41

3.4K 84 19
                                    

Yanna's pov

"Anak!"sigaw ni Mama at agad silang tumakbo palapit sa akin.

Pagkadaong ng barko nakita ko na sila Mama,Papi at ang mga Kuya ko. Halos sabay-sabay silang tumakbo para salubungin ako. Nakita ko pang akay-akay ni Jenna si Shinzhel.

Isa-isa nila akong yinakap at ang pinakahuli ay si Jenna. Umiiyak pa siya habang mahigpit ang yakap sa akin.

"Ateng sorry talaga kung nilihim ko sa iyo na buhay ang jusawa mong akala mo iniwan ka na"bulong niya sa akin dahilan para mapaangat ang kilay ko.

"M-mamaya na natin pag-usapan yan"sabi ko nalang.

Pagod na pagod na ang utak kong mag-isip pati puso ko pagod na rin. Gusto ko nalang ayawan ang lahat.

"Ranz!"sigaw naman ni Tita Reisha.

Hindi pa din ako lumingon sa likod para man lang tingnan ang maligaya nilang pagkikita ulit. Hindi ko din matingnan si Carlz. Sinundan ko siya para kausapin sana pero itinaboy niya ako.

Hindi ko siya nakausap ng dahil doon. Ayoko naman siyang pilitin pa. Siguro kailangan namin ng oras para maayos ang lahat.

Pati pala sila alam na ang totoo? Kailan pa? Ako lang ba ang walang alam?

"Ayos ka lang ba anak? Napagod ka ba? Anong nangyari anak bakit ka napunta doon?"tanong ni Mama at agad hinawakan ang kamay ko.

Yinakap ko nalang siya ulit. Namiss ko si Mama. Namiss ko silang lahat.

"Ma, si lolo?"nag-aalalang tanong ko.

"Iniwan namin siya para makapagpahinga. Anak uwi na tayo ha?"tumango ako kay Mama at hinawakan naman nila ni Papa ang magkabilang kamay ko.

"Teka lang po may ipapakilala ako"sabi ko at linapitan si Agni na nakatayo lang malapit sa hagdanan paakyat sa barko.

Naguguluhan naman sila ng akayin ko si Agni papunta sa harap nila.

"Si Agni po. Isa siya sa mga nakasama namin sa Isla. Sumama po siya sa amin dahil sa isang personal na rason. Pwede po bang sa bahay na muna siya manatili?"tumango tango naman si Papi at Mama sa sinabi ko.

Nakatingin lang naman ang mga kapatid ko sa kanya at kapwa hindi nagsalita.

"Hi pogi ako si Jenna"pakilala agad ni Jenna at inabot ang kamay niya.

Kinuha iyon ni Agni at agad hinalikan. Namula naman si Jenna dahil doon. Hindi nakaligtas sakin ang pagtalim ng tingin ni Kuya Shin Cross at umirap pa. Halatang apektado siya sa nangyari.

"Tara na"sabi ni Kuya Shin Cross at nauna na maglakad sa amin.

Lumingon pa ako para tingnan si Ranz at tama nga ako nakatingin siya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko at nagbuntong hininga. Tama lang siguro na bigyan namin ng mga oras ang sarili namin.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Lolo at Shinzhel sa may pinto. Yumakap sa akin si Lolo at Shinzhel halatang sabik na sabik. Yumakap din ako pabalik sa kanila.

"Mama you're back!"sabi pa ni Shinzhel na nagpangiti sa akin.

"Youre papa is back too"sabi ko dahilan para magulat siya at ngumiti ng malaki.

"I know Ma! Hindi naman po siya nawala. Papa is always at our side. He never leaves you"sabi niya dahilan para mapaisip ako.

Matagal ng alam ni Shinzhel na si Dracel ay si Ranz?!

Jenna's pov

"Dito ka daw matutulog"sabi ko sa kasama ni Ateng.

"Maraming Salamat Binibini. Ano nga ulit ang iyong pangalan?"napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya napakapormal naman ng lalaking ito.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon