Chapter 12: Protecting Her

333 11 0
                                    


Chapter 12: Protecting Her

Prince's POV

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama. Nakakapagod ang araw na to! At nakakainis. Buong araw nanaman kasing umiiyak si Louise. Halos lahat na ata ginawa ko mapatahan ko lang siya. Sumayaw na nga ako ng three little bears sa harap niya mapatawa ko lang siya. Ang bigat kasi sa pakiramdam na makita ang isang taong mahalaga sayong umiiyak o nasasaktan.

Napabuntong hininga nalang ako. Gusto ko mang tanggalin lahat ng sakit niya hindi ko magawa.

"Mukang problemado ang prinsipe ah!" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at nakita ang dalawang bestfriend ko.

"Tssss."

Dad Calling.......

Sinenyasan ko yung dalawang bugok na tumahimik.

"Dad."

"Son I need you to go to Korea. I can't come kaya ikaw ang magiging representative. Besides it'll be your training since ikaw ang mag mamamana ng company natin." Sabi ni dad. Napakamot nalang ako ng ulo.

"How long?"

"A week. It's a convention anyway and an auction. I'm counting on you on this. No buts!" Then he hung up.

Napasabunot nalang ako sa ulo ko. Fuck! Pano si Louise?! Ayokong iwan siya lalo na ngayong kailangan niya ko. Shit!

"Mas lalong problemado ah! Kuha naba ako lubid? Bibigte kana ba namin?" Pang aasar ng gagong Alex. I just raised my middle finger.

"Hahahahahaha! Dude di tayo talo!" Tumatawa pa ang gago. Tsss!

"Aray!" Daing ni Alex binatukan kasi ni Chester. Bilis talaga ng karma.

"Ingay mo." Walang ganang sabi ni Chester.sakanya.

"Anong sabi ni Tito Calvin?" Tanong ni Chester sakin.

"I have to go to this convention in Korea."

"E ano pinoproblema mo?" -Chester

"Si Louise." Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Edi isama mo! Problema ba yun!" Sabay pa kami ni Chester napatingin kay Alex. Tangina akalain mong may matino pa palang.nasasabi tong gagong to?!

"May utak ka din pala?" Parang hindi makapaniwala na tingin ni Chester kay Alex.

"Grabe ka naman! May utak naman ako! Bihira nga lang gumana!" Depensa ni Alex.

"Buti aminado ka." Pang aasar ko sakanya.

"Psssh! Bwiset talaga kayo!" Asar talo si tanga! Hahahaha!

Sasabihin ko nalang kay Louise yung tungkol kay dad bukas. Para narin kaming mag babakasyon. Iisipin ko palang na kasama ko siya sa Korea tapos kaming dalawa lang. HEAVEN!

"Ay puta Prince bat nakangiting aso ka?!" Wala talagang preno bunganga nitong hayop na to.

"Excited lang yan makasama si Louise sa Korea." Nag shrug lang si Ches.

"Shit! Wag mo sabihing gagahasain mo siya dun kaya ka nakangiting aso?! Tol wag ganon! Bad yun!" Parang tanga talaga tong si Alex. Minsan naiisip ko kung sang lupalop ba ng planeta to nangaling.

"Gago! Tulad mo ko sayo!" Binato ko siya ng unan. Green minded kasi!

"Serves you." Nakangising sabi ni Chester. Natamaan kasi sa mukha si Alex.

At ayun nag harutan ang mga baliw ginawa pang playground ang kwarto ko.
Kung napapansin niyo hindi ako nag mumura sa harap ni Louise. Pano ba naman kasi parang napano yung mukha niya sa sobrang lukot. Ayaw niya kasi akong nag mumura kaya kahit hindi ako sanay ginagawa ko. Ewan ko ba kung saan galing ang bait nun.

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now