Chapter 25: Girlfriend

87 4 0
                                    

Sabrina's POV


"Dalawa nga girlfriend niya eh." napalaki ang mata ko sa sinabi ni Nicole.



"Oo nga... Kaklase niya." sagot naman niya agad.


"Yong dalawa? Pano yon?", naguguluhan kong tanong.


"Yong isa pang-break time tapos yong isa pang-uwian."



What the fuck? Paano yon? Buti hindi siya nahuhuli?


"Hindi alam nong isa, tapos yong isa hindi din alam?", nalilito kong tanong.



Haays... Ang gulo ko.. Wag ka na nga magtanong.


"Oo... Hindi alam... Dinala na nga dito yon kuya David eh. Yong Jenny... Inaakbayan niya pa nga yon eh tapos yong babae naman niyayakap siya."


"Yuck...." sabi ko.


"Sabi ko nga sa kaniya mukhang monggoloid yong isa eh. Tapos yong isa maganda. Pero don't worry ate mas maganda kayo. Hahahha. Sabi ko nga sa kaniya isusumbong ko siya doon sa dalawang babae na tina-timer lang sila." at natawa ako sa kaniya.



"Ano ba nangyayari sa kaniya... Bakit siya naging ganyan? Tapos kung pumasok siya dalawang araw lang..."



Eh bakit ko ba siya pina-pakialaman? Buhay ni David yon eh.. Panindigan niya.



Pero buti na lang hindi niya ginawa sa akin yon. Haays... Ewan...



"Ewan ko ba doon ate."



"Haays... Bayaan mo siya... Makakarma din yon in the right time." sabi ko.



"Pero Ate... Gusto ko ikaw pa din yong makatuluyan ni kuya David. Magbi-break din sila... Tiwala lang, magkakabalikan din kayo. Promise yan."



Ngumiti na lang ako at umuwi na sa bahay.


Promise? I won't rely on that. Because the person who said that word. He breaks it.



* * *


"What the... What did you do with my car?!", sigaw ko sa lalaking bumangga sa kotse ko.


Kakabigay lang ni kuya Lei ito tapos may gasgas agad. Ano ba naman kasing lalaking to. Hindi ata siya marunong mag-drive eh.



"Sorry miss... I didn't mean it. I'm so sorry." sabi niya.



"You don't mean it? Wow... Just wow." sabi ko at pumasok sa kotse at nag-drive na pauwi.



Masasapak ko lang yon kapag hindi pa ako umuwi.



Pang-limang kotse ko na to. Tapos may gasgas na naman. Haays...



* * *



"Are you sure about that?", sabay taas ng kilay ni Andrea.


"Kakasabi ko lang diba?", sabi ko naman sa kaniya.


"I never thought, magagawa niya yon.", sabi ulit ni Andrea. Siyempre, botong-boto si Andrea kay David. Like eew...


"Ginawa niya na nga eh..." sabi ko.


"Akala ko pa naman matino siya. Yon pala, casanova din. Tama ka nga siguro na di ka nagtiwala agad doon." sabi naman ni Lyn.



"Yeah right..." Sabay sipsip sa shake ko.



"Buti na lang hindi niya ginawa sa akin yon. Dahil kung hindi, hindi niya alam kung anong gagawin ko sa kaniya." dagdag ko pa.



Nandito kami ngayon sa bahay ni Lyn... Wala lang, palipat-lipat lang kami ng tambayan.


Maya-maya may kasamang pumasok si Andrea. Isang lalaking mukhang pamilyar. I think I saw him before, hindi ko lang alam kung saan.


"Guys... Meet Marvin... My cousin." ngiting sabi ni Andrea.


"Hi... Girls..." Pero in fairness, guwapo niya ah...


"Meet Sabrina... Siya lang ang single sa'min... Hahaha."


"Hoy... Para kang ewan diyan. Manahimik ka nga." Sabay hila ko sa kaniya.


Natawa lang silang lahat.


Hindi naman porket guwapo yong Marvin... Gusto ko na agad siya diba?


"Iwan ko muna kayo." sabi ni Andrea.


"Kami din." at umalis na silang lahat. Pinag-usapan ba nila to?


"So, I'm Marvin."


"Sabrina." sabi ko at kunwaring may ka-text ako sa cellphone.


"Do you want anything?", tanong niya.


"None." sabi ko at siya naman ay tumabi siya sa'kin.


"Naglalaro ka ba ng Mobile Legends?", tanong niya Sabay labas ng cellphone niya.



Napatingin naman ako sa kaniya.


"Naglalaro ka din?", tanong ko.



"Oo... Tara laro tayo." sabi niya at naglaro nga kami.



"Welcome to mobile legends! 5 seconds to re enemy reaches the battlefield! Smash them! All troops deployed!"



May kalaro na ulit ako sa Mobile Legends. Bukod kay James. Hahaha.. New buddy.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now