0ne

2.4K 57 10
                                    

Jules' P.O.V

Andito ako sa cafeteria ng school, kakakuha ko lang ng order ko at pabalik na ako sa pwesto namin ng mga kaibigan ko. Mag tutuloy tuloy na sana ako sa pag lalakad ng may taong humarang sa daan ko, kaya gumilid ako at gumilid din siya, kaya gumilid uli ako at tumapat na naman siya sa akin kaya nainis na ako at tinignan na kung sino yung humarang sa daan ko, at sana hindi ko na ginawa dahil nakita ko na naman ang pag mumukha niya,

"Fuck off Kris!" Inis na sabi ko sa lalakeng naka tayo sa harap ko at itinulak ko siya ng bahagya dahil naka harang siya sa daan ko at agad akong nag lakad papunta sa table namin ng mga kaibigan ko.

Ng makaupo na ako ay lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang nag aabang sa susunod kong gagawin, kaya agad ko silang tinaasan ng kilay at inirapan.

"Bakit na naman kayo nag away?" Takang tanong ni michael

Siya si Michael, or mike, siya ang pinaka tinuturing kong bestfriend, and he acts like a kuya to me.

"Oo nga, ano na naman nangyari sa inyo?" Pag tatanong din ni key

Key, ang pinaka maharot na lalakeng kilala ko, dalawa meaning ng maharot diba? Yung isa magalaw at malikot, yung pangalawa naman is yung malandi, well, si key ay parehas. Pero madalas tahimik lang siya, weird ng ugali niyan eh

"Trip ka na naman nun noh?" Tanong naman ni jessie at tumango tango lang ako sa kaniya

Jessie, ang nag iisang babaeng kilala kong kaugali ko, bukod sa parehas kaming baliw, parehas din kaming walang preno ang bibig

"Alam mo bagay kayo nun" sabi bigla ni marielle, at agad akong napatingin sa kaniya dahil nandidiri ako sa sinabi niya

Si marielle naman ang kaisa isang tao na nakakarelate sa akin pag dating sa bl series, yaoi at bl manhwa.

"Alam mo marielle, tantan mo na yang kakaimagine sa amin ng bulok na hayop na yun" sabi ko sa kaniya at sinimangutan niya lang ako at iniyos niya ang salamin niya

"Bwiset na lalakeng yun, bigla bigla na lang manghaharang ng daan tapos akala mo nakikipag laro ng patintero, kairita" nasabi ko na lang at muntikan ko nang mabali yung tinidor na hawak ko.

I'm jules, and siguro naman alam niyo na pero sasabihin ko pa rin, obviously I'm gay, just a typical bitchy gay. Oo inaamin ko nang bitchesa ako, dahil bukod sa walang preno ang bibig ko, ay hindi rin ako nag sugar coat ng words.

"At sino naman ang bulok na hayop na sinasabi mo?" Biglang tanong mula sa likod ng pinaka nakakairita at nakakabwiset na lalake sa balat ng lupa

At itong lalakeng pinag uusapan namin? Itong walang hiyang hayop na bigla na lang humarang sa daan ko at akala niya siguro nakikipaglaro ako sa kaniya ng patintero? Siya si Christian, also known as kris. Kilala siya sa buong school, dahil bukod sa MVP siya sa lahat ng laban ng basketball, ay isa din siya sa heartthrob sa school na ito,  and official model and endorser siya ng school na ito, in other words pag gagawa ng kahit anong type ng advertisement about sa school ay lagi siyang andun. Masasabi mo talaga na kahit 18 pa lang siya ay successful na agad siya sa buhay, pero....

Isa siya sa pinaka nakakabuwiset na tao na nakilala ko, tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko, at sa tuwing makikita ko siya ay gusto ko siyang sakalin at saksakin ng tinidor sa dila. Ganyan ako kagalit at kairita sa kaniya.

"Ikaw malamang, may iba pa bang tao dito na may hayop na ugali at bulok na mukha?" Sarcastic at iritableng sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng biglang tumayo mula sa tabi ko si marielle at biglang tumabi kay key, and biglang umupo sa tabi ko si kris. At nakita ko naman kinindatan ni kris si marielle na agad namang ikina kilig ni marielle at napailing na lang talaga ako sa nasaksihan ko.

"Ah ako pala yung sinasabi mo? Akala ko tinutukoy mo sarili mo eh" sabi niya at agad na nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at tinignan siya ng masama

"Wag mo kong simulan hayop ka, tatapusin talaga kita" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin na para bang nang aasar at nag hahamon siya

"Ooh takot ako, wag po, napakasama mo pong tao" sabi iya at nagpapanggap na batang natatakot at agad ko naman siyang itinulak, malalaglag na sana siya ng nakatayo agad siya ng mabilis

"Ako pa talag sinabihan mong masama ugali? Bakit di mo alalahanin ang lahat ng ginawa mo sakin tsaka ka bumalik sa harap ko at sabihin uli na masama ugali ko" inis na sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng lumapit siya sa akin at tapik tapikin ako sa ulo

"Babe wag ka na magalit, gutom ka lang" sabi niya at dahil sa inis ko ay siniko ko siya sa maselan niyang bahagi at napa hawak naman siya duon at napaatras mula sa akin, lalapit lapit pa kasi sa akin eh

"Napaka amozana mo naman babe, wag mo na ulitin toh ah, wala ka makakain na masarap at mahaba pag inulit mo pa yun" sabi niya at kaqgad suyang tumakbo paalis ng makita niyang ibabato ko sa kaniya ang tinidor na hawak ko

"So sweet" kinikilig na sabi ni marielle at sinamaan ko lang siya ng tingin at sumimangot lang siya sa akin

Hindi ko talaga kayang makasama sa iisang space yang hinayupak na yan nakaka bwiset na siya!!!! Hayop ka kris!!!!!

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now