Chapter 18: Knowing The Truth

344 12 0
                                    

Author's Note

At dahil bwinibwiset na ko ng 2 kong pinsan na mag update mag uupdate ako :)) besides kahit bwiset sila eh sila naman yung number 1 supporters ko.

@erikabenedicto @jeremiahbenedicto

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 18: Knowing The Truth

Prince's POV

"How are you son? I'm back........for good."

Para akong nabato sa tinatayuan ko. Hindi ako nakakilos agad. It's been so long since I last talk to her. Agad kong inend call at agad na sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito paalis. Wala akong idea kung saan ako papunta o kung ano man.

Bat kasi bumalik kapa........ Mom.

Tumigil ako sa isang bar doon nag palamig ng ulo.

"O-One more bottle." Utos ko sa bartender.

"Sir tama na po yan lasing na po kayo eh." Awat nung bartender. Bigla naman nag pantig yung ulo ko at hinablot yung kwelyo niya.

"JUST DO YOUR F*CKING JOB AND GET ME MY F*CKING BOTTLE!" Sigaw ko sakanya. May bigla naman humawak ng braso ko.

"Dude let go of him." Slowly I release him and turn to Chester.

Bumalik ako sa pag kakaupo ko at isinalin agad sa baso yung alak nung dumating yung inorder kong bote. Iinumin ko na sana ng pinigilan naman ako ni Alex.

"Pre tama na. Ang dami mo ng nainom." Malumanay na sabi ni Alex pero tinabig ko lang yung kamay niya at ininom ng straight yung laman nun.

"What happened?" Tanong ni Chester na nakatingin sakin ng seryoso. Saglit akong tumingin sakanya pati kay Alex bago nag salin ulit ng alak at sumagot.

"She's back. My mom's back." As I said those words parang gusto kong lagukin na lahat ng laman nung bote.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

3rd Person's POV

Nag iba naman yung expression ng mukha ni Alex na halatang nagulat sa narinig samantalang seryoso padin ang itsura ni Chester na parang inaasahan niya na ang sinabi ng kaibigan. Hindi na nila pinigilan pang mag inom si Prince dahil alam naman nilang ito ang kailangan ng kaibigan.

Si Chester at si Alex ang bestfriend ni Prince at alam din nito kung ano yung pinag dadaanan ni Prince.

Malaki ang hinanakit ni Prince sa kanyang ina dahil nadin sa pag iwan sakanila nito. Hindi manlang pinaliwanag kung bakit at bigla na lamang nawala. Masakit para sakanya ang nangyari lalo na't bata pa siya ng mangyari iyon. Nahirapan siya nung una pero unti unti nadin niyang tinanggap na iniwan na sila ng kanyang ina at doon unti unti nadin siyang nag tanim ng galit para dito.

"Anong balak mo? Siguradong mag kikita't mag kikita kayo." Sabi ni Chester. Naisip nadin ito ni Prince.

"Hindi ko alam but only one thing I know. I hate her." Sagot ni Prince na puno ng galit.

Wala naman nagawa ang dalawa kundi damayan na lamang si Prince. Sila nadin ang nag alalay dito at nag hatid pauwi dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na nito kaya pang mag maneho.

Pag dating nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng mga katulong. Inalalayan naman nila si Prince makababa at tinulungan papasok. Ngunit hindi nila inaaasahan ang sumalubong sa kanila.

"Anong nangyari sakanya?" Tanong ng isang magandang babae. Katamtaman ang tangkad nito at halatang sophisticated. May halong pag aalala ang mukha nito.

Almost (Under Revision)Where stories live. Discover now