26

113 4 4
                                    

One week have been passed since Louis left me. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya akong iwan katulad ng ginawa niya nung mga bata pa kami.

How I wish that he didn't come back and look after me when he's going to leave me again.

Masakit pa rin at hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niya. I told him that I can wait, no matter how long it is, I can wait, but he didn't listen.

I didn't think that Louis is capable of hurting me, he is always sincere, gentle, kind, and sweet. O talagang nabulag lang ako ng mga katangiang pinakita niya sa'kin kaya hindi ko matanggap na kaya niya rin akong saktan.

Hindi sila nagtanong tungkol sa nangyari o kahit pag-usapan si Louis ay hindi nila ginawa, which I truly appreciate dahil hindi ko kailangan ng pang-aasar nila ngayon, lalo na ni Devon at Sevyn.

In the last one week, hindi ako lumabas ng kwarto ko. Enero and Spike seems to understand my broken heart kasi hindi nila ako pinagtripan o inasar man lang.

While, Louis room is now empty, wala na yung mga gamit niya ron at yung pangalan niya na nakasabit sa may pinto.

The whole gang respect my decision to stay in my room and they only bother me when they bring me a food.

Hindi ko alam kung sino ang nagluluto para sa breakfast, lunch at dinner nila at kung paano sila nakasurvive ng isang linggo na hindi ako ang nagluluto. But I think that's a way so that they were force to learn how to cook.

Nung unang araw, si Indigo ang unang kumatok sa pinto ko at may dalang adobong manok, hindi ko nga lang malaman kung adobo ba talaga o paksiw dahil mas nanaig yung suka kaysa sa toyo.

The next day, Spike bring me a tinola, kaya lang ang tigas pa ng manok at hindi napakuluang mabuti pero sa timpla? Pasado naman.

The next day, Septimus tried to cook, yung paborito kong pork chop yung niluto niya. Malambot yung baboy pero walang lasa, natakot siguro siyang maglagay ng patis at baka umalat.

Next, Kalawang made me a chicken curry, kaso katulad ng luto ni Spike matigas rin ang manok.

The whole week, I keep on thinking about Louis. He didn't even send me a message or dm me in IG. So today, I decided to continue my life. I needed to stop locking myself in my room and I need to get my life back.

Alas-dyes pa lang ng umaga at hindi ko inaasahang gising na sila nang ganito kaaga dahil bakasyon at wala naman silang rason para gumising nang maaga at sigurado rin akong nagpupuyat sila sa paglalaro o pag-iinom. I found them in the kitchen, arguing on something.

"Ang bobo mo kasi Sevyn, sabing wala ngang patatas ang menudo!" inis na sabi ni Devon at inagaw yung sandok kay Sevyn, Enero and others is in their back habang nagtatalo sila.

"Tanga ka? Merong patatas 'yon tsaka carrots! Amina na nga 'yan, ako ang nakaschedule ngayon!" agaw ni Sevyn sa sandok pero hindi binigay ni Devon.

"Kapag hindi nagustuhan ni Patience 'yan, ikaw ang ituturo namin!"

"Nahiya naman ako sa nagluto ng Pork chop na walang lasa!" sabat ni Sevyn at lumingon kay Septimus, nanlaki ang mata niya nang makita niya ako sa pinto ng kusina namin habang nakacross arms.

"Ah.. eh," napalingon silang lahat sa'kin dahil sa reakyon ni Sevyn, inirapan ko sila at tuluyang pumasok ng kusina.

Tinaasan ko ng kilay si Devon at inagaw yung sandok sa kamay niya para tikman ang luto ni Sevyn.

"Okay ka na?" Indigo asked me, I can feel their eyes on me.

"Bakit hindi?" tanong ko sa kanya pabalik at nilingon siya.

The Perks of Loving a Faust (Perks Series #1)Where stories live. Discover now