Special Chapter

5.7K 130 47
                                    

A year after the incident..

Yanna's pov

"Bumangon ka na Ploranzio"bulong ko kay Ranz na ang higpit ng pagkakayakap sa akin habang tulog.

Isa lang talaga ang alam kong pinakapaborito niyang gawin. Matulog.

"Sige ka pag di ka pa bumangon dyan. Iiwan kita"sabi ko kaya agad bumakas ang mga mata niya at ang sama ng tingin sa akin.

"Pinagod mo ko kagabi"sabi niya at kumagat labi pa.

Binatukan ko naman siya dahil sa kabastusang iniisip niya. Eh nag anime marathon lang naman ako kagabi habang siya nakatingin lang sa akin habang busy akong nanunuod.

Gagong to napaka maniac.

"Pakasalan mo na ako ulit"sabi niya.

"Wag na kasi tayo magpakasal Ranz. Masaya naman tayo di ba?"sabi ko.

"Ayaw kitang anakan hangga't di tayo kasal. Sayang lahi ko"sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napakabastos talaga ng bunganga ng lalaking to.

"Ewan ko sayo"sabi ko nalang at tinulak siya ng bahagya.

Bigla naman siyang ngumisi at ako ang tinumba niya. Nakapa-ibabaw siya sa akin at titig na titig sa mata ko.

"I want to touch you and make love to you"bulong niya sa tenga ko dahilan para kilabutan ako.

"Ploranzio di pa ko naliligo"nahihiya kong sabi dahilan para humagalpak siya ng tawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napakasama pa din ng ugali niya.

Hinubad niya ang sout niyang t-shirt at nakita ko ang peklat niyang natamaan ng bala. Nilagay ko ang kamay ko doon at dinama ang sugat. Hinuli naman ni Ranz ang kamay ko.

"Stop blaming yourself"sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Alam na alam na niya ang iniisip ko sa tuwing gagawin ko yan. Alam niyang iniisip ko na naman ang nangyari.

"Kung hindi dahil sa akin hindi ka naman masasaktan ng ganyan-"napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hinalikan.

Napapikit ako at hinayaang gumalaw ang mga labi namin sumasabay sa tibok ng mga puso namin.

Hindi pa kami nagto-toothbrush! Kadiri!

Tumigil si Ranz at dinikit ang noo niya sa noo ko. Ginagawa niya yan pagkatapos niya akong halikan.

"Kahit paulit-ulit pang mangyari yun hindi ako magsasawang iligtas ka"sabi niya.

Umiling ako at yinakap siya ng mahigpit. Hanggang ngayon andito pa din ang takot sa puso ko. Paano kung hindi siya nakaligtas? Paano kung hindi ko na siya kasama ngayon? Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Hindi ko ata makakaya.

"I'm here. Wag mo ng isipin pa yon"sabi niya.

Tumango ako at pinakawalan siya. Pinunasan ko ang kumawalang luha sa mata ko at ngumiti sa kanya.

"Wag na nating isipin pa ang nangyari. We have to move on"sabi niya.

"Natatakot ako. Natatakot na akong pakasalan ka Ranz. Natatakot ako na kapag ikakasal tayo ay mauulit na naman ang lahat. Ayokong may masaktan pa Ranz"sabi ko.

Hinawakan niya naman ang kamay ko. Tumingin lang siya doon at malalim ang iniisip.

"Ayaw kitang pilitin sa isang bagay. Maghihintay ako"sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Maliligo na ako. Gusto mo sabay na tayo para tipid sa tubig?"sabay ngiti niya pa ng nakakaloko.

"Ang harot mo Ploranzio!"sigaw ko na tinawanan niya lang at tumayo na siya para maligo.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon