35

3.5K 76 24
                                    

Yanna's pov

"Maganda! Dito ka!"sigaw nung isang babae sa akin.

Sa ilang araw na pananatili ko dito sa Isla ay medyo nasasanay na din ako. Lagi kaming nag-iiwasan nung bakulaw. Hindi ko siya pinapansin at laging nag-aabot ang kilay ko kapag tinatangka niyang lumapit.

May nakaatas na trabaho sa lahat ng tao dito. Katulad nila ang trabaho ko ay gumawa ng daing. Mga babae ang nakatuka sa mga gawaing magaan habang mga lalaki naman sa mabibigat.

"Nasaan pala si Puti?"tanong ni Bahaghari. Tukoy niya sa damuhong bakulaw na Ex-husband ko.

Isa siya sa mga babaeng tagadito sa Isla. Sa lahat ng babae siya lang ang nakakausap ko kasi yung iba
masyadong maarte at tahimik. Sabi ni Bahaghari naninibugho daw sila sa akin dahil may pagtingin sa akin ang karamihan sa lalaki dito sa Isla.

Nagtaka nga ako ano ba yung naninibugho? Narinig naman kami nung bakulaw sabi niya Inggit daw yun o selos.

Ganda naman!

"Nasa bukid sila naghahakot ng panggatong"sagot ko sa tanong niya.

"Mabuti nalang at nakatagal ka dito Maganda. Sana umabot pa kayo sa kasal ko"sabi niya dahilan para matigil ako sa paglalagay nung isda sa bilaran ng araw.

"Ikakasal ka? Kanino?"tumawa naman siya.

"Kay Bughaw. Nasa bukid din siya ngayon. Pinuntahan ang isang ermitanyo"sagot niya pa.

Napatingin naman ako sa bundok kung saan pumunta ang bakulaw. Hindi ako nag-aalala naisip ko lang kung buhay pa ba siya. Malay ko baka kinain na ng dambuhalang oso yun o kaya kinagat ng ahas.

Hindi talaga ako nag-aalala!

"Maganda? Ayos ka lang?"napatingin ako kay Bahaghari at ngumiti sa kanya.

"Hindi pa din ako naniniwala na wala ka ng nararamdaman kay Puti"sabi niya.

Ma-issue ka te. Dami mong napapansin.

"Bakit naman? Totoo naman na wala na akong nararamdaman sa kanya"sabi ko.

Bahagya siyang lumingon sa likod ko kaya tumingin din ako. Napatingin ako kay Malyari na pinalilibutan ng ibang babae. Sikat kasi siya sa Isla kaya ganyan.

"Usap-usapan na may pagtingin si Malyari kay Puti. Wag mo hahayaang mawala sa paningin mo ang iyong iniirog"sabi ni Bahaghari.

Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya. Eh ano naman kung gusto ni Malyari si ano?! Pakialam ko edi magsama sila.

"Akala ko ay hindi mo na mahal bakit ganyan ang iyong mukha? Para kang handa ng kumulam ng tao"sabay tawa pa niya.

Gusto kong magsabi ng masasamang words sayo!

Sarap itapon sa dagat nitong si Bahaghari buti nalang at mabait ako. Dami niyang alam. Patuloy pa din siya sa pagtawa at pailing- iling pa.

"Kung sinisinta mo talaga si Puti sabihin mo na bago mahuli ang lahat"sabi niya.

"Huli na siya. Huling-huli na siya dahil di na ko babalik sa kanya"sabi ko.

"Kung hindi kita makuha sa santong dasalan dadaanin nalang kita sa santong paspasan"

Gulat na gulat akong napatigil sa paglalagay ng isda. Nakangiti naman si Bahaghari habang nakatingin sa taong nakatayo sa likod ko. Boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na.

"Ulol ka na! Akala mo naman madadaan mo ko sa ganyan!"sigaw ko sa kanya.

Ibabato ko sana ang isda sa kanya pero nahuli niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga mata niya na kulay brown. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon