    

Key's P.O.V

Eto na naman ako, at iniiwasan ko si mike... syempre iiwasan ko yung tao, ikaw ba naman mapunta sa ganung situation eh. So kung hindi niyo pa gets, last time nag punta kami sa bar, ang huli ko na lang naalala that time is hinalikan ko si mike, and then nagising na lang ako na parehas kaming nakahubad at ang mga damit namin ay nasa lapag, at sobrang sakit ng buong katawan ko, as in ang ang saket saket. So narealize ko at bumabalik pa rin sa alaala ko yung nangyare sa aming dalawa.

Kaya agad akong umalis duon, at dahil nakakahiya yung nangyare sa amin, I mean i did like it but still, wala kaming relasyon or whatsoever, kaya matatawag mong one night stand yun. And for sure wala siyang naalala maybe kaya nangyari sa amin yun ay dahil sa sobrang lasing niya akala niya babae ako. Well, he would really think na babae yung naka sex niya dahil iniwan ko yung lipstick ko sa kama niya, hindi niya naman alam na nagamit ako ng ganung products eh. Kaya for sure pag kagising niya nakita niya yung lipstick na yun tapos inisip niya na babae yung nakasex niya, i mean kailangan niya pa bang isipin na babae nakasex niya? Eh straight naman siya, may gusto nga lang siya kay jules...

"Hoy tara na nagugutom na kami" nagulat ako ng may biglamg simulpot sa gilid ko at marealize ko na si marrielle yun at si jessie at agad ng ila akong hinila papunta sa cafeteria.

Pag dating namin dun ay nakita ko agad na magkasama si jules at mike sa usual na table namin at nung nakita nila kami ay lumipat si mike sa harap ni jules, magkatabi kasi sila eh, kaya agad akong tumakbo duon sa tabi ni jules tinignan naman nila ako na parang nawiwirduhan sila. May arrangement kasi kami sa upuan, ako lagi ang katabi ni mike at magkakatabi silang tatlo nila jules... i mean bigla na lang ganun yung naging arrangement namin tapos lagi na kaming ganun...

"May ginawa ka na namang masama kay key noh!?" Biglang tanong ni jules kay mike at napa iling iling lang kaming dalawa at tumingin naman sila kay mike na parang hindi sila naniniwala at napa isip naman si mike

"Wala, wala siyang ginawang masama sa akin" pag tatanggi ko sa inaaccuse nila kay mike at tumungo lang ako dahil naalala ko na naman yung nangyare, bakit kasi ako lang nakaka alala eh!? Ako lang tuloy nag sasuffer, well okay na din yun baka mas mag suffer ako pag naalala niya

"Napakalandi mong lalake ka!" Nagulat ako ng sinabi yan ni jessie kaya agad akong napatingin sa kaniya at nakatingin siya kay mike habang nailing iling

"Huh!? Bakit na naman? Ano na namang ginawa ko?" Gulat na tanong ni mike kay jessie, ang malas niya lang kasi si jessie katabi niya imbis na si marrielle, at nagulat kami ng tampalin ni jessie si mike sa leeg

"May dalawang kiss mark ka oh! Landi landi mo!" Sabi ni jessie at napa yuko na lang ako dahil sa hiya, sheeett!!!!! Naaalala ko yung mga pang yayare! Tama na! This is so much suffering!

"Oo nga eh, ang dami ko pang kalmot sa likod, first time siguro yun nung naiuwi ko" sabi niya na parang proud pa siya sa nangyare, pero the way na sabihin niya yun, ibig sabihin wala talaga siyang maalala. Syempre talagang madami kang kalmot, eh first time ko naman talaga yun eh!

"Hoy kupal ka! Pagkaka Alam kong mag kasama kayo sa bar nun ni key" sabi ni jessie na ikinalaki ng mata ko at agad akong napatingin sa kaniya at deep inside kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin

"Iniwan mo si key mag isa sa bar para lang maikama mo yung babaeng nameet mo!? Walang hiya ka!" Galit na sabi ni jessie at sinabunutan niya s mike at napa buntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya, buti na lang talaga

"Teka... oo nga noh" sabi ni mike na para bang unti unti niyang naalala yung nangyare sa bar, shet no

"Tara order na tayo nagugutom na ako" sabi ko sa kanila para lang maiba yung topic at nagulat ako ng biglang hawakan ni mike yung kamay ko, at talaga namang nataranta ako dahil baka bigla niya nang naalala, tapos sasabihin niya sorry tapos sasabihin niya na mag kaibigan lang kami anong gagawin ko!!!???

"San ka napunta nung gabing yun? Paano ako nakauwi? " takang tanong niya at nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang wala nga siyang maalala

"Ahhh, nag inom lang ako katulad mo, and bago ako malasing ng tuluyan eh itinawag na kita ng taxi, tapos nung papunta ka na sa taxi may naka sabay ka palabas ng bar na babae tapos inakbayan mo tapos ayun. Sinabi ko na kasi sa driver yung address mo" sabi ko sa kaniya at nag fingers cross na kang ako sa isip ko, sana paniwalaan niya yung mga sinabi ko, sana makapag insert ako ng false memory sa isip niya, sanq gumanaaaa!!!

"Ahhh, okay. Ay mamaya pala, daanan kita sa bahay niyo date uli tayo" sabi niya at hindi na ako nagulat na date ang gagamitin niyang word dahil lagi naman niyang sinasabi niya, pero iba lang talaga yung nararamdaman ko ngayon lalo na at may nangyare sa amin, tumango tango na lang ako sa kaniya bilang tugon.














For some unkown reason, the moment na sinundo ako sa bahay ni mike, para bigla akong nadown, as in nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay, at syempre di ko lang pinahalata sa kaniya yun... siguro hindi na kinakaya ng puso at isip ko na lagi na lang kaming ganito, lagi na lang kong mag bubulag bulagan, lagi na lang akong mag papagamit, lagi na lang akong sunod sunuran kay mike.

"Hey kanina ka pa tulala? Is something wrong?" Takang tanong sa akin ni mike at tumingin ako sa paligid namin, at andito pala kami sa restaurant kung saan naganap yung first so called date namin, kung saan ko din unang nakitang magkasama si chelsea at si christian

"Mike, I mean michael, let's stop this"

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now