Prologue

157 9 0
                                    

THIRD POV

She is waiting for the dinner when her mom called her immediately.

"Savannah! Come here and someone wants to talk to you," she said.

Nagmadali si Savannah kahit na nakasuot na ito ng kaniyang night dress.

"Wait mom,  Pababa na po ako," sagot nito at tinungo ang sala set nila.

Nakarating na nga siya sa ibaba at laking gulat niya ng masilayan niya ang apat na lalaki.

"Wow!" gulat na sabi ng isang maputing lalaki.

Habang ang tatlo ay nakatingin lamang sa dalaga.

"Hi!" maikling sabi ni Savannah sa tatlong lalaki habang kumakaway at ngumiti sa kanila.

Sabay-sabay naman silang kumaway at ang isa'y lumapit pa at nakipag-kamay.

"Hello, I am Matthew King Vosco." Pormal na pagpapakilala ng matipunong lalaki na kulay brown ang mga mata.

"Hi, I'm Helen Savannah Synthecia. Sorry hindi ko alam kung bakit nandito kayo?" takang tanong ng magandang dalaga.

Lumapit na rin ang tatlong lalaki at isa-isang nagpakilala sa kaniya.

"Hi, I'm Jay Lee Ventura." Makisig niyang pagpapakilala kasabay ng paghalik pa sa palad ni Savannah.

"I am Christopher Kye Soloui," saad naman ng lalaking medyo moreno at blue ang mata.

"And I am Ian Josh Serenio." Ngiting sabi nito sabay nag-bow pa sensyales ng kanyang paggalang.

Natulala na lamang si Savannah dahil hindi niya kilala ang apat na lalaking nasa harapan niya ngayon at biglang dumating ang kanyang ama.

"Ohh, nandito na pala ang apat na lalaking gwapo.Magsi-upo muna kayo at mamaya sumabay na din kayo sa hapunan namin,"  sambit nito at kasabay ng pagyuko ng apat.

Umupo na nga sila sa sala set na lang na kay lawak at kita ang gandang kabuuan ng mansyon ng pamilyang taga-Syncthecia.

"Dad, can I ask? Sino po ba sila?"  takang tanong ni Savannah dahil hanggang ngayon hindi niya pa din alam ang nangyayari. Nagpakilala naman ang apat ngunit malaking tanong ang pagparito nila.

"Sila ang bagong partners ko sa kompanya natin. Wala ang kanilang mga ama kaya sila ang tumatayo ngayon. Inimbita ko sila para makilala mo na rin," sagot nito kaya napatango na lamang si Savannah.

Naghanda na nga ang mga maids nila at nagsimula na silang kumain habang ang apat na lalaki ay panay ang sulyap kay Savannah.

Ilang saglit lang din ay natapos na silang kumain at umakyat na si Savannah upang magpahinga habang ang apat na lalaki ay naiwan sa ibaba dahil sa importanteng pag-uusap na magaganap.

Sa pagpasok ni Savannah sa loob ng kan'yang kwarto dali-dali siyang napaupo sa kama at napaisip sa mga nangyari. Kakaibang pakiramdam ang binigay sa kanya ng makita niya ang  apat na gagwapuhang lalaki. Napaisip pa siya noong una na bakit kaya wala ang mga Ama nito at sila muna ang biglaang pumalit at mag aasikaso. Hindi naman bago ito sa kan'ya dahil mas nahasa siya lalo na bata pa lang ay puro business na rin ang inaatupag niya.

Pinili niya na lang muna ang mahiga sa kama  upang magpahinga. Sapagkat kung sino man ang apat na lalaking  iyon ay wala na siyang pakialam, dahil para sa kanya importante ang trabaho kaysa ang love life.

Sunod-sunod na katok ang narinig ni Savannah sa kan'yang pintuan, naalimpungatan ito kaya napabangon kahit  na sa totoo lang wala pa sa kondisyon sa pagbangon ang kaniyang katawan.

"Teka lang, bubuksan na," turan nito para tumigil ang taong panay ang katok sa kaniyang pintuan.

Sa pagbukas nito, hindi niya inasahan ang kaniyang nakita. Halos sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya kahit tila natuyuan na siya ng laway dahil sa kakagising niya lamang at dahil na rin sa pagkabigla.

"Hi lady!" sabay-sabay nilang pagbati na tila bang mas naguluhan siya dahil na rin sa ginagawa nilang pag ngiti ngayon. Para silang may balak na hindi maganda para sa kaniya.

"Anong ginagawa ninyo rito?" takang tanong niya sa apat na lalaki na kasalukuyan na nasa harapan niya. Ngunit kakaibang ngiti lamang ang binigay nila at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Samantala si Savannah naman ay napapaatras na lamang dahil sa ginagawa nila.

"Teka..."

"Anak? Okay ka lang ba?" Isang pagtapik ang naramdaman niya mula sa kanyang balikat at isang boses na pamilyar ang kan'yang narinig.

Hingal na hingal ito ng bumangon. At pawis na pawis din buhat sa kaniyang panaginip na tila hindi niya maintindihan kung ano ang kahulugan.

"M-mommy, panaginip lang po pala. Salamat po sa paggising sa akin." Kabadong paliwanag nito habang nakahawak pa rin sa kaniyang dibdib at pilit inaalala ang mga pangyayari sa kaniyang panaginip.

Tumabi naman ang kaniyang ina at pinahawak sa kanya ang isang basong tubig. "Oh anak, uminom ka muna. Ano bang nangyari sayo? Nakatulog ka ba nang maayos? Wala na ang bisita kaya nandito ako para sana tingnan ka, kaso nakatulog ka na pala pero bigla kang nagsisigaw." Paliwanag ng kaniyang ina kasabay naman na ininom niya na ang basong tubig na hawak niya ngayon.

Pagkatapos niyang uminom ay nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan. "S-Salamat p-po, M-mommy." Turan nito sabay niyakap ang kaniyang Ina. Labis ang pagtataka ng kaniyang Ina sa oras na iyon, dahil ayaw niyang mawala ang kaisa-isa niyang anak at tagapagmana.

"Nandito na ako nak, wala na 'yon.  Huwag muna isipin, walang masamang mangyayari sayo."

"Opo Mommy."

Humigpit lalo ang kaniyang pagyakap, at sinusubukan alisin ang masamang bangungot niya. Sino nga ba ang apat na lalaking iyon? At anong papel nito sa kaniyang buhay?

The Glamorous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon