Twenty Five

232 11 0
                                    

Key's P.O.V

"What!???" Gulat naming tanong kay jules at agad akong napatingin kay Michael, bigla kasing sinabi ni jules na sila na uli ni Christian

"Kala ko ba exes are trash?" Sabi ni jessie at tumawa naman si jules sa kaniya

"Well, i didn't say naman na hindi siya trash, I just know how to recycle " sabi ni jules at nag tawanan naman silang lahat, at nakita kong naiinis na si michael

"Ang sakit ng tyan ko putek!" Biglang sabi ni Michael at agad na umarte na masakit ang tyan niya at agad siyang tumayo

"Punta lang ako clinic" sabi niya at naglakad na palayo

"Sige na, sundan mo na yung lalakeng yun kung gusto mo" sabi ni marrielle at tumango lang ako sa kanila at sumunod kay michael

"Why are you following me?"sabi niya sa akin ng makita niya akong nasunod sa kaniya

"Why? Ibubuhos mo na naman ba galit mo sa akin?" Sabi ko sa kaniya at napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin na mukhang galit at bigla niya akong hinawakan sa kuwelyo, at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at niyakap niya ako

"Samahan mo ako sa bar" sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya

"I'll come to your house later para sunduin ka" sabi niya sa akin at tumango tango lang uli ako sa kaniya

"Don't follow me, go back to them" sabi niya pa bago siya mag lakad palayo sa akin at tumango tango lang ako bago ako bumalik sa cafeteria

"Oh ano anyare?" Takang tanong sa akin ni jules at umiling iling lang ako at umupo na

"So bakit balikan na kayo?" Takang tanong ni jessie kay jules

"Ganito kasi yan..." at nag kwento na siya about sa mga nangyare, hindi na ako nakinig dahil maiingit lang naman ako.

Pero, seryoso, grabe na yung inggit ko kay jules, biruin mo gusto na siya ni michael tapos may gusto din sa kaniya ex niya, na boyfriend niya na uli... like what are the chances na ang katulad namin ay may dalawang lalakeng mag kakagusto samin. Well, mabait naman kasi si jules, mataray lang minsan at masama lang ang ugali sa taong masama ang ugali sa kaniya, at maganda siya, hindi mo siya matatawag na pogi dahil maganda talaga siya, yung tipong sa unang tingin mo sa kaniya mukha talaga siyang babae.... hayss... nakakaingit talaga siya

"Ano bang sikreto mo?" Biglang nasabi ko at lahat sila ay napatingin sa kanila

"Huh? Sikreto? Wala" sabi ni jules at inirapan ko lang siya

"Ang ganda ganda mo lang ganun? May gusto sayo si michael tapos ngayon balikan na kayo ng ex mo" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya at tinapik

"Walang gusto sa akin yan si michael, believe me" sabi niya sa akin at tumingin lang kaming tatlo sa kaniya

"Seryoso ba kayo?" Gulat na tanong niya at agad kong nilabas ang phone ko at plinay yung voice record ng confession ni Michael nung araw na nasa resort sila jules

"Nirecord mo!? Gaga ka!" Sabi ni marrielle at binatukan ako, at kita ko naman sa itsura ni jules na nagulat siya

"I didn't know" sabi niya na lang at pinitik ko siya sa noo

"You don't have to worry, now na broken hearted na siya sa nalaman niya about sayo, its time for me to show him kung sinong laging nasa tabi niya" sabi ko sa kaniya at ngumisi naman silang lahat sa akin nag okay sign lang sila sa akin...























"Ano ba naman tong pinasok ko!?" Inis na sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Michael na nasa dance floor na nakahawak sa pwet ng isang babae

"Kahit pala sumama ako sayo, hindi mo din pala ako mapapansin, i forgot straight ka!" Inis na sabi ko at uminom na lang at may biglang umupo sa tabi ko

"Kanina ka pa inis na inis dyan ah?" Tanong nung lalakeng nasa tabi ko at huminga na lang ako ng malalim

"Kita mo yang lalakeng naka white tshirt, yang naka vans na sapatos? May gusto ako dyan, elementary pa lang kami, tapos eto ako ngayon sinamahan siya dito sa bar kasi broken hearted siya dahil yung isang kaibigan namin na gusto niya may boyfriend na! Kaya ko nga siya sinamahan dito dahil akala ko magiging malungkot siya habang lasing tapos mag sasabi siya sa akin ng sama ng loob niya tapos iiyak siya sa akin tapos yayakapin niya ako, tapos marerealize niya na ako yung laging nasa tabi niya! Pero putang ina tignan mo naman ang kalaswaan na ginagawa!? Hayok na hayok kala mo naman di nag jerk off araw araw" inis na sabi ko dun sa lalakeng tumabi sa akin at tumawa lang siya kaya napatingin ako sa kaniya... isa lang masasabi ko, ang gwapo niya

"Sakin ka na lang, di mo ko makikitang malaswa sa iba, sayo lang ako lalaswa, at hindi mo na kailangan samahan ako sa bar para makita ko ang worth mo.... look around there are a lot girls here, but i choose to sit besides you... for me they're all just rocks, and you, you're a shining diamond" sabi niya sa akin at ngumiti sa akin at nginitian ko lang siya at umakbay siya sa akin at iinom na sana ako ng pigilan niya ako

"For sure ikaw ang mag hahatid sa isang yan pauwe, wag ka nang uminom" sabi niya at napapout naman ako sa kaniya at huminga na lang ako ng malalim dahil tama siya

"How'd you know?" Takang tanong ko sa kaniya at nginitian niya lang ako

"I just know, you look like someone na sunod ng sunod sa kaniya, sunod ka na nga ng sunod sa kaniya, sunudsunuran ka pa" sabi niya sa akin at nginitian niya lang ako at sinamaan ko siya ng tingin dahil tama siya

"What's your name?" Tanong ko sa kaniya at lumapit siya ng sobrang lapit sa aki

"Charles" bulong niya sa akin at tinulak ko naman siya ng bahagya

"Hoy bakit may kasama kang lalake!?" Biglang sabi ni michael na nakatingin sa aming dalawa

"Eh ikaw? Bakit nanlalandi ka ng babae sa dance floor? Kulang na lang mag sex kayo ah!" Sabi ko sa kaniya at napakamot lang siya sa batok niya

"Iuwi mo na yan, magkikita pa naman tayo uli" sabi niya sa akin at tumango ako sa kaniya at sinampal ko si michael tsaka ko siya hinila papunta sa kotse niya

"Sino ka? Bakit mo ko sinampal?" Sabi ni michael habang pinapasok ko siya sa kotse niya

"Siguro kikidnapin mo ko noh? Sige lang masarap naman ako eh, baka lang di mo ko kayanin, may anaconda ako" sabi niya habang nakangisi at inihiga ko lang siya

"Sus jutay ka" sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng bigla niya aking hilahin at napa patong ako sa kaniya at nagulat ako ng ilagay niya ang kamay ko sa loob ng pantalon niya kaya agad ko naman hinila ang kamay ko

"Daks ako, tapos magaling din akong humalik" sabi niya ag nagulat ako ng bigla niya akong halikan

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now