13

3.4K 94 6
                                    

Yanna's pov

Nakatulog na siya habang nagmamaneho ako. Hindi ko pa naman naitanong kong saan ang kanila. Isa lang ang bahay na alam kong malapit dito. Bahay namin ni- I mean ni Nady. Agad kong minaneubra ang sasakyan papunta doon.

Pagdating namin ay sakto mamang nagising siya. Agad akong bumaba sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ito lang ang bahay na alam kong pinakamalapit sa site"sabi ko at inakay siya patayo.

Pagkababa niya ay nilibot niya ang tingin sa labas ng bahay at tsaka ngumiti sa akin.

"Is this your house?"umiling ako at sinarado ang pintuan ng kotse.

Nakita ko namang tumakbo palapit sa akin si Nady at nagtataka siya ng makita ang kasama ko.

"Good morning po Miss Yanna"sabi miya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Nasaan si Deth?"tanong ko.

"Pinapunta po siya ni Don Shin sa Kompanya niyo po"tumango naman ako.

"Ahh Nady this is Dracel"sabi ko.

Ngumiti naman si Dracel sa kanya at inabot ang kamay ni Nady.

Inakay ko na papasok sa loob ng bahay si Dracel. Pinaupo ko muna siya sa sofa at nagmadali akong umakyat sa dating kwarto namin para ihanda ang hihigaan niya.

"Dito ka na muna magpahinga. Pahingi ng number nung fiancé mo at tatawagan ko siya"umiling naman siya at agad humiga sa kama.

"She doesn't have to know. I'm fine, your house is so nice"

"This is not my house"sabi ko at inayos ang kumot niya.

"It's my cousin's house"sabi niya habang nakatingin sa nakasabit na weeding picture namin ni Ranz.

Napatingin din ako dn at naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Agad akong nag-iwas ng tingin sa litrato at ibinaling sa kanya. Nakita kong may kumislap sa mata niya at agad siyang tumalikod sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Magpahinga ka na maghahanda lang ako ng pagkain"sabi ko at agad na lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa baba ay nag-aayos na si Nady na ang mga lulutuin niya.

"Nady ako na magluluto pwede ka na magpahinga"ngumiti naman si Nady at umiling.

"Tutulungan ko na po kayo Miss wala naman na akong gagawin po"tumango nalang ako at nagsimula ng magluto.

Nady's pov

Ngayon ko lang nakita si Miss Yanna na ganito katahimik habang nagluluto. Dati kasi ay kapag nasa kusina siya agad sumusunod si Sir Ranz sa kanya at tinutulungan siyang magluto. Ramdam na ramdam ko naman ang pangungulila ni Miss Yanna sa asawa niya.

Yung lalaking kasama niya kapag tinitingnan ko ay lagi siyang nakatingin kay Miss Yanna at malungkot ang mata niya. Kung hindi lang siya Blonde at hindi berde ang mata niya iisipin kong si sir Ranz siya.

"Ayos lang ba kayo ni Deth dito Nady?"nagulat naman ako ng magsalita si Miss Yanna.

"Opo. Maayos naman po kami dito"sagot ko nalang at nagpatuloy sa paghugas ng mga pinggan.

"Good to know. Mas maigi na din na may tao dito para hindi mapabayaan ang bahay na ito"sabi niya pa.

Nalungkot naman ako dun. Alam ko naman na miss na miss na ni Miss Yanna ang tumira dito. Dito nagsimula ang pagmamahalan nila ni Sir Ranz. Sayang sila. Sayang yung pagmamahalan na naudlot.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon