Five

400 19 0
                                    

Key's P.O.V

"Hindi ko talaga kinakayang makasama sa iisang lugar yang hinayupak na yan nakakairita na!" Inis na sabi ni jules at napabuntong hininga na lang kami dahil simula nang mag practice na si jules at si christian ng silang dalawa lang ay puro reklamo na yang si jules.

Araw araw na lang tuwing break time namin lagi siyang nag rereklamo about kay christian at matatawa ka na lang talaga pag narinig mo kung anong mga pinag aawayan nila parang mga bata eh. At nakita kong hinimas himas ni mike ang likod ni jules para pakalmahin ito. Sana ako din pakalmahin niya ng ganun, hayss.

"Oh bakit mukhang may problem ka din?" Takang tanong ni marielle sa akin at umiling iling lang ako sa kaniya

"Okay ka lang?" Takang tanong sa akin ni jessie at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango tango, at napatingin ako kay mike na nakikinig pa rin sa mga reklamo ni jules.

"Key bili ka nga muna ng pagkain natin dun" sabi bigla ni mike na ngayon ay naka akbay na kay jules at inabot sa akin ang card niya at kinuha ko naman toh at walang kagana ganang tumayo at pumunta sa counter.

Inuna kong orderin yung sa kanila dahil yung card ni mike yung gagamitin dun, and then umorder ako ng drinks lang para sa akin at binayaran ko yun gamit yung card ko at nilapag ko sa tray yung card ko at binulsa ko ang card ni mike. Pag balik ko dun ay agad kong binaba ang foods na dala ko at binalik yung card ni mike.

"Bakit nakalabas yang card mo?" Seryosong tanong ni mike sa akin at agad kong kinuha yung card ko sa tray dahil nakalimutan ko

"Bumili ako" maikling sagot ko sa kaniya at agad na ininom ang binili ko at hindi na siya tinignan dahil for sure makikita ko lang na naka tingin siya kay jules.

If you're wondering if galit ako kay jules, hindi ang sagot. Kaibigan ko si jules and siya ang dahilan kung bakit ko nakakausap si mike ngayon, dahil sa kaniya ay napasama ako sa circle of friends ni mike kahit hindi ko naman ramdam na mag kaibigan kami. Sobrang thankful ko kay jules dahil at least nakakasama ko sa iisang table ang taong gusto ko.

"Hoy kanina pa kita kinakausap hindi ka pala nakikinig" nagulat ako ng may nag snap ng fingers sa mukha ko at napatingin ako kay mike

"Sabi ko, ayos ka lang ba? Lately kasi lagi kang tulala" takang tanong niya sa akin.

Malamang lutang ako lately, sino ba namang hindi magiging lutang kung laging pumapasok sa isip mo na yung taong gusto mo eh hindi magkakagusto sayo kahit kelan tapos idagdag mo pa na lagi kitang kasama, edi lalo akong nahuhulog sayo. Tapos sa araw araw na kasama kita pinapamukha mo sa akin na wala akong pag asa, itrato mo ba naman ng ganyan yung taong gusto mo sa harap ng may gusto sayo diba? Ayos ka lang? Ang sakit kaya noh! Kotongan ko tong lalaking toh eh.

Minsan naiinis na ako sa sarili ko, pano ba naman araw araw ko na nga na nakikitang tinatrato niya ng ganyan si jules, tapos simpleng pag bibigay niya lang sa akin ng frappe nung nakaraan ay nahulog ako lalo sa kaniya, ano ba namang klaseng tao ako? Hindi ko alam kung tatawagin ko bang manhid or martyr yung sarili ko eh, mas suitable ata na tawagin kong Tanga yung sarili ko.

"Kita mo lutang ka na naman" narinig kong sabi ni mike at nagulat ako ng bigla siyang lumipat ng pwesto at umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

Being in this position with him makes me want to lean my head on his shoulder and just close my eyes and rest. But then, he's only doing this because we are with our friends. To be hones, hindi niya ako masyadong pinapansin or kinakausap pag hindi namin kasama tong mga toh.

"Hey lutang ka na naman uli" sabi niya sa akin at naramdaman ko na lang na kinurot niya ako sa pisnge at agad kong hinampas ang kamay niya at umusog ng konti palayo sa kaniya at tinanggal ang kamay niya na naka akbay sa akin

"Bruh, ang init talaga" sabi ko lang sa kaniya ng walang kaemoemosyon at tumango lang siya sa akin

"Mike feeling ko kailangan pa ni key ng frappe" sabi bigla ni jules at sinamaan ko siya ng tingin at kumindat lang siya sa akin

"What flavor do you want?" Sabi ni mike at tatayo na sana siya ng pigilan ko siya at agad akong tumayo

"Ill go buy myself one" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya bigla

"Hindi ko naman sinabing ibibili kita eh" sabi niya at alam mo yung parang may biglang humawak sa puso ko tapos piniga ito ng todo tapos para may nag press sa dibdib ko ng sobrang diin? Ganun yung nararamdaman ko ngayon

"Hey you're mean!" Inis na sabi ni jessie

"Relax, I'm just kidding" sabi ni mike at medyo natawa naman siya pero dedma ako sa kanila at seryosong nakatingin ako kay mike at napa tigil naman siya ng marealize niyang nakatingin ako sa kaniya

"You're done laughing?" Tanong ko sa kaniya at parang nagulat naman sila marrielle at jessie sa inakto ko, at napangiti si jules na para bang sinasabi niyang "that's my girl"

" it was just a jo-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin jiya at timalukaran siya at agad na nag lakad palayo sa kanila. Napa bangga naman ako kay christian

"Hey why are you crying?" Sabi niya sa akin at agad kong kinuha yung panyo ko at pinunasan ang mata at mukha ko

"I'm fine, don't tell them" sabi ko sa kaniya at nilagpasan na siya.

Im just so sensitive.

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now