9

248 8 6
                                    

I rolled my eyes as I heard Sevyn says those playful words. I looked at my brothers and they were looking at me. Probably waiting for my explanation but I won't give their satisfaction. I want to keep them hanging and thinking about what happen between me and Septimus last night.

"May nagseselos dito oh," Spike said as he put his arms around Louis' shoulders. Hindi pa rin ito tumitingin sa'min ni Septimus.

"Septimus prime, ang bigat ng kamay mo." reklamo ko, sa wakas, inalis niya na rin ang kamay niyang nakaakbay sa'kin.

"I'm not, besides hindi naman sila." kampanteng sabi ni Louis at tumingin sa'kin, muli siyang kumindat nang magtama ang mata namin.

"The food is ready,"

"At last, nagugutom na ako kanina pa!" we all laugh at Rusty on what he said.

"You never been full," Indigo commented.

Tinulungan ko si Devon sa paghahain ng pagkain namin. Nang matapos kaming maghain ay isa-isa na kaming umupo. Septimus sit on my right while Louis is on my left. I felt the awkwardness between us, lalo na nang nagkatinginan sila Enero at Spike bago muling tumingin kay Septimus na nasa tabi ko.

Kukuha na sana ako ng kanin nang magsalita si Indigo,

"Wait, let's thank the God for the blessing." saglit akong natigilan bago ko tuluyang naintindihan ang sinabi niya. Umayos ako ng pagkakaupo ko at tumingin sa kanila.

"Louis, lead us," utos ni Enero dito, mukha namang naintindihan niya ang ibig-sabihin ni Enero dahil bahagya itong yumuko na sinundan ng mga lalaki. Yumuko na lang din ako gaya nila.

Louis starts on praying and we kept our silence. Who can say that this bunch of jerks can pray before they eat? May itinatago naman pala silang bait kahit papaano.

As I stare on them, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute nilang tignan, akala mo'y mga hindi makabasag pinggan. I don't know that they have this routine before they eat. Maybe because I don't know them well. Marami pa siguro akong bagay na malalaman sa kanila.

Ngayon ko lang nalaman na nagdadasal pala sila Enero bago sila kumain. Hindi naman kasi sila nagdadasal sa bahay. I never seen them praying before. Kaya ganun na lang ang gulat ko nang sabihin nila 'yun ngayon.

Hindi ko maiwasang maging masaya, they may be the most cruel bunch of people but they know how to acknowledge God. They still thank and praise God.

Nang matapos na kaming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Hindi nawala ang asaran habang kumakain kami. Devon keeps on dragging up about last night, Sevyn keeps on supporting him. While Indigo have my back.

Enero eats silently. Septimus seems so annoyed with Louis beside me. And Spike were watching the three of us. Hindi tuloy ako makakain nang maayos.

Hindi ko na tinapos yung pagkain ko dahil nawalan na rin naman ako ng gana.

"O, saan ka pupunta?" napatigil ang kwentuhan at asaran nila nang tumayo ako.

"Mag-aayos,"

"Hindi mo pa ubos yung pagkain mo ha?" hindi ko na sila sinagot pa at kinuha ko na yung gamit ko.

Inabot ako ng mahigit isang oras sa pag-aayos, nakita ko silang naka-ayos na rin pagbaba ko. Mabuti na lang at tatlo ang bathroom nila Devon, hindi na nila kailangan pang hintayin ang isa na matapos sa paliligo.

"Bakit ang tagal kumilos ng mga babae?" bungad ni Sevyn nang makita niya ako. Bahagya akong umirap sa kanya. Hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako ang tinatanong niya kung hindi sila Spike.

"Likas na ata sa babae na mabagal silang kumilos," komento ni Indigo habang kumakain ng mansanas. Kumuha na rin ako ng isang slice ng mansanas na nasa lamesa.

The Perks of Loving a Faust (Perks Series #1)Where stories live. Discover now