Kabanata XIII

22.3K 1K 226
                                    


ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

"Prinsesa Eliana, bakit hindi ka pumapasok ng iyong mga klase?! Nagawa mo pang pumuslit sa pribadong hardin!" Pasigaw na tanong sa akin ng Maestra na nakadaop pa ang mga kamay at masama ang pagkakatingin.

Prente lamang akong nakaupo sa sofa habang nakakrus ang aking mga kamay at nakadekuwatro. Magmula nang mahuli ako kanina ay diniretso agad ako dito ng babaeng may mataray na pagmumukha.

Sa totoo lang ay maganda sana siya at puwede na siyang pumasa sa mga magagandang babae sa mundo na ito. Kaso, dahil sa sobrang agresibo at pagiging mataray niya ay nandito kami ngayon sa Disciplinary Office para isumbong ako kaya nakatatak na siya sa isipan ko bilang isa sa mga taong hindi ko na dapat makadaupang palad pa.

"Pagpasensyahan mo na siya Prinsesa Sereia. Baguhan lamang ang Prinsesa Eliana mula sa Cymopoleia kaya hindi pa siya pamilyar sa mga patakaran at alituntunin sa akademya." Malambing na pahayag ng Maestra sa babaeng katapat ko.

Isa pa sa kinaiinisan ko ay ang pagiging maamong tupa ng Maestra na kaharap namin. Sa pagkakarinig ko ay Maestra Antonette ang kanyang ngalan. At si Maestra Antonette ay napakabait ngayon sa harap ng babaeng ito na kulang na lang ay lumuhod siya at humingi ng tawad sa ginawa ko. Nakakasuya.

"Ayos lamang, Maestra Antonette. Wala ka naman kasalanan. Nagulat lamang kami sa biglaang pagsulpot ng babaeng iyan at alam kong paglabag sa alituntunin ang kanyang ginawa pagka't wala siya sa kanyang klase at pumupuslit pa siya sa lugar na hindi siya dapat pumapasok." Buo at kababakasan ng katapangan ang boses niya na nababagay sa mga abogado.

Binalingan niya pa ako ng tingin pero inirapan ko rin naman siya bilang tugon. Ano bang pakialam ko sa kanya? Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na iyon kaya kahit mali ang aking ginawa ay sana hinayaan niya muna ako magpaliwanag bago niya ako dalhin dito.

Hindi naman sa ayokong magkaroon ng Bad Records sa paaralan na ito pero napahiya ako sa harapan ng dalawa niyang kasama! Nagmukha pa akong masamang babae dahil ang naging dating ng pagkalaglag ko ay namboboso ako mula sa mataas na puno! Naalala ko pa tuloy yung mapanghusgang tingin sa akin nung dalawang lalaki kanina lalo na si Zephyr na sa tingin ko ay nabahiran na ng masamang impresyon ang katauhan ko dahil sa pangunguna ng babaeng ito.

"Prinsesa Eliana, hindi ka ba hihingi ng tawad kay Prinsesa Sereia?" Napaangat naman ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng Maestra.

Parehas na silang nakatingin sa akin na inaasahan ata nila na hihingi ako ng tawad dahil sa kabalustugan na ginawa ko.

"Hindi." Matigas kong sagot habang masama at direkta pa rin akong nakatingin kay Sereia na malamig na ring nakatingin sa akin.

Kita ko naman ang pagkadismaya sa mga mukha nila pero mukhang mapilit si Maestra.

"Prinsesa Eliana! Ang iyong ginawa ay nararapat lamang na hingan ng kapatawaran mula sa nagawan mo ng kasalanan. Kaya bilang prinsesa, ipakita mo ang kababang loob at humingi ka na ng tawad." Pinagsabihan niya ako na akala naman niya ay susundin ko.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon