Chapter 10: Officially Yours

368 13 0
                                    

Chapter 10: Officially Yours

Eleanor's POV

"I want you to stay."

There I said it. Hindi ko alam kung paano ieexplain pero feeling ko gumaan yung pakiramdam ko.

Tinitignan ko siya pero blanko lang yung mukha niya. Napatingin ako sa paligid at doon nakatingin lahat ng kaklase namin. Biglang nanlaki yung mata ko nung makita ko si Irish.

She's looking at me with unreadable expression. Bakit ba napaka insensitive ko?! Masyado akong nakafocus kay Drei hindi ko manlang inisip yung iisipin ni Irish. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Drei yung kamay ko at hinila palabas. Hindi na ko nakapag react sa gulat. Tumigil lang siya sa pag hila sakin nung nandito na kami sa rooftop.

"B-Bakit tayo nandito?" Napatingin ako sakanya. Nandun siya nakasandal sa railings habang malayo ng tingin.

"Now tell me."

"Huh?" Tinignan ko siya ng puno ng pag tataka.

"Now tell me what your song is all about. Iba yung sinasabi nung kanta sa sinabi mo saakin nung una." He said in a serious tone.
Napayuko naman ako.

"I know you'll hate me if you found out the reason behind it. But I know you'll hate her more." Sabi ko habang nakayuko.

"Then tell me. Nakakapagod umasa sa wala."

Huminga ako ng malalim bago tumingin sakanya. Kahit hindi siya nakatingin saakin alam kong nakikinig siya. I know he'll hate me for this and I know she'll hate me more for telling him the truth pero deserve it. He deserve the truth.

"You know my bestfriend right? Irish Fierr?" He nod. "She likes you a lot or I think she already loves you. Gustong gusto niyang sabihin yung feelings niya sayo. Umaasa siya na may chance na mapalapit sayo. And few days after the term starts nag tapat siya sayo. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa pero lunch break yun tapos nag decide siyang mag tapat na sayo. Hindi na ko sumama nun dahil alam kong gusto niya gawin yun mag isa. Nagulat nalang ako ng bigla siyang pumasok ng cafeteria na umiiyak. Nag panic pa ko nun dahil bihira ko lang siya nakikitang umiyak at yun ay dahil nasaktan talaga siya. Sabi niya you rejected her. Na hindi mo siya gusto at ayaw mo sakanya. She's hurt at dahil bestfriend ko siya at mahalaga siya sakin gagawin ko lahat para maging okay siya." He's looking at me intently. Humawak naman ako sa railings at tumingin sa malayo. I laugh bitterly ng maalala ko yung nangyari nun.

"She wants you to feel the pain she's feeling. Gusto niyang maramdaman mo kung paano mareject at masaktan. Lahat yun gusto niya iparanas sayo. Hindi ko alam kung paano siya tutulungan kaya I made a promise to her. I promised that I'll do anything just ease her pain. That's when it started. She wants me to make you fall inlove with me then break your heart." Unti unting humina yung boses ko sa huli. Hindi ko siya kayang tignan. Sobra akong naguiguilty sa ginawa ko.

"Lahat ba ng pinakita mo strategy lang para mainlove ako sayo?" Dahan dahan at hindi siya makapaniwalang tanong.

Lahat nga ba yun pag papanggap lang? Kasi sa bawat araw na kasama ko siya hindi ko naiisip yung tungkol sa pangako ko kundi naiisip ko kung gaano ako nag eenjoy kasama siya.

"TELL ME! LAHAT BA YUN PAG PAPANGGAP LANG?!" Sigaw niya sabay hawak sa dalawang braso ko. Unti unti ng tumulo yung luhang kanina ko pa gustong ilabas.

"ANO?! MAGSALITA KA!"

"HINDI! LAHAT NG PINAG SAMAHAN NATIN HINDI KO PLINANO AT HINDI PAG PAPANGGAP! ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP NA NAHAHATI AKO SA DECISION NA WALA MANLANG CHOICES?! HIRAP NA HIRAP NA KO DAHIL SA BAWAT ARAW NA KASAMA KITA NAG IIBA NA ANG TAKBO NG ISIP AT PUSO KO! NA MINSAN NAISIP KO NA SANA GANITO NALANG TAYO?! NA SANA NGA MAY TAYO! PERO BAWAT SAYA KINAKAIN NA KO NG GUILT KO! YUNG GUILT NA KAHIT KELAN HINDI KITA PWEDENG MAHALIN KASI NGA NANGAKO AKO!" Sigaw ko sakanya. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Unti unting lumuwag yung hawak niya sakin kaya dahan dahan na kong napaupo. Natakip ko nalang yung kamay ko sa mukha ko at doon humagugol.

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now