Chapter 20: Dream

104 4 0
                                    

Sabrina's POV

Bumaba ako ng hagdan dahil nagugutom na ako. It's almost 10:00 AM, nang matapos kong maligo... Puyat kasi... Ewan ko ba... Buti na lang at wala kaming pasok ngayon.

"Morning Mom." sabi ko nang makababa ako sa hagdan. Tiningnan ko silang lahat at nandito ang lola ni David.

What is she doing here?

"Dito ka muna... Kukuha ako ng makakain natin." sabi ni Mommy kaya umupo ako katabi ng lola ni David.

May pinag-uusapan ba sila ni Mommy? Pero bakit kailangan pati ako? Belong ba ako when it comes to business? Maybe nandito siya because of business.

"Hija... What's your name?", napatingin ako sa kaniya. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa living room kaya ako naman siguro ang kausap niya.

"Sabrina po..." at humarap ako sa kaniya.

"Girlfriend ka ni David diba?", napatingin ako sa kaniya. "Sana wag mo siyang iwan." dagdag niya pa.

Napatingin ako sa pintuan at nandoon si David.

Then biglang naglaho ang lahat.

Nagising ako sa kuwarto ko. It's a dream... Just a dream...

About the grandmother of David... What does she mean by that? Wag kong iwan si David? Bakit?

Ang dami kong tanong... Pero alam kong gugulo lang lalo ang utak ko. Kaya bumangon na lang ako at naligo pagkatapos ay pumuntang school.

Lumabas ako ng bahay at mukha ni David ang nakita ko? Pati ba naman sa real life siya pa din... Tapos nakatingin pa siya sa'kin. Isinalpak ko na lang ang headset ko at hindi ko siya pinansin.

David's POV

Hanggang ngayon hindi ko pa din tanggap na wala na kami ni Sabrina. Bakit ba kasi hindi ko siya pinansin nong gusto niya akong kausap. Diba yon naman ang gusto kong mangyari... Ang magka-usap kami after ng mga pangyayari... Pero bakit hindi ko siya pinansin.

Ano ba nangyayari sa sarili ko?

"Hoy... Ano na naman ba yang mukha mo?", sabay tabi sa'kin ni Marvin. Siya lang yong kaklase ko sa course na accountancy... Yong iba nag-architect... Edi sila na magaling mag-drawing.

"Is it because of that girl? What's her name again?", tanong niya.

"Sabrina."

"Oh... Ano?"

"Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din tanggap na break na kami."

"Eh bakit kasi hindi mo pinigilan?", kunot-noo niyang tanong.

"After what I did may karapatan pa ba ako para pigilan siya?", sagot ko. Kaya napatingin siya sa'kin.

"Ano ba kasing ginawa mo?", napatingin ako sa kaniya.

Oo nga pala, wala siyang alam sa mga nangyari sa Pangasinan.

"Tsh... Ewan ko sayo..." kinuha ko ang bag ko at lumabas ng pinto. Wala namang teacher eh... Kanina pa... May faculty meeting daw... Kaya uuwi na lang ako ng bahay. Gusto Kong matulog.

"Nagtatanong lang naman eh." rinig ko pang sabi niya at alam kong napakamot siya ng batok.

Kay Maclen ko na lang sasabihin 'to... Haays...

Sabrina's POV

"Hayaan mo na kung kami talaga, kami talaga diba?", tanong ko.

"Oo nga naman." sabi naman ni Mae.

"Pero wait... Diba sabi mo napanaginipan mo yong lola ni David tapos ang sabi wag mong iwan si David?", tanong ni Andrea.

"Oo... Ano meron doon?"

"Sabi kasi ng iba... Kapag nakita mo ang isang taong yon sa panaginip mo... It only means gusto kang makita ng taong yon." sagot niya.

"So... Gustong makita ni David si Sabrina?", kunot-noong tanong ni Mae.

"Parang ganon na nga."

"Pero bakit naman niya ako gusto makita?", tanong ko din.

"Diba nga sabi mo... Kanina nakita mong nakatingin sayo si David. Malay mo gusto niyang makipag-usap sayo." dagdag ni Rose.

"To clear the things out." dagdag naman ni Lyn.

To clear the things? What thing?

New Romantics | CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora