Lie #46: Sadie Hawkins

Magsimula sa umpisa
                                    

"JS Prom!"

I winced "Pwede pakihinaan ang boses? Hindi naman ako bingi. Tsaka hindi ako pupunta" ibinalik ko sa kanya yung papel at ballpen na may feather pa sa dulo pero hindi niya tinanggap

"What?! Are you serious right now?! Last prom na to, sa college wala ng ganito. Ano ka ba naman, wag ka ngang KJ dyan!" nagkamot siya ng ulo and looked at me with dismay

"Eh ano naman? Hindi naman ako mamamatay kapag di ako nakapunta dyan. Requirement ba yan sa college? Isa pa, sayang pera na gagastusin ko sa pagbili ng gown na isang gabi lang naman gagamitin" pagdadahilan ko. May point naman ako di ba? Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit may JS Prom eh. Ano bang essence nyan? May matututunan ba ako dyan?

"Ang dami mong dahilan! Ang sabihin mo kaya ayaw mong pumunta kasi naiilang ka kay Derick at Elise" pang aasar niya. Napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig pero mukhang wala naman dahil walang nakatingin samin. Thank God kasi break time at yung iba hindi pa nakakabalik including Derick and Elise. Hindi naman kasi ako kumain dahil wala akong gana.

"Shut up. Ayoko lang talaga"

Umupo sa tabi ko si Princess at umakbay. Gusto ko sana alisin yung braso niya pero hinayaan ko na lang din siya sa trip niya. "Alam mo, hindi naman masama magpakatotoo sa sarili paminsan minsan"

I tsked "So what?"

"Well what I am saying is, never hesitate to say "I love you" because you'll never know when he'll be gone. I know I am not in the position, wala akong karapatan na mangailam pero kasi Erica, ang sakin lang tutal alam naman pala ni Elise, bakit hindi mo pa sabihin ang totoo kay Derick?"

"Anong totoo?" nagtatakang tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan

"Na mahal mo siya"

Hindi ko alam ang magiging reaksyon but before I knew it, tumatawa ako habang umiiyak. Fuck and I dont know why!

Tinitigan lang ako ni Princess habang pabalya kong pinupunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

"There is this thing na palaging sinasabi sakin ng parents ko. If you don't fight for what you want, don't cry for what you lost." may dinukot siya sa bulsa ng skirt niya at maya maya pa inabutan ako ng panyo.

Umiling ako. "I did not lose him. I let him go"

"You do? Kahit na mahal mo yung tao?"

Gusto kong kontrahin yung sinabi niya na mahal ko si Derick. But then I am so tired to do it. So tired of pretending na hindi ko siya mahal kung ang lahat ng tao sa paligid namin hindi naman ganun ang tingin.

So I just said "Dahil ang totoong pagmamahal ay mapagpalaya."

Sa kabila ng matinding pagtanggi ko na wag pumunta sa prom, wala na din akong nagawa lalo na nang puntahan ako ni Princess at Annabeth sa bahay at may dalang gown na isusuot ko.

At syempre nanghihinayang naman ako kung hindi ko yun susuotin dahil bukod sa mahal, ang ganda ganda.. Hindi naman siya magarbo pero nagandahan ako sa kulay. Kaya eto kami ngayon sa bahay at nagtutulakan sa full length mirror.

"Masyado atang makapal ang make up mo, Annabeth" simula nung pag uusap namin ni Princess sa classroom, madalas na din naman siya makasama. Okay naman siya kahit na medyo mahinhin pa din. Naaalala ko nung nagyaya siya pumunta ng bar pagtapos ng Christmas party namin nun. Inutusan lang pala siya ni Alex na magtanong tanong pero hindi pala siya sumama.

Na alerto naman ang bestfriend ko at hinawi kaming dalawa ni Princess paalis ng salamin. "Oo nga noh. Huhu, hindi ko na alam ang gagawin!" pagmamaktol ni Annie at tumalikod para kumuha ng tissue na ipapahid sa mukha niya. Sa school gymnasium lang naman gaganapin yung prom pero base sa mga posters na nakita ko, pagagandahin nila yun.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon