Lie #46: Sadie Hawkins

Start from the beginning
                                    

Sadie Hawkins ang them pero wala naman kaming niyayang lalaki. Ugh, niyaya ko naman si Robie pero hindi siya makakapunta. He's still upset about what happened to his grandfather at madami daw silang inaasikaso.

Gusto ko sana sabihin sa kanya na gusto kong dalawin ang lolo niya pero hindi ko na lang ginawa. Ngayon lang nag sink in sakin na wala pa akong kilala sa pamilya nila (well bukod pala kay Minho). At hindi ko din sigurado ang magiging reaksyon particularly yung mommy at daddy niya.

Na sabi noon ni Derick.. Well, hindi ganun kaganda ang ugali.

"Akin na nga!" kinuha ni Princess yung tissue sa kanya. Hindi ko na sila pinagkaabalahan tignan dahil kailangan ko pang ayusin ang sarili ko. Kinulot ko yung dulo ng buhok ko at naglagay lang ng light make up dahil yun ang nababagay sa damit ko na color beige ang kulay.

"Anak pakibukas" may kumakatok kaya binuksan ko ang pintuan. Pumasok si mama at tinignan ako mula ulo hanggang paa na nakangiti.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko. Kahit hindi mo ako kamukha" sabi niya na ikinasimangot ko. Naaalala ko nung New Year sabi nung kapitbahay namin wala nga daw akong kamukha sa magulang ko. Na kulang na lang pagdudahan nila kung totoong anak ako.

"To naman, di mabiro" bawi niya sa sinabi niya at nagtuloy na sa loob. She was greeted by the two girls at nilingon ako ulit

"Umupo ka at may ikakabit ako sayo" turo ni mama sa upuan na nasa study table ko. Na weirdohan man ako ginawa ko pa din.

Sandali kaming magkatinginan ni mama doon sa salamin hanggang sa nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya.

"Ano yan, ma?" tanong ko

"Dyan ka lang" isinuot niya sakin yung kwintas. Yung kwintas na ibinigay sakin ni Derick..

I swallowed hard. Hinawakan ko yung pendant at tumingin lang ng matagal sa salamin. Kailangan ko ba talagang suotin ito?

"Uhm, ma-"

"Bagay yan dyan sa suot mo kaya wag mo tatanggalin" putol niya agad sa sasabihin ko. May isinuot din siya sakin na pearl earings na ingatan ko daw dahil mahalaga yun sa kanya.

"Erica, may sasabihin pala kami sayo mamaya" makahulugang sabi ni Princess na nagpakunot sa noo ko.

"Ano yun?"

"Mamaya nga di ba?" sabad ni Annabeth

Nagtext na ako kay Robie na papunta na ako dahil binilinan niya ako na magtext sa kanya bago umalis para daw alam niya ang whereabouts ko.

Sinundo kami nung driver ni Annabeth na si Kuya Marlon. Bahagya pa siyang nagulat pagkakita sakin dahil matagal na daw nung huli niya akong nakita. Alas syete yung umpisa pero alas otso kami dumating. Na overheard kasi ni Princess sa Student Council nun na alas otso daw talaga ang umpisa. Alas syete lang ang in announce nila dahil alam nilang madaming pa importante at magpapa late - katulad namin. Ugh! Kasalanan naman ni Annie kung bakit kami na late eh. Kinailangan pang ayusin ni Princess yung make up niya.

Halos hindi ko makilala yung mga classmates at schoolmates ko dahil nag ayos talaga sila ng husto. Kahit mga lalaki. Well, ano nga ba ang aasahan ko eh mga mayayaman sila?

Pagpasok namin may photographer na gustong mag picture samin kaya huminto kaming tatlo.

"Oh my gosh. Is she serious?" pipicture an na sana kami pero sabay sabay kaming napatingin doon sa nagsalita. I almost rolled my eyes. Si Eunice na naman.

"Dear, may kaparehas ka ng suot but then I have to admit, you wore it better" sabi niya at nilagpasan na kami kasama yung mga kaibigan niya.

"Saan niyo ba to binili at bakit may kaparehas daw ako?" tanong ko doon sa dalawa na parang nagulat din sa sinabi ni Eunice.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now