15

116 7 3
                                    

Louis left without a word. Mabilis kong tinapunan ng masamang tingin si Septimus, he did it on purpose!

"You'll pay," mariin kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya, tanging ngisi lang ang natanggap ko.

Imbis na mag-aksaya pa ako ng oras ay mabilis kong sinundan si Louis pero nang makalabas na ako ay saktong paalis na ang kotse niya.

"Louis!" I tried to call him but he didn't hear me.

Pinagmasdan ko ang kotse niya palayo sa bahay ni Septimus. Fuck. Bakit ba kasi ang tanga ko?

Masama ang loob kong bumalik sa loob ng bahay nila Sep na ngayon ay tahimik. Lahat sila ay napatingin sa'kin nang pumasok ako.

"He left?" bungad ni Enero sa'kin, inirapan ko lang siya at aakyat na sana sa guess room para kunin ang mga gamit ko nang magsalita si Septimus.

"I'm sorry," mahina pero narinig naming lahat. Tinaasan ko siya ng kilay, bagay na ayaw na ayaw niya.

"Sorry for what? For breaking in in my room last night? For forcing me to kiss you and wear this fucking shirt? And for hurting him? Fuck you Septimus, I'm done with all of your games!" inis kong sigaw sa kanya.

Fuck him. Hindi na siya nakakatuwa! Hindi ako nakikipaglaro sa kanya. Ni hindi ko nga malaman kung ano ba talagang gusto niya sa buhay!

Ilang segundo lang ang lumipas nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at matalim na nakatingin sa'kin.

"Hindi ba sinabi ko sayong ayokong naririnig kang nagmumura?!"

"I don't fucking care!" inis na sigaw ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin.

Louis is hurt, I see it. Nakita ko sa mga mata niyang nasaktan siya sa nakita niya at dahil yun sa katangahan ko!

"What did you said?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Enero.

Fuck.

Did I just forget that they are here?

"Did I hear it right Sevyn?" wala sa sariling tanong ni Devon.

"We're missing something," komento ni kalawang kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Enero na ngayon ay nakatitig sa'kin at maghihintay ng sagot ko.

I messed up, big time.

"Tama ba ang narinig ko?" ulit ni Enero sa tanong niya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para ulitin pa yung mga sinabi ko.

"You heared it right," napalingon kaming lahat kay Septimus sa sinabi niya. Kampante siyang nakapamulsa at nakasandal sa pinto papuntang kusina. I saw Enero smile a bit.

I'm expecting him to deny it, he didn't.

"I'm sorry, tinamaan ata ako ng alak. Akala ko kafling ko, si Pasensya pala 'yon." dugtong niya na ikinagalit ko. Napansin ko ring nawala ang ngiti ni Enero nang sabihin yon ni Septimus.

Septimus is such an asshole. Siya na ata ang pinakagagong lalaking kilala ko. Nakakapang-init ng ulo. Anong akala niya sa'kin? Kung ituring niya ko parang isa ako sa mga babae niya, gago.

Nagulat ako nang biglang suntukin ni Enero si Septimus, masyadong mabilis ang mga pangyayari dahil nakita ko na lang si Septimus na nakahiga at nasa ibabaw niya si Enero na hawak-hawak ang kwelyo niya.

Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Septimus dahil wala man lang siyang reaksyon o kung ano pa man, nakatingin lang siya nang diretso kay Enero.

"Duwag," maikli ngunit hindi ko maintindihang sabi ni Enero kay Septimus bago niya ito bitawan at lumingon sa'kin.

The Perks of Loving a Faust (Perks Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя