Nine

324 17 0
                                    

Jules' P.O.V


Pagkatapos nga namin sa instrument shop thingy ay dumeretso kami sa NBS, and this is like a heaven kind of place to me. Habang nag lilibot kami sa loob ng bookstore ay tingin ako ng tingin sa paligid, at nagulat ako ng bigla na lang akong hawakan ni kris sa kamay. Tinry kong tanggalin ang kamay niya sa pag kakahawak sa akin pero hindi niya ito binibitawan. At tumingin ako ng masama sa kaniya.

"Ano na naman kayang problema ng lalakeng? Bibigla bigla na lang akong hinahawakan sa kamay, may sira ata sa ulo toh eh. Or baka naman akala niya girlfriend niya yung kasama niya kaya niya ako hinahawakan." I unconsciously blurt out

"Wala akong girlfriend" sabi niya bigla na ikinagulat ko at tumingin siya bigla sa akin at tinaasan ko siya ng kilay

"Hinawakan kita dahil baka mag libot ka na naman at makita na lang kita na madaming dala dala" sabi niya sa akin at sumimangot naman ako, tumingin naman ako ako sa kaniya at nag pout, you know paawa effect, sana lang gumana. At nagulat na lang ako ng pitikin niya ako sa noo

"Sige na, pero wag ka nang masyadong bumili ng kung ano ano, hindi porket cute eh bibilhin mo na, yung kailangan mo lang bilhin mo" sabi niya sa akin at tumango tango naman ako sa kaniya, although hindi ko talaga sure kung masusunod ko siya

"Ay, ano palang gusto mong design ng gitara?" Takang tanong niya sa akin at napa isip naman ako, pero walang pumapasok sa isip ko eh, you know wala naman akong alam sa ganyang bagay

"Bahala ka na, basta may pangalan ko" sabi ko sa kaniya at binitawan niya na ako at agad akong pumunta kung saan saan.

Habang nakuha at nag babasa ng kung ano ano ay nakita ko na naman sa gilid ko si kris at nakatingin siya sa akin with blank face... parang nangyari na toh? Anyways ngumiti lang ako sa kaniya at agad niyang inagaw yung basket na dala ko at agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papuntang counter.

"Dito ka lang sa tabi ko wag ka nang mag libot libot pa" sabi niya sa akin at sumimangot na lang ako sa kaniya at inayos niya na uli sa counter yung mga pinamili namin. Nakalimutan kong ibigay sa kaniya yung card ko, huli na dahil naswipe na yung card niya kaya di na lang ako kumibo


"Coffee bean oh" sabi ko sa kaniya at itinuro yung shop at huminga lang siya ng malalim at tumango sa akin at maaya naman akong pumunta duon at umupo naman siya sa isang pwesto at sinabihang bahala na ako sa order ng kaniya, buti na lang ay pumwesto agad siya ibig sabihin ako mag babayad ng drinks and snacks namin. Bibigay ko na sana yung card ko ng bigla iyon kunin ni kris na nasa likod ko na pala at inswipe niya yung card niya at pagka tapos nun ay hinila niya na ako sa table namin.

"Give me your account, I'll send you yung bayad sa lahat" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya sa akin

"Masyado ng madami nagastos mo sa akin eh" pag rereklamo ko sa kaniya at umiling iling lang siya sa akin

"Okay na yun" sabi niya sa akin at nag pout na lang ako at saktong dumating yung inorder ko at ininom niya naman agad yung inorder ko para sa kaniya at napangiti siya

"You still remember" sabi niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin at inirapan ko siya

"Obviously, sino ba namang makakalimot dun sa klase ng kape na iniinom mo, Jusqo hanggang ngayon naalala ko yung lasa" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya

Dati kasi di ko na alam kung anong meron nun, basta parehas kaming may kape nuon siya yung bumili, as usual may halong chocolate yung akin eh sa nacurious ako sa lasa ng iniinom niya, kaya humingi ako sa kaniya at binigay niya naman sa akin yun at jusqo agising ang buong diwa ko dahil sa sobrang tapang nung kape niya, halos mailuwa ko na yung kaluluwa ko sa tapang. Maybe I'm just exaggerating, hindi ko kasi talag nagustuhan yung ininom niya, wala atang asukal yung inumin niyang yun eh

"Arcade tayo" sabi niya sa akin at ngumiti naman ako at tumango tango aa kaniya

"Pero balik muna tayo sa parking lot, lagay ko lang sa kotse tong mga pinamili natin, ang bigat eh" sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kaniya.

Pagkatapos naming uminom at kumain ay agad kaming pumunta sa parking lot para ibaba sa kotse niya yung mga pinamili namin. At bess, yung likod ng kotse niya punong puno dahil sa akin, you know halos puro hindi ko naman magagamit yung mga kinuha ko, ang cute lang talaga nila kaya kinuha ko.

"Kung ano ano kasing binili di naman gagamitin" sabi niya sa akin at hinamapas ko lang siya sa likod at dumeretso na uli kami sa loob ng mall at hinanap yung arcade.

"Teka bili muna tayo ng cotton candy" sabi ko sa kaniya bago kami pumasok sa arcade

"Napaka hilig mo sa matamis, mamaya mag kasakit ka dahil dyan eh" sabi niya sa akin at nag belat lang ako sa kaniya at bumili ako ng cotton candy

"Tara na, mag papapalit pa tayo" sabi niya sa akin at pumila na kami dun sa counter dito, while binibilang ni ate yung coins ay tinapat ko sa bibig ni kris yung cotton candy

"Eat" sabi ko sa kaniya at umiling lang siya at pinanlakihan ko siya ng mata at kumagat lang siya ng konti

"Oh, puntahan mo na lang ako pag naubusan ka na" sabi niya sa akin at binigyan ako ng tokens.

Habang nag lilibot libot sa loob ng arcade ay nakita ko bigla si key na nasa entrance ng arcade kaya pinuntahan ko siya.

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now