Kabanata XV

20.6K 1.1K 320
                                    

ELIANA'S POV

Tinuruan kami ni Maestra Clarita sa tamang pagyuko at pagbibigay galang sa aming kapareha. Halos lahat sila ay napakaelegante yumuko habang itinataas pa ang saya ng kanilang bestida. Habang ako ay mukhang tanga sa sobrang pagpipilit ko maging maayos ang aking postura at galaw. 

Paulit-ulit namin ginawa iyon hanggang sa mangalay na ako sa aking takong. Nakakunot na rin ang noo ko dahil naiinis na rin ako sa pinaggagagawa namin at masakit na rin ang aking paa. Sa ikalimang pagyuko namin ay hindi ko na nabalanse ng maayos ang katawan ko dahil sa panginginig ng aking mga paa. Hindi sinasadyang napahawak ako sa kapares ko para hindi ako tuluyang matumba. Agad din naman niyang naipulupot ang kanyang braso sa aking bewang para maalalayan ako.

"Hindi ka ata sanay mag-sayaw?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita at halos kilabutan na ako dahil dama ko na ang kanyang hininga kaya agad akong napatayo ng maayos at hinarap siya.

"Pasensya na." Iyon na lamang ang naisagot ko saka muling tumayo ng maayos.

Nagkatinginan naman kaming dalawa pero agad din akong nag-iwas ng tingin dahil ayan na naman ang kanyang nakakalunod na mga mata.

"Ngayon naman ay ulitin muli natin ang pagyuko ng lima pang beses bago tayo magpatuloy sa susunod na parte ng pagsayaw."

Napairap na lang tuloy ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Maestra Clarita. Kulang na lamang ay magpapadyak ako sa inis dahil sa sobrang arte niya magturo na inuulit ulit pa kami sa simpleng pagyuko lamang. Kung hindi lang masakit itong paa ko ay baka sinugod ko na siya sa entablado at pinukpok ko na nitong matulis na takong na siya ang nagsuhestyon suotin!

"Buwisit." Mahinang bulong ko habang tinitiis na talaga ang pagkangalay ng aking mga paa.

Ipinagdadasal ko na sana matapos na ang paghihirap at malaimpyernong ginagawa namin na ito para mahubad ko na itong nakamamatay na takong.

"Ah!" Sa ikalawang pagkakataon ay natapid na naman ako sa aking saya dahil nagkamali ako ng apak ng aking paa.

Muli ko na namang nahawakan ang dibdib ng kapareha ko pero sa ngayon ay hindi na niya ako inalalayan pa.

"Pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya." Muli kong pagpapaumanhin sa kanya sabay ayos ng tayo. Napapahiyang iniiwas ko naman ang aking mga mata sa mga titig niya na hindi ko mabasa.

Palagay ko ay hinuhusgahan na ako nito at tingin niya ay nilalandi ko siya dahil kanina pa ako natatapid.

Matapos ng halos walang katapusang pag-uulit sa pag-yuko ay tinuruan na niya kami ng tamang hawak ng lalaki at babae sa isa't isa sa oras ng pagsasayaw.

"Ngayon naman ay ilagay ng mga kababaihan ang kaliwang kamay sa ibabaw ng balikat ng lalaki at ang kaliwang kamay naman ng mga kalalakihan ay ilagay ninyo sa bewang ng inyong kapares."

Napairap na lamang ako sa sinabi ni Maestra kaya labag sa loob kong inilagay ang kamay ko sa balikat ng aking kapares. Ayoko pa naman ng masyadong madikit na pagsasayaw kaya madalas hindi ako dumadalo sa mga pormal na okasyon na kinakailangan ko pang paunalakan ang mga imbitasyon ng mga nais sumayaw sa akin. Pero kakaiba nga talaga ang tadhana dahil nandito ako ngayon at inaaral ang bagay na hindi ko naman hilig.

"Lumapit ka sa akin, masyado kang malayo." Mahinahon na utos ng kapareha ko.

Napapiksi naman ako ng maramdaman ko ang braso ni Eryx na pumulupot sa aking bewang. Halos mapasinghap din ako ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanya.

Napatingin tuloy ako sa mga mata niya ngayong mas magkalapit kami ng mukha. Ngayon ko lamang natitigan ng mabuti ang mga mata niya na matingkad na berde. Mas matingkad pa ito sa akin na lalong nakapagpapalunod sa sino mang tititig dito.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon