Chapter 22: Scrapbook & CD

264 12 2
                                    

Chapter 22: Scrapbook & CD

Prince's POV

After umalis ni Louise ay nanatili muna ako dito. Nakaupo lang at nakatingin sa langit.

"I can't believe this."

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na wala na kami. Isipin ko palang na wala na kami parang pinipiga na yung puso ko sa sakit.

Gusto kong mag wala pero parang nawalan na ko ng lakas. Napatingin ako sa scrapbook na hawak ko. Alam kong pag binuksan ko to mas lalo lang akong masasaktan but this is the last thing I have from her.

Parang gusto kong matawa ng mapansin ko yung cover. Alam naman ni Louise na ayoko ng kulay pink pero pink padin ang napili niyang cover. Hindi pa nakuntento at linagyan pa ng ribbon tapos my nakasulat in a cursive but neat writing na 'The Story of Us'.

"Ang drama talaga ng babaeng yun." Natatawa kong sabi.

Pag bukas ko ng first page nakita ko yung picture namin nung sinagot niya ko. Which is here...........sa rooftop.

Actually ako talaga nag insist na mag picture kami kahit ayaw niya nakakahiya daw. Pero in the end syempre ako padin ang nanalo. Haha! Galing ko kaya mangonsensya!

Yung picture namin nakatingin ako sakanya habang nakaakbay ako sakanya tapos siya naman nakaalanganing ngiti sa camera. Halos mag pagulong gulong na ko kakatawa dahil sobrang pula ng mukha niya.

Sa baba ng picture may caption.

'First picture with Drei! I know mukha akong cherry jan and that's because of One and Only Prince Drei! But I'm thankful na naging kami cause that day is one of the days I cherish most. 08/08/20** <3'

Natawa ako ng mahina sa caption niya. Me too Louise. I cherish that day. Because that day you became officially mine.

Linipat ko na sa next page. Hindi ko naman napigilan mapangiti.

Flashback

Monday nun at excited na ko pumasok kasi makikita ko si Louise. Mas maaga ako nagigising sa usual dahil susunduin ko pa siya. Actually dahil sakanya natuto akong gumising ng maaga kasi dati usual gising ko 10 or 11. Kaya lagi akong absent sa dalawang subject. Napasok lang ako ng maaga pag may exam or quiz. At dahil ayoko namang maturn off si Louise dahil dakilang tamad ang boyfriend niya at hindi manlang siya kayang sunduin para sabay na pumasok kaya natuto na kong magising ng maaga. Syempre ganda ng alarm tone eh.

'GISING NA DREI KO!

MAY PASOK PO TAYO!

GISING NA MAHAL NA PRINSIPE!

PAG DI KA GUMISING WALA KANG KISS!'

Halos mahulog pa ko sa kama sa kamamadaling bumangon. Ganda alarm tone ko no? Hahaha! Nakailang hampas at kurot din ang natamo ko pumayag lang siya mag record ng ganyan.

Nahihilo ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko kaya hirap na hirap ako bumangon. Ang sakit pa ng katawan ko. Sh*t naman! Bat ngayon pa ko nag kasakit?! Ugh! Pano ko masusundo si Louise niyan! Nag send nalang ako kay Louise ng message na hindi ko siya masusundo kasi may sakit ako. Syempre binilinan ko nadin ng kung ano ano. Wala ako sa tabi niya mamaya kung sino sino pa umaligid dun!

Siguro dahil nadin sa lagnat kaya mabilis akong nakatulog. Nagising nalang ako ng maramdaman kong may humawak sa noo at pisngi ko. I know that feeling. Isang tao lang naman nakakapag paramdam sakin ng kakaibang feeling eh. Yung parang may nag wawalang dinosaur sa tyan ko. F*ck! She's here! Agad akong nag mulat ng mata at halata namang nagulat siya sabay iwas ng tingin habang namumula. I smirk at her reaction.

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now