Six

380 21 0
                                    

Jules' P.O.V

"Gusto kong mag gitara eh!" Sigaw ko kay kris, i know naman na gitara niya yun, pero wala akong gitara at gusto ko mag gitara kahit hindi naman ako marunong

"Sinisira mo lang itong gitara ko eh!" Reklamo niya sa akin at inirapan ko lang siya

Andito kaming dalawa ngayon sa music club, kaming dalawa lang dahil nagsi uwian na yung mga students. Well, 7 pm na kasi, eh parehas kaming hindi makapag practice ng may ibang tao sa paligid namin, hindi ako makapag all out practice.

"Hoy bakla!" Tawag niya sa akin at inirapan ko lang siya

"Hindi pala tayo pwedeng laging mag stay dito ng hanggang ganitong oras, kailangan natin ng place na pwedeng pag practisan araw araw" sabi niya sa akin pero dahil sa wala ako pake sa kaniya ay inirapan ko lang siya

"Hoy mag isip ka!" Sigaw niya sa akin at binato ko aa kaniya yung song book na hawak ko

"Bakit ako mag iisip? Diba senior kita? Mas matagal ka nang member ng club and mas matanda ka sa akin, its your responsibility na asikasuhin ang mga ganyang bagay!" Mataray na sabi ko sa kaniya at lumapit siya sa akin at inakmaan niya ako ng suntok at agad ko siyang hinarap at tumingin sa kaniya ng seryoso

"Sige saktan mo ko!" Seryoso at galit na sigaw ko sa kaniya at napa atras naman siya at parehas kaming natahimik, napa upo na lang ako dahil kailangan kong mag relax, dahil wala talaga kaming matatapos sa mga dapat naming gawin

"Sorry" mahinang sabi niya at hindi ko na lang siya pinansin at hinablot sa kaniya ang gitara niya at nag try ng kung ano ano.

Alam niya kasi na may bad experience ako sa Physical violence, nabubully kasi ako noon at hindi basta bastang bully, as in nabubugbog ako.

Maya maya pa ay narinig ko na tumawa ng bahagya si kris at tumingin ako sa kaniya at mukhang kanina niya pa ako pinapanuod sa ginagawa ko at napa iling iling naman siya sa akin at nilapit ang upuan niya sa akin.

"Hindi kasi ganyan yan" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at pinuwesto ito sa gitara

"Pano ka makakapag gitara kung ganyan ang kuko mo?" Sabi niya sa akin at napatingin naman ako sa kuko ko

"Okay naman nails ko ah?" Takang tanong ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin at umiling iling.

"You need to cut them off, lalo na tong nasa left mo" sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko, alam ko kung bakit niya ginawa yan, nakakahiya man aminin pero i always forgot about kung saan yung left and right, and alam niya yun.

"Eh ayoko" pag angal ko sa kaniya at huminga siya ng malalim

"But you want to learn how to play guitar? You need cut them in order for you to play guitar properly" sabi niya sa akin at sinimangutan ko siya at napangiti naman siya sa akin

"May nail cutter ako dito" sabi niya at kinuha niya yung bag niya at kinuha yung nail cutter

"This is mine" sabi ko aa kaniya ng makita ko yung nail cutter na nilabas niya at ngumisi naman siya

"Its mine now" sabi niya sa akin at inirapan ko lang siya at nagulat ako ng hawakan niya uli ang kamay ko at sinimulan gupitin ang kuko ko, aalisin ko na sana ang kamay ko palayo sa kaniya pero hinawakan niya ito ng mabuti

"I can do it myself" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin

"Well, i want to do it for you. Since hindi ka marunong mag gupit ng kuko ng maayos" sabi niya sa akin at tumawa siya at napa iwas na lang ako ng tingin sa kaniya, hindi ko kasi talaga ginugupitan ang kuko ko, pag medyo nahahabaan na ako sa nails ko, ay ifile down ko lang yung nails ko. At whenever I cut my nails I always end up with a wound and my nails ended up too short that it almost hurt.

"Why are you being nice to me suddenly?" Takang tanong ko sa kaniya at nginitian niya lang ako at itinuloy ang pag gupit sa nails ko

"Well, you've been through a lot because of me" sabi niya bigla sa akin at napa hinga naman ako ng malalim dahil duon

"I didn't" sabi ko lang sa kaniya, baka kasi iniisip nito na sobra ko siyang sineryoso nung kami, kaya iniisip din siguro nito na sobra akong nasaktan nung nag break kami

"Okay sabi mo eh" sabi niya sa akin at onvious naman na hindi siya naniniwala sa sinabi ko

"Really, i did not" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at tumanho tango

"Oo na, hindi na kung hindi" sabiniya at agad ko naman mg hinila palayo sa kaniya yung kamay ko

"Then stop being nice to me now" sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng hawakan niya uli ang kamay ko

"Wag ka nang magulo, I'm just cutting your nails" sabi niya sa akin at napayuko naman ako dahil bigla akong nahiya for some reason

"Nung nakaraan pala, nakita ko si key na naiyak" sabi niya at tumango tango lang ako sa kaniya

"I know, ang insensitive kasi ni mike eh, lately kasi parang down si key, tapos nung araw na yun, eh parang sobrang down si key, tapos sinabihan ko si mike na parang need ni key ng frappe tapos tinanong ni mike si key kung anong flavor nung frappe tapos sabi ni key na ibibili niya ang sarili niya ng frappe tapos etong si mike na siarulo sinabi kay key na hindi naman daw niya sinabing bibilhan niya ng frappe si key kaya ayun nag walk out si key tapos nabangga ka niya" mahabang kwento ko sa kaniya at nakita kong nakangiti siya habang nakikinig sa akin

"Bakit nakangiti ka?" Takang tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin

"Well, this just reminds me of our days together back then, at first glance you look like a quiet person, but then everytime na magkikita tayo ay panay ang kwento mo tungkol sa kung amo anong bagay, para kang bata na nag eenjoy mag kweto pagkatapos ng kindergarten" sabi niya sa akin at napa tahimik lang ako.

Yeah right, those days of pure happiness that soon turned to be pure pain.

Sworn EnemyWhere stories live. Discover now