Twenty Three

231 10 1
                                    

Jules' P.O.V

"Are you okay? Bakit parang di ka masaya na tapos na ang concert?" Takang tanong sa akin ni kris at hindi lang ako kumibo sa kaniya dahil iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina

"Don't tell me iniisip mo pa rin na I'm not gonna talk to you after all of this? I told you don't worry about that" sabi niya sa akin at yayakapin niya sana ako ng harangan ko siya ng kamay ko

"No, that's not it" sabi ko na lang sa kaniya at tumango tango na lang siya sa akin at pumunta sa table nila sophia, we're in a restaurant kasi, nirent ata nila itong buong restaurant

Well, the reason kung bakit ako biglang nawala sa mood ay dahil may nakita akong hindi kaayaya. Earlier, during ng ending speech ni Sophia, lahat kaming members ng music club ay nasa stage lang, during ng speech, napatingin ako sa mga nanuod ng concert, and there, I saw her. Yung babaeng sumira sa so called relationship namin ni kris, yung babaeng karelasyon ni kris habang kami pa.

"Hey..." mahinang tawag ko kay kris, bumalik na kasi siya sa tabi ko at napatingin naman siya sa akin

"Do you... do you still have some connections with the girl in the past?" Takang tanong ko sa kaniya at kota ko sa mukha niya ni hindi niya maintindihan yung sinasabi ko

"I mean.... si brittany, nakakausap mo pa ba siya?" Sabi ko sa kaniya at nag bago ang itsura at pati ang aura niya, para bang biglang bumigat ang atmosphere

"No" madiin niyang sabi sa akin atsaka tumayo at lumipat sa table ng ibang members at napa sabunot na lang ako sa sarili ko dahil parang gusto kong manakit ng tao, in other words gusto kong saktan yung brit na yun.

Alam ko ang nakita, alam kong hindi ako namamalikmata, 20/20 pa naman ata ang vision ko, at hindi naman ganun kalayo ang pwesto niya para hindi ko siya mamukhaan. Pero bakit? Dun na rin ba siya nag aaral? Bakit andun siya sa concert? Sinong nag invite sa kaniya? May connection ba siya sa university? Or baka sinundan niya si kris. Aish! Gusto kong mag wala, grabe yung kulo ng dugo ko sa babaeng yun.

"Sophia, rei, mauna na ako" sabi ko sa kanila pag lapit ko sa table nila, hindi ko na kayang mag tagal sa place na toh, masyadong crowded at maingay mas lalo lang akong naiirita

"Huh bakit? Anong oras pa lang oh? Inom muna tayo" sabi ni rei at umiling iling lang ako sa kaniya at hinila naman siya ni sophia

"Sige sige, ingat ka, gabing gabi na delikado sa daan" sabi niya sa akin at nag paalam na ako sa iba at tuloyan na umalis sa lugar na iyon.

Habang nag lalakad ako ramdam kong may nakasunod sa akin, pero hindi ko na lang pinansin yun baka kasi dito lang din ang daan nung tao. Pero iritable pa rin ako dun sa babaeng yun.

"Bakit naman kasi kailangan pang magpa kita eh?! Parang tanga eh!" Nasinghal ko na lang habang nag lalakad at kung meron mang tao sa paligid ko napag kamalan na siguro akong baliw, at nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko kaya agad kong hinawakan iyon at iiikot ko na sana iyon para baliin pero ako yung naiikot at ngayon ay nakayakap na siya sa akin at nasa leeg ko ang arms niya.

"Alam kong magaling ka sa self defense, pero wag mo namang gamitin sa akin" sabi niya at narealize ko na lang na si kris pala ito kaya agad ko siyang binitiwan at binitawan niya din ako

"Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa wala sa mood, hindi ka naman uminom?" Takang sabi niya at inirapan ko lang siya

"Hello! Pano ako makakainom kung kada may mag aalok sa akin ng alak kinukuha mo at sinasabi mo na hindi ako pwede uminom!" Sabi ko sa kaniya at napakamot siya sa batok niya

"Anyways, hindi ka ba lasing?" Takang tanong ko sa kaniya at umiling iling lang siya, tibay din ng lalakeng toh eh

"So bakit nga wala ka sa mood?" Takang tanong niya at huminga lang ako ng malalim

"Nakita ko si chelsea kanina, 6th seat 4th row, nanunuod ng concert natin" sabi ko sa kaniya at parang nagulat siya sa sinabi ko

"What? As in, brittany Chelsea sanchez? Bakit di niya sinabing manunuod siya? Bakit di siya nag text sa akin?..." sabi niya at tumalikod na ako sa kaniya at maglalakad na sana ako ng nag salita siya

"Tingin mo ganyan magiging reaksyon ko? Tingin mo gusto kong makita yung babaeng yun? Hindi noh!" Sabi niya at lumapit siya sa akin at inakbayan ako

"Siguraduhin mo lang, kung hindi. Ako mismo tutupad sa ayaw kong mangyare after ng concert" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya kaya tinanggal ko ang kamay niya sa pag kakaakbay sa akin

"Huh? Iiwasan mo ko? Eh ikaw nga yung natatakot na mangyare yun eh" sabi niya sa akin at humarap ako sa kaniya at tinulak siya ng bahagya at nag cross ng arm at tinignan siya mula ulo hanggang paa

"Yeah, AKO LANG ang natatakot na mangyare yun. Well, too bad I can control myself, that was now in the past kaya hindi na ako natatakot" sabi ko sa kaniya at naglakad lang palayo sa kaniya at maya maya pa ay bigla niya na lang akong niyakap mula sa likod

"hindi mo lang alam, ayokong mangyare yung sinasabi mo. Natatakot ako na baka one of these days bigla mo na lang akong iwasan. Wag mong gagawin yun ah" sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin at naramdaman ko na hinalikan niya ang ulo ko

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now