Kabanata XXX

21.1K 1.1K 785
                                    

ELIANA'S POV

KINABUKASAN ay maaga akong ginising nina Stella at Leandra para sa aking klase. Tinatamad pa nga ako dahil mas sumakit ang katawan ko at kumikirot din ang aking ulo pero hindi na ako nagpadaig dito at mas ninais na lang na maging produktibo ang aking araw. Hindi ko rin naman gugustuhin manatili sa silid ko lamang at makipagtitigan kina Leandra at Stella.

"Prinsesa Eliana, sigurado ka bang nais mong pumasok? Namumutla ka pa." Nag-aalalang tanong sa akin ni Leandra habang sinusuklay ang buhok ko. Tiningnan ko naman siya mula sa salamin saka inirapan.

"Nakabihis na ako di ba? Ano pang inaarte mo?" Pagtataray ko sa kanya dahilan para bumuntung hininga na lamang siya at nanahimik.

Matapos nila akong ayusan ay naghabilin pa sila sa akin ng kung anu-ano. Umuwi raw ako agad kung masama ang pakiramdam ko o di kaya ay ipatawag ko na lang daw sila kung sakaling hindi na ako makaakyat pa sa dormitoryo. Sabay ko naman silang pinandilatan para magtigil na sila.

"Prinsesa Eliana, puwede mo akong isama para may bantay ka kung sakali!" Magiliw na boluntaryo sa akin ni Stella na ikinangiwi ko naman.

"E di ikaw pa ang naging alagain ko dahil sa pagiging ignorante mo. Huwag na. Sasakit lang ang ulo ko sa'yo." Maldita kong sagot sa kanya na ikinasimangot naman ni Stella. Binalingan ko rin si Leandra nang akmang ibubuka niya ang kanyang bibig.

"Isa ka pa, huwag mo na tangkain sumama dahil ayoko ng may palagi kumukontra sa mga ginagawa ko. Diyan ka na at bantayan mo si Stella dahil baka may kung anong katangahan na naman na gawin iyan." Sita ko sa kanya saka sila tinalikuran at marahas na isinara ang pinto. Ang aga-aga sinisira nila ang araw ko. Kaimbyerna.

Kahit ilang linggo ko pa lang nakakasama sina Leandra at Stella ay nakabisado ko na kahit papaano ang takbo ng bituka nila. Si Stella ay tatanga-tanga habang si Leandra naman ay masyadong pakialamera. Parehas naman sila maayos gumawa ng trabaho at tungkulin sa pag-aalaga sa akin kaya wala akong lait na masasabi sa parteng iyon. Minsan lang talaga ay masyado silang nanghihimasok sa buhay ko at pinakikialamanan ang mga gawain ko. Hay ewan, bahala nga sila.

Tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad palabas ng dormitoryo nang masilayan ko ang isang pamilyar na lalaki. Mabilis na dumagundong ang puso ko ng mapasadahan ko ng tingin ang guwapong ayos ni Zephyr na prenteng nakasandal sa puno habang nakalagay ang kamay sa bulsa at libro naman sa isa. Mukha siyang may hinihintay at ginagawa lamang pampalipas oras ang pagbabasa. Anong ginagawa niya sa labas ng dormitoryo ng mga kababaihan?! May hinihintay ba siya? Impossible na ako iyon hindi ba? Tsk! Ano ba iyang iniisip mo Yvonne?

Mabilis akong umiling dahil sa mga pantasya ko. Lalayasan ko na rin sana siya dahil alam ko naman na hindi ako ang pakay niya pero mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nagtama ang mga paningin namin na mas lalong nagpabilis ng puso ko lalo na ng isara niya ang hawak na libro at nilapitan ako na may ngiti sa labi. Ang aga-aga naman bakit ganyan kaayos ang hitsura niya? Mas lalo siyang nagiging magandang lalaki sa umaga! Ano ba naman iyan!

"Magandang umaga, Prinsesa Eliana." Magalang niyang bati sa akin at mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti. Napaatras naman ako ng konti sa kanya at sinubukan kalmahin ang puso ko na naghuhurementado.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunwari'y pagtataray ko habang pinipilit na huwag mautal pero nagkandautal-utal pa rin ako. Buwisit.

"Hinihintay kita." Seryoso na niyang pahayag sa akin na ikinatigil ko naman. Nanlaki rin ang mga mata ko pero agad din akong natauhan at pinaningkitan siya ng mga mata.

"Sinungaling." Pambabara ko sa kanya. Impossibleng ako ang pakay niya! Hindi maaari! Ano naman kaya ang nagawa ko sa kanya? At ang pesteng puso ko mas lalong nagwawala, ano ba!

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon