13

174 6 1
                                    

Enero was about to burst out when we heard the door opened.

"Seems like you're having fun boys?" GREAT MOM! You saved me!!!

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang nanay kong kakauwi lang. Halos talunin ko ang espasyo sa pagitan namin para yakapin siya at magmano.

"Are you tired mom? Should I cook?" eksaherada kong tanong dito kaya naman bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa inakto ko. Yes I am cheeful at home pero hindi ako ganito umakto.

Mabilis naman akong umayos ng tayo at nginitian si mommy.

"Magandang gabi po tita!" bati naman ni Kalawang kay mommy. Nang linungin ko sila Enero ay saglit pa itong tumitig sa akin bago siya tumingin kay mommy.

"I'm sorry for the mess," pinanood ko ang reaksyon ng nanay ko pero nagkibit-balikat lang ito at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.

"Clean your mess then," sabi nito habang naglalakad. Tumigil siya bago siya tuluyang makapasok sa kusina at lumingon sa amin. "Dito ba kayo matutulog?" saglit na nagkatinginan sila Devon bago sila tumango kay mommy.

Susunod na sana ako sa kusina nang marinig ko si Enero, "we'll talk about this later." mariin niyang sambit at inabot ang cellphone pabalik kay Louis.

Sinubukan ko namang tignan kung ano ang reaksyon ni Louis pero mukhang wala lang sa kanya na nakita ng kapatid ko ang picture namin na screen lock niya.

Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko sa lamesa at pumunta na sa kusina bago pa ako gisahin ni Enero at ni Spike ng mga titig nila.

"May maitutulong ba ako mom?" saglit na lumingon sa akin si mommy bago siya ngumiti at nagsalita.

"Showing off for Louis?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Oh silly girl, you can sit in our sala and wait, parating na rin ang daddy mo."

What for? Bakit naman ako magpapapansin kay Louis?

Nagkibit balikat lang ako sa kanya bago ako bumalik papunta sa sala. Naabutan ko naman sila Enero na naglilinis ng mga lata ng ininom nilang alak.

Matapos nilang maglinis ay kanya-kanya silang hawak ng mga telepono nila. Minutes later, dad come home.

"Good evening dad," bati ko rito at nagmano. Enero and others did it too.

"Kumpleto kayo ah?" bungad nito kila Enero pero mabilis ring binawi ang sinabi niya. "Where's Septimus?" tanong niya sa'min, nagkatinginan namin kaming lahat sa tanong ni daddy dahil hindi namin alam ang isasagot namin.

"He'a sick dad kaya hindi siya makakasama ngayong gabi." sa huli, si Enero ang nagsalita.

"Dito lang naman sila po matutulog, some boys bonding." dugtong ni Spike sa sinabi ni Enero.

Hindi rin nagtagal ay tinawag na kami ni mommy para kumain. Hindi naging tahimik ang hapag-kainan, having Devon and Sevyn in the house and Kalawang as well, talagang magiging maingay ang bahay namin.

Indigo is silent as usual, dahil sa kanilang magkakaibigan ay siya lang naman ang tahimik. Louis is sitting beside me, minsan ay nakikita ko si mommy na nakatingin sa'min pero hindi ko na lang pinapansin.

"Ngayon ko lang napansin na wala pala si Septimus?" mom said while we're eating. Agad naman nag-angat ang tingin ko kay Enero at Spike.

"May sakit siya mom," maikling sabi ni Enero dito. Hindi naman kasi matanong si mommy, one question is enough to her.

Nang matapos kaming kumain at magligpit, Enero ordered us to go in his room. Kahit pa gustuhin kong dumiretso na sa kwarto ko ay hindi ko alam kung bakit ko siya sinunod.

The Perks of Loving a Faust (Perks Series #1)Where stories live. Discover now