"Para sayo yan." napangisi ako. Gusto ko sanang humalumbaba sa lamesa pero masama 'yon.

"Sana lagi kang ganyan para hindi ako nabwi-bwiset sayo." sabi ko na may diin sa bwiset.

"Nope." sagot nya sabay kain ng pandesal. Inirapan ko sya at kumain na lang. "Rigel." tumingin ako sa kanya habang humihigop ng taho. Nakakagulat talaga na tinatawag nya ako sa pangalan ko. Madalas nya kasing banggitin ang panget o kaya wala syang babanggitin na pangalan.

"Oh?" tanong ko sa kanya.

"Sinagot mo nga ako pero hindi ko pa naririnig sa bibig mo na mahal mo ako." sabi nya. Napaisip naman ako kung hindi ko nga ba sinabi sa kanya y'on. "Kahit kagabi na sinabihan kita ng 'I love you' habang-"

"Wag mong babanggitin yan." babalang sabi ko sa kanya. Napangisi naman sya dahil don. "Dite, nasa harapan tayo ng pagkain kaya wag kang maging bastos dyan." nararamdaman kong aasarin ako ni Dite dahil sa nangyari kagabi.

"Nahiya ka pa. Gusto mo rin naman." nanlaki ang mga mata ko.

"Aphrodite!"


Tinapos na namin ang bakasyon sa Baguio. Marami kaming pinamiling pasalubong dahil nag-post pala si Dite na nasa Baguio kami kaya naman maraming nanghihingi ng pasalubong samin. Bumalik pa nga kami sa Mines View dahil maraming gusto ng strawberry jam at ube jam.

Mas na-enjoy ko ang huling araw namin sa Baguio. Siguro dahil mag-girlfriend na kami ni Dite? I don't know. Parang wala kasing nagbago samin kahit na mag-girlfriend na kami. Naiinis pa rin ako sa kanya. May extra sweet lang si Dite na lahat ng gusto ko ay hinahayaan nya. Hindi ko sya inaasar sa ganong bagay dahil baka bigla nyang sabihin na naka-score sya sakin kaya ganon kaya maiingat ang mga salita ko para hindi nya ipaalala ang nangyari. Ugali pa naman ni Dite.

Kinabukasan, after school ay dumating ang mga kaibigan namin para kunin ang pasalubong nila. Nasa camp kami ng Miracle lahat at kanya-kanya sila ng kuha. Nag-aagawan pa nga yung iba. Akala mo may package na dumating galing sa titang nasa ibang bansa kaya nagkakagulo ang mga bata. Masayang pinapanood ko naman sila dahil nagugustuhan nila ang mga pasalubong namin.

"Saan ang next ninyong travel date?" tanong ni Lulu na lumapit sakin. May tinapay syang dala at may strawberry jam na palaman. Sila Abi kasi nagdala ng maraming tinapay. Gusto daw nilang tikman agad ang jam.

"Next month na uli after ng Summer Cup siguro? depende rin kung makukuha sya ng Philippines team para sa World Wide Basketball." sabi ko.

"For sure yan 'no." natatawang sabi nya. "Paghahandaan ninyo pala ang Summer Cup ngayon."

"Panigurado kasing mahirap manalo ngayon. Habang tumatagal ay mas lalo kayong lumalakas lahat." sabi ko habang nakatingin sa mga kaibigan namin. Ginawa na nilang picnic ang open field ng camp namin. Tila pinag-usapan nilang magdala ng tinapay at drinks para makapag-picnic rito.

"Lahat naman ayaw magpatalo. Pagkatapos ng laban ng Leon Sparks at Dream team ay doon na-motive ang lahat na mas lalong gumaling. Kanya-kanya sila ng hingi ng tulong sa mga magulang o ibang mga kakilala nila para mas gumaling." sabi nya.

"Siguradong humingi ka ng tulong sa mga magulang mo." sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Nagbabalak pa lang ako non pero si Mama na agad ang lumapit sakin. Ayaw nya kasing magpatalo ako kanila Sylvia. Dapat raw mas magaling ang Sawada kaysa sa Chavez." parehas kaming natawa sa sinabi nya.

"Bakit sa Chavez at hindi sa Reyes-De Vera?" tanong ko.

"Naa-acknowledge ni Mama ang galing ng isang Reyes, paano pa kaya kasama sa dugo ni Dite ang De Vera? Hindi sa sumusuko o pinaghihinaan kami ng loob ni Mama na makalaban si Dite. Sadyang sobrang taas na ng level ni Dite. Hindi pa natin sya nakikitang nagseryoso." sabi nya na nakangiti. "Sobra akong proud sa kanya dahil sa wakas, naipakita na ang galing nya. Masaya na ako ron pero susubukan ko pa ring talunin sya." nakikita ko sa mga mata nya ang determinadong matalo si Dite.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now