Kabanata XXIV

18.6K 1K 266
                                    

- ELIANA - 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- ELIANA - 

"Yvonne, nasugatan ka na naman ba? Oh! Bakit hindi ka nagsabi kaagad?"

Kanina pa nagmumukmok ang anim na taong batang babae sa may gilid ng kama habang iniinda ang sakit na nagmumula sa sugat na nasa kanyang tuhod. Nalaglag kasi ito kanina sa puno habang sinusubukang makasungkit ng mangga.

"K...Kaya ko na po ang sarili k...ko! M...Masakit lang po t...talaga!"

Pagsisinungaling ng bata habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata nito. Napabuntung-hininga na lamang ang kanyang ama saka naglakad palapit sa kinalalagyan ng mga gamot at bulak. Mula sa kanyang kinatatayuan ay dinig pa rin ang hikbi na nagmumula sa anak kaya mas lalo na lamang niya minadali ang pagkilos.

"Halika dito at maupo ka sa kama, Yvonne."

Mahinahong utos ng lalaki sa bata habang inaalalayan itong makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Isang mahinang daing naman ang pinakawalan ng bata matapos nitong tuluyang makatayo. Damang-dama niya lalo ang hapdi na nagmumula sa kanyang sugat matapos ang ilang kilos lamang.

"Gagamutin ko lamang ang iyong sugat, maliwanag ba? Medyo masakit ito pero alam kong kaya mong tiisin iyon, anak."

Napatigil naman si Yvonne sa pag-iyak at napatitig na lamang sa maaliwalas na mukha ng ama. Malamyos ang mga mata nito at kababakasan ng pag-aalala sa anak habang ang buong atensyon ay nasa panggagamot ng sugat.

"A...Ah! Masakit po! N...Napadiin po masyado yung bulak!" 

Mahinang reklamo ni Yvonne habang napapakagat-labi na lamang upang magpigil ng pagpalahaw. May kalakihan kasi ang kanyang sugat at sariwang-sariwa pa ito kaya kaunting dampi lamang ay tiyak na mahapdi na.

"Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa akin na may sugat ka para nadala agad kita sa klinika. Ayan tuloy, ang Papa na ang maglilinis ng sugat at tiyak na masakit iyan!"

Pananakot ng ama dahilan para manlaki ang mga mata ni Yvonne at dahan-dahang inilalayo ang tuhod mula sa pagkakahawak ng ama. Natawa na lamang tuloy ang lalaki sa inaasta ng anak.

"Biro lamang, Anak!"

Natatawang pahayag ng kanyang Ama habang muling binabawi ang tuhod ng anak upang magpatuloy sa panggagamot. Maluha-luha namang tumingin dito si Yvonne, bakas pa rin ang pagka-alerto sa itsura na kapag siya ay nakaramadam na naman ng hapdi ay muli na niyang babawiin ang tuhod.

"Yvonne, bakit hindi mo sinabi kay Papa na may sugat ka? Kung hindi ko pa nakita iyan ay baka naimpeksyon na ang sugat mo."

Nag-aalalang tanong ng ama sa bata ngunit nanatiling tahimik lamang si Yvonne. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki at naabutan ang anak na nakanguso habang iniinda ang sakit na nagmumula sa pagdampi ng bulak sa kanyang sugat.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon