Chapter 68: The Gangs

Start from the beginning
                                    

And within a seconds ay sinagot niya ito.


"Ma, nasaan ka?"


( Nandito ako sa labas ng subdivision kasama si Tito Romeo mo. )


"Ahh."


( Bakit anak? May ipapabili ka ba? )


"Ahh wala.. Sige." at pinatay ko na kaagad ang tawag.


"Let me handle this kuya." sabay ngiti nilang tatlo. "James, kunin mo yong silencer at umuna ka sa tapat nila Mama doon. Magtago ka doon ah." tumayo naman siya at kinuha ang silencer. At naunang lumabas.


Uminom muna ako ng tubig at lumabas na ako ng bahay at sumunod kay James at lumayo ng kaunti sa kanila Mama. Siguro nga 100 na hakbang.


Tatawagan ko na sana ang phone ni James ng biglang may tumapik sa balikat ko at nang tingnan ko iyon ay si David pala.


"Bakit nasa labas ka pa? Gabi na ah." sabay tabi niya sakin.


"Nah.. It's just 7:00 PM." at natawa siya sa akin.


Anong nakakatawa?


Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang name ni James.


( Ano na? ) tanong niya sa akin kaya tiningnan ko ang puwesto nila Mama at nakatayo lang sila habang masayang nag-uusap.


Tiningnan ko si David na nakangiting nakatingin sa akin. Sabay tingin sa harap.


"Shoot him." at pinatay ko na ang tawag at nakita ko sa gilid ng mata ko na biglang nawala ang ngiti niya.


Maya-maya ay biglang natumba si Tito Romeo na hudyat na natamaan na siya ni James.


Kaya napangiti ako.


"Nakita mo yon?", tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa harap. "Subukan mong mag-sumbong." and lastly ay tiningnan ko siya na parang kabilang siya sa gang ng kalaban. "Ikaw ang sunod." at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Kaya umalis na ako.

Pero bago pa man ako makalagpas sa kaniya ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa likod.


"Bakit niyo siya pinatay?!", gulat na tanong ni David.


"Wala kang maiintindihan."


"Then tell me the whole story!", nagulat ako dahil sa sigaw niya.


Bakit ba siya nagagalit? Wala na siyang pakialam sa amin... Sa akin...


Pero imbis na sagutin ko siya ay tumalikod ako sa kaniya nang bigla niya na naman akong hiahin paharap sa kaniya.


"You don't know anything... Si Tito Romeo, hindi mo yan kilala, si James, sila kuya? Hindi mo sila kilala, at hinding-hindi mo makikilala ang totoong ako."



"Tell me!", sigaw niya ulit.


"Nakita mo ba yong binaril ni James kanina?!", sigaw ko sa kaniya. "Kung hindi binaril ni James yon, mamamatay kaming lahat. Remember Tito Kobe? He is dead, pinatay siya no'n. At kung hindi namin pinatay yon, kami ang mamamatay. Naiintindihan mo?!", sigaw ko sa kaniya.


"But it is just a gang... Bakit buhay niyo yong kinukuha niya?", curious niyang tanong.


"Because it is a gang. Kung may kinuha ka, may kukunin din sa'yo." sagot ko.


"what... Eh hindi ba magpupulis ka? Bakit ikaw ang nagsisimula ng gulo."


"Inumpisahan nila ang gulo, tatapusin namin." sabi ko at nakita kung nalungkot siya.


Pero bakit nalulungkot din ako?


"In the world full of gangster, may patayan, may naga-away, puno ng dugo." lungkot kung sabi pero hindi ko pinahalata. "But you only do it just to survive."


"Ayon naman pala eh... Bakit in the first sumali ka pa, sumali pa kayo?", worried niyang tanong.


"Dahil bata pa lang ako, namulat na ako sa ganitong sitwasyon. 4 years old, nakahawak na ako ng kutsilyo, 6 years old, tinuruan ako nila kuya kung paano bumaril, 16 years old may muntikan na akong mapatay."


"Sabrina, madami namang paraan para umiwas sa kanila."


"No... Hindi kami iiwas. Hindi ako iiwas." tigas kong sabi.


Ayoko na mag-explain sa kaniya.


David's POV


Naiwan akong nakatunganga doon.


Ganoon ba talaga ang mga gangsters? Mga walang pakialam sa mga nararamdaman ng ibang tao? Nagpapatayan? Mga walang awa?


At dahil wala namang makakasagot no'n ay naglakad na ako ng dahan-dahan.


Maya-maya ay may bilang tumapik sa balikat ko at nakita si James na ngingiti. Kung makangiti at akala mo walang nangyari.


"Long time no see." sabay fist pump namin. "Oh bakit parang malungkot ka?"


"Ah wala tol."



"Naku wag mo nang isipin yon di mahalaga yon. Una na pala ako ah, mag-uusap lang kami ni Sabrina."


Ni hindi man lang ako nakaka-oo ay umalis na siya.


Habang naglalakad siya ay nakita ko sa likod niya ang silencer.


Pati ba si James, may tinatago din?


Now I realized, hindi ko talaga kilala si Sabrina.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now