Ten

319 21 0
                                    

Key's P.O.V

"Wait mo lang ako may tignan lang ako saglit" sabi sa akin ni mike at iniwan ako sa entrance ng arcade, while waiting ay nagulat ako ng may kumalabit sa akin at nakita ko si jules na may hawak na cotton candy at nakangiti sa akin

"What are you doing here?" Masayang tanong niya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay

"Ito pala ang definition mo ng inportanteng pupuntahan kotongan kita eh" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya sa akin at binigyan ako nung cotton candy

"Bumili kasi kami ng kung ano ano, kasama ko si kris, bumili kami ng mga bagay para sa gitara, so ano nga ginagawa mo dito?" Sabi niya sa akin at mag sasalita na sana ako ng biglang sumulpot si mike

"Uyy andito ka pala" sabi ni mike bigla at lumapit kay jules, he's faking it, i mean he's faking na nasurprise siya or nagulat siya na andito si jules.
I have a bad feeling about this.

"Kasama ko si kris, bumili kami mga pang gitara, tara laro tayo" sabi ni jules at hinila sa loob si mike, now i know kung bakit ako andito.

Agad naman kaming hinila ni jules kung saan saan at nakipag laro lang ng nakipag laro si mike sa kaniya at may mga games na mag kalaban sila at mag kakampi, it looks like Mike is really happy na kasama niya at nakaka laro na niya si jules. So this was his plan all along.

I was used, and I'm going to be used. Kaya niya ako inaya dito sa mall ay dahil alam niyang dito pupunta si jules kasama si christian,and for sure nag seselos siya na kasama ni jules si christian ng silang dalawa lang and he wanted to stalk or follow them and crash them if possible, and i think he's going to use me as an excuse kung bakit andito siya. For sure kaya ako namdito ay para may evidence siya sa magiging palusot niya if ever na tanungin siya ni jules kung bakit andito siya.

What a well planned thing, and I'm just a piece of his scheme. Wow. Ang saya lang naman sa feeling.

"Magkasama ba kayo ni key? Anong ginagawa niyo dito?" rinig kong tanong ni jules kay mike at bigla naman lumapit sa akin si mike at inakbayan ako, kala mo naman totoo

"Sinama ko siya dito para gumala kami, atsaka para na rin makapag apologize ako sa kaniya dun sa ginawa ko sa kaniya duon sa cafeteria nung nakaraan" sabi niya at tumango tango naman si jules at agad na pumunta si mike kay jules at inakabyan ito habang nag lalaro sila. Pagkatapos niya ako akbayan kay jules agad siya, nakakairita! Sinama?! More like ginamit!

Wow. Yan na lang kaya ko masabi, masakit yung mga nangyayare at narealize ko pero hindi nakakagulat. I mean Inexpect ko naman na eh, kaso kanina ko lang inexpect kaya masakit pa rin ng sobra.

Pero baka naman nag kataon lang talaga na nasa iisang lugar kayo and it just happened na nag kita kayo?

What an absurd thing to think, seeing naman this things in front of me mukhang tama naman ako eh. Agad kong tinext si jessie at si marriela at tinanong sila kung inaya ba sila ni mike kanina or kagabi na gumala or something. Agad naman na nag reply si jessie at sinabing nag papasama daw kagabi sa kaniya si mike na mag mall pero di daw siya pumayag dahil matutulog daw siya. At nagulat ako ng biglang tumawag sa akin si marrielle.

"Oo, inaya ako ni mike kagabi na samahan siya mag mall, dahil gusto niya daw gumala. Syempre hindi ako naniwala, asang aayain na lang ako bigla niyang mike na yan na gumala, so ayun kinulit ko siya ng tanong, tinanong ko sa kaniya kung bakit ba talaga siya nag aaya. So ayun umamin siya, sabi niya sundan daw namin si jules dahil nag aalala daw siya kasi kasama daw ni jules si christian pero hindi ako sumama sa kaniya dahil nakakatamad. Bakit tinanong ka din ba niya?" Mahabang kwento sa akin ni marrielle at huminga lang ako ng malalim para pigilan ang emosyon ko

"Oo" maikling sagot ko sa kaniya

"Sabi ko kasi sa kaniya kagabi eh ikaw ayain niya, sabi niya ayaw daw niya ikaw kasama dahil ang awkward daw niyo sa isa't isa. Pero tignan mo inaya ka din pala nung siraulong yun." Sabi niya sa akin at for the second time huminga ako ng malalin dahil gusto na atang tumulo ng luha ko

"Inaya niya ako, pero hindi niya sinabi sa akin na andito kami para sundan si jules" sabi ko sa kaniya at narinig ko na napagasp si marrielle, ibababa ko na sana ang tawag ng biglang sumigaw si marrielle

"Wag mong ibaba! Huli ka na. I mean matagal ko naman nang alam, you can tell me everything" sabi niya sa akin at medyo napa hikbi ako dahil nag pipigil nga ako

"Inaya niya ako ng gala, tapos nung andito na kami sa mall ay kumain kami mg ice cream tapos habang nakain kami tinanong ko siya kung bakit ba kami nandito tapos sabi niya gusto niya daw mag sorry sa akin para sa ginawa niya sa akin nung nakaraan, yung sa cafeteria. Tapos ngayon andito kami sa arcade nag kita kita kami nila jules, akala ko nung una coincidence lang" sabi ko sa kaniya at lumayo na ako sa kanila jules at pumunta sa isang table na nasa tapat ng isang stand

"So your saying na..." putol na sabi niya

"Oo, ginamit niya ako as an excuse para pag tinanong siya ni jules kung bakit siya nandito ay idadahilan niya na kasama niya ako para hindi halata na pumunta talaga siya dito para sundan sila jules" sabi ko sa kaniya at may tumulo nang luha sa mga mata ko, ,pero agad ko itong pinunasan at agad ko itong pinigilan.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalamg tanong niya at huminga ako ng malalim bago sumagot

"Oo, okay lang ako, sige na sorry sa istorbo" sabi ko sa kaniya at inend na ang call at agad na umalis sa lugar na iyon at umuwi na.

I feel so stupid for being used.

Sworn Enemyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें