21

3.1K 82 7
                                    

Eva's pov

"Saan ka pupunta susundan mo siya?! Let her think that way Ranz ano ba?!"hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya pero winaksi niya lang ako.

"Let me go"may diin niyang sabi pero hindi ko ginawa iyon.

"Think please. Isipin mo ang mga plano natin!"

"Kasama ba sa plano natin ang saktan ng paulit-ulit ang asawa ko? Kasama ba dun ang sampalin mo siya ng ganun ha Eva?"napakagat-labi ko at bumuntong hininga.

"Kailangan Ranz! Kailangan natin gawin yun kaysa sabihin mo ang totoo! Ranz hindi lang ikaw ang may pinaglalaban! Ako din! Gusto ko ng malaman ang lahat Ranz!"hindi ko mapigilan na sigaw sa kanya.

Lumingon siya sa akin at bumuntong hininga. Siguro ay naalala na niya kaya namin ginagawa lahat ng ito.

"Masisira ang plano kapag nalaman ni Eniki ang lahat"sabi ko pa.

"I'm doing these to protect her and her family but it's not on my plan to hurt her. Alam mong mahal na mahal ko siya Eva at makita siyang nasasaktan ay para din akong pinapatay sa sakit"sabi niya.

"I-i'm sorry. Nadala ako ng emosyon natakot ako nung sabihin niyang ikaw nga ang asawa niya. Hindi ko alam na ganun kadali sa kanyang pagtagpi-tagpiin ang lahat"sabi ko.

"Matalino ang Asawa ko. Sa araw-araw na sinusundan ko siya simula nung magising ako sa pagkacoma ko ay mas lalo pa siyang naging maalam sa mga bagay"sabi niya.

Mahal na mahal mo siya di ba? Ang swerte naman niya.

Naalala ko na naman yung panahong nalaman ko ang lahat at humingi siya ng tulong sa akin.

Flashback (two years ago after the incident and death of Kie)

Napatingin ako sa litrato namin ni Ate Trisha at malungkot akong napangiti.

I miss her. I miss the old her. Hindi ko alam pero nagising nalang ako isang araw na iba na ang ugali at kinikilos niya.

Pagdating niya dito noon ay iyak siya ng iyak dahil nakipaghiwalay na siya kay Ranz. Ranz is her everything but why did she let him go?

I woke up one day that she is no longer my sister that I love. Naging maarte at masungit siya. Sa tuwing tinatanong ko naman ay wala akong nakukuhang tamang sagot sa kanya. Para na siyang ibang tao sa paningin ko.

Tumayo ako at binasa ang sulat na galing sa boss ko. I'm working as a secret agent from a private detective agency that is also part of the Police. Hindi alam ng Daddy ko iyon dahil ayaw niyang ituloy ko ang pagpupulis.

The letter said I have to met with someone name Villa Luna.

Agad akong nag-ayos at pumasok sa isang pastries shop called Sweet Haven here in Paris. Bagong bukas palang ito kaya kunti palang ang tao.

Umupo ako sa table kung saan nakaupo na ang taong kakausapin ko at may kasama siyang lalaki na nakashades at facemask.

"Are you Jade?"tumango ako ng itanong niya ang codename ko.

"I am Villa Luna and this is my nephew"tinanggal nung lalaki ang shades at facemask niya saglit at agad din nagmadaling ibalik ito.

W-wait! He is Ranz!

"Help me Eva. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin."

Napabuntong hininga ako at napakamot nalang sa kilay ko. Pagkatapos nun sinabi sa akin ni Ranz ang mga nangyari.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon