Chapter 66: The Trinity

43 2 0
                                    

Sabrina's POV


Lumabas ako ng bahay at papunta sa isang tindahan para magpa-load.


Buwesit na PLDT yan, di man lang nag-text na mae-expire na.


Ito tuloy napilitan akong lumabas ng bahay para magpa-load sa sim ko. Tapos yong ibang tao nakatingin pa sa akin. Bakit? May dumi ba ako sa face?


Baka siguro ngayon lang nakakita ng tao?


Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi sila pinansin.


Habang naglalakad ako at habang nagse-cellphone ay may humarang sa harapan ko kaya napatingin ako.


"Ito na ba yong leader ng Bad Blood?", sabay taas baba ng mga tingin niya.


Aba! Ano akala niya sa akin? Cheap manamit? Simple lang naman ang suot ko kapag nasa bahay ako. Oversized shirt and a piece of a denim short.


"Nasa first rank, pero nasaksak ng member ko." sabay tawa niya kaya natawa din ako.


"You know what kasi... Madumi kayo makipag laro. But thank you for teaching me that." sabay lagpas ko sa kanila.


"From now on.. Stay away from Rafa." galit niyang sabi sa akin.


And what?!? Lalayo ako kay Rafa? Eh ni minsan nga ay di ako lumapit doon. But by the way, Rafa is my ex when I was first year in first college.


"Excuse me... Dapat si Rafa ang sabihan mo niyan." cool kong sagot.


"And by the way... Kaano-ano mo si Rafa?", dagdag ko pa.


"I'm his ex."


What? Ex niya lang pala si Rafa tapos kung makapag-utos siya ay parang ako pa ang kabit.


Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?


"And I'm Aliyah... Trinity's leader."


So this is Aliyah huh... Mary told me na madami daw ang takot dito. Matapang daw kasi ito. Are they even serious?!? Ano namang kinakatakutan dito?


"I'm not asking who you are." at biglang nawala ang mga ngiti niya.


At maya-maya at sumugod ang dalawang kasama niya. Yong isa at iyon ang sumaksak sa akin sa underground, at yong isa naman ay nakalaban ni Alex. Ako naman ay inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko at naghanda ako sa pag-sugod nila.


Buti na lang at magaling na ang saksak ko sa tagiliran at puwede na magkikilos.


Sinipa ko ang isang babae sa tiyan at yong sumaksak naman sa akin at inuuntog ko ang mukha sa puno kaya napa-aray siya at nahiga.


Maya-maya at biglang nagsi-datingan sila David, Mary, Ryza, at mga pinsan ni David, at si Rafa na ngingiti-ngiti.


"Ano pang hini-hintay mo?!? Hindi ka susugod?", tanong ko. Nakatunganga lang kasi siya eh. At ayon nga sumugod siya at may hawak siyang isang balisong.


Sinipa ko ang tuhod niya kaya natumba siya kaya nakuha ko ang balisong sa kaniya. Hinila ko ang buhok niya at sumaksak ko siya doon sa part na sinaksak ako ng member niya.


"Ganti ko yan." at binitawan ko siya.


Tiningnan ko sila David at gulat silang napatingin sa'kin.


"Aliyah..." sabay ngiti ko. "Kinakatakutan ka dito pero wala lang kuwentang kalaban." sabay tawa ko at umalis.


Kinakatakutan daw, mahina naman pala.


David's POV


Umis so Sabrina na parang walang nangyari. Nakita kong duguan ang babaeng si Aliyah. Walang nagtangkang lumapit sa kaniya.


Ang dami nang dugo na lumabas mula sa tagiliran niya. At dating pa ito ng daing, siguro at dahil sa sobrang sakit.


Siya ang kinakatakutan dito sa subdivision namin? Pero bakit? Paano? At bakit hindi ko alam?


Nakita kong papalapit si Sabrina at tiningnan niya si Aliyah.


"Sa susunod na susugod kayo dito, hindi lang yan ang aabutin niyo."


Natawa yong Aliyah. "Matagal mamatay ang masamang damo, hindi ba?"


Ngumiti naman agad si Sabrina. "Sorry.. Pero demonyo ako eh." sabay ngiti ulit at umalis na.


Bakit parang na-realize ko ngayon ay parang hindi ko pa kilala ng buo ang pagkatao ni Sabrina?


Maya-maya at inakay nong dalawa si Aliyah at umalis na sila.


"Totoo ba yong nakita ko? Si Ate Sabrina ang gumawa niyon?", mahinang tanong ni Ryza.


"Oo... Nakita mo naman diba?", pilosopong sagot ni Nikki.


"Wow..." manghang sagot ni Nicole. "Idol." dagdag niya pa.


"Kuya David, diba babalikan mo si Ate Sabrina? Ingat ka sa pangloloko, baka hindi lang yon ang mangyari sa'yo." sabay alis ni Ryza.


Ang ipinagtataka ko lang kung bakit kailangan niyang saksakin yong Aliyah? Siguro kasi mga gangster sila.


Hindi kaya siya din yong sumaksak may Sabrina noon?


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now