Chapter 32: His Side

70 3 0
                                    

David's POV

Just when I saw her eyes, I know sobra niyang dinamdam ang sinabi ng Mommy niya.

Nakita ko ang mga mata niya. Sobrang pula, at sobrang maga. Gusto ko siyang patahanin, pero hindi ko alam kung paano. Gusto ko siyang damayan, gusto ko siyang samahan lumaban pero hindi ko alam kung paano.

Sa tuwing nasasaktan siya, nasasaktan din ako.

Bakit ba kasi naging ganito ang lahat? Maayos na kaming dalawa ni Sabrina eh. Wala nang Mike, wala nang Aira, wala nang Virgie. Pero, bakit ito na naman ang problema namin. Hindi ba puwedeng maging masaya naman kami?

Bakit ba kasi ganoong kung makapag-isip yong Mommy ni Sabrina. Wala bang tiwala sa'kin si Tita? Hindi ko naman muna gagalawin agad si Sabrina. Just like what Sabrina said... in the right time.

May pangarap pa kaming dalawa ni Sabrina.

Haays... Ayoko na... Ang gulo talaga ng buhay.

"Pabili nga." napatingin agad ako sa harap ng tindahan. At nakita ko si Sabrina.

"Ano yon?", tanong ni Nico.

"Piattos nga." sagot niya at napatingin siya sakin.

"Bakit ka umiiyak? Gusto mo awayin namin ni David?", tanong ni Nico.

Umiling lang si Sab kagaya ng ginawa niya kanina. Pula pa din ang mata niya. Hindi ba siya tumigil kakaiyak?

"Ano ba sabi sayo?", tanong ko. Kaya tumingin ulit siya sakin.

"Madami." walang emosyon niyang sagot.

"Ano nga yon?", hindi niya na ako sinagot at umalis na siya. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya.

"Ano nangyari doon?", tanong sakin ni Nico.

"Madami." sabi ko.

"Ano nga yon?", tanong naman niya.

"Doon ka na nga. Basta..." sabi ko na lang at pumunta na ako sa kuwarto ko.

Nag-online ako sa cellphone ko at baka naka-online si Sabrina.

I badly want to talk to her.

David: Sabi ko sayo kagabi wag ka umiyak eh

Sabrina: Halata bang umiyak ako?

At nag-tanong pa talaga siya. Hindi niya ba alam? Hindi ba siya tumingin ng salamin?

David: Ayy hindi hindi putik na yan halos lumuwa na nga yong mata mo eh sa sobrang pula

Ayon talaga ang kalagayan ng mata niya.

Sabrina: Haays
Sabrina: Galit ka na niyan

Paano ako hindi magagalit sa kaniya eh ginagawa niyang mesirable ang buhay niya?

David: Di ako galit nagpapaliwanag lang
David: Wag ka na umiyak ah
David: Dapat masaya ka lagi

Sabrina: Di ko mapigilan eh
Sabrina: Paano ako magiging masaya kung alam kong may problema ako

David: Kaya mo yan wag mo lang isipin yong sinabi ng Mommy mo
David: Wag mo nga intindihin yong problema mo sabi nga diba daanan wag tambayan

Sabrina: Di ko na alam gagawin ko

David: Kaya mo yan andito lang ako

Sabrina: Puro Piattos lang kaya kinain ko simula pa kaninang paggising ko
Sabrina: May tanong ako

Simula kaninang paggising niya? Anong oras na ngayon, 6:30 na ng gabi.

David: Kumain ka ng kanin. Wag puro Piattos, gusto mo MAGKA-UTI ka ulit
David: Ano yon Baby?

Na-kuwento niya kasi sakin noon na NAGKA-UTI siya nong bata pa siya.

Sabrina: Wag ka magagalit ah

Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Ano ba itatanong niya?

David: Opo promise

Sabrina: What if mag-hiwalay na lang kaya ulit tayo?

Bigla akong nanlumo... Bakit ngayon pa? Kung kailan masaya na kaming dalawa?

Hindi. Hindi ako papayag na mawala ulit si Sabrina sakin.

I court Virgie, pero three days lang kami. Dahil ang layo niya kay Sabrina. Si Virgie, ang ingay, palamura. Hindi siya worth it. At hindi siya yong tipo ng babaeng pinapangarap ko noon pa man.

Nong nakipag-break sa akin si Sabrina nong bumalik siya dito galing Bataan. Sobrang sakit non. Hindi ko na siya magawa ng ma-replyan noon dahil nasasaktan ako.

Ang dami kong niligawan, dala-dalawa pa girlfriend ko, pero si Sabrina pa rin talaga ang gusto ko kaya ko ulit siya niligawan.

Tapos ganito lang din? Maghihiwalay lang din kami?!? No way... Hindi na ako papayag this time.

David: Lah bakit naman
David: Haays

Sabrina: Ang daming problema eh

David: Diba walang iwanan

Sabrina: Mahal kita pero kasi ang daming problema

David: Baby, di ka lalaban? Sasamahan naman kita eh

Sabrina: Hindi ka ba nahihirapan satin?

Nahihirapan na ba siya?

David: Kung nasasaktan ka na iwan mo na ako
David: Okay lang sakin
David: Di ako magagalit
David: Kung di mo na kaya hirap na hirap ka na pano ka pa lalaban yan lang sakit na sakit ka na okay lang sakin

Sabrina: Mahal kaya kita

David: Okay lang sakin kung nahihirapan ka na

Sabrina: Baka kasi nahihirapan ka na sakin eh
Sabrina: Samahan mo ko lumaban? Okay lang ba sayo?

David: Ikaw nga bahala kung iiwan mo na ako okay lang sakin Di ako magagalit di ako magtatanim ng sama ng loob alam ko naman kung anong dahilan eh

Sabrina: Iiwan mo na ako? Di mo na ako mahal?

I love you Sabrina pero hindi pa tayo puwede sa ngayon.

David: Di kita iiwan sinasabi ko lang
David: Kung nahihirapan ka na Iwan mo na ako ayaw kong makadagdag sa problema mo

Sabrina: Wag mong isipin na ikaw problema ko

David: Sabi mo kasi nahihirapan ka na eh
David: Mas masasaktan ako sa ginagawa mo eh iyak ka ng iyak Di kita mapatahan

Sabrina: I won't cry again

David: Wag ka nang umiyak ah

Sabrina: Opo.. Ikaw lang naman kasi iniintindi ko eh. Baka one day bigla mo na lang akong iwan

David: I won't leave you again, I promise

Sabrina: Promise? Paano kung dumating yong araw na yon?

David: Di yun darating. Nawala na sa kalendaryo yon

Sabrina: Baka one day marinig ko... Pinag-palit mo na ako sa isa sa mga classmates mo

David: Di mangyayari yon

Sabrina: Walang magbabago ah

David: Promise... I love you baby

I won't ever leave Sabrina again.

Nararamdaman ko nang siya ang naka-tadhana sa'kin.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now