Chapter 28: The End Of Everything

332 13 0
                                    

Chapter 28: The End Of Everything

 

Eleanor’s POV

 

I woke up with a heavy feeling. Ang sakit ng buong katawan ko. I look at the sleeping man beside me. I brushed his hair off his face.

Ang sarap niya talaga tignan pag natutulog. Sobrang amo kasi ng mukha niya kala mo hindi masungit at moody pag gising.

“Why do I have this feeling that I’ll lose you again?” Bulong ko habang nakatitig sa kanya.

Tahimik kong inalis yung kamay niyang naka yakap sakin at umalis ng higaan para makapag handa ng breakfast. Sa ilang araw na pag stay namin dito para na kaming mag asawa. And I’ll say sobrang sarap sa feeling!

Ang lambing ni Drei sobra tapos para pang reyna kung ituring niya ko. Grabe talaga. Isa lang naman kinakatakot ko eh......... na matapos to.

 

 

 

 

Prince’s POV

 

 

Nagising ako ng wala akong makapa sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon at pag tingin doon ay wala siya. Asan si Louise?

Bumaba kaagad ako ng may narinig akong ingay sa baba. Nanggagaling yung ingay sa kitchen kaya agad akong pumunta dun. I stopped at the corner kung saan nakikita ko siya habang busying busy sa pag luluto. This girl never fails to amaze and make me love her more and more.

Flashback

 

Nasa bahay nila Louise ako kasama siya. Saturday nun meaning movie night namin. Parang naging routine na namin na every Saturday mag momovie marathon kami since gustong gusto niyang nanunuod ng movies.

 

Minsan nga mapag kakamalan mong DVD Store yung kwarto niya dahil sa dami ng DVD’s niya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung siya naman yung nag punta sa kwarto ko.

 

“Nag rereklamo ka na mukhang DVD Store yung kwarto ko eh mukha namang Game Store tong iyo.”

 

Yan yung lagi niyang sinasabi pag inaasar ko siya about sa kwarto niya. Nakakatawa nga kasi ang bilis niya maasar basta tungkol sa kanyang PRECIOUS DVD ang pinag uusapan ang pikon pikon niya.

 

“Huy! Okay ka lang? Kanina ka pa nag spaspace out tapos biglang ngingiti. Yung totoo baliw kana ba?” Tanong niya habang nakatingin sakin na parang nag dududa.

 

 

Ako? Baliw? Gwapo ko namang baliw!

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now