34

3.4K 68 21
                                    

Yanna's pov

"Magandang gabi"sabi ni Agni at humarap sa isang matandang lalaki. Hindi pa naman ganun katanda baka kasing edad lang ni Lolo.

"Kamusta ang pananatili niyo sa Isla?"tanong nung matanda na ang sabi siya si Pinuno. Nakaupo siya sa may maliit na parang barung-barong na gawa sa kawayan.

"Umaayos na ang kalagayan ng asawa ko"marahas kong nilingon si Ranz pero ang walanghiya nakatingin lang kay Pinuno.

Kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina pa siya nakabulagta diyan na walang buhay. Gusto ko siya murahin ng intense. Kakasabi ko palang sa kanya na kalimutan na ang isa't-isa tapos ngayon sasabihin niyang asawa niya ko?

Hindi ako natutuwa! Hindi rin ako kinikilig! Ha! Hindi talaga!

"Asawa mo siya?"tanong ni Pinuno.

"Hindi po!"mabilis kong sagot at sinamaan ng tingin si Ranz.

"Hindi po kami mag-asawa kasi walang kasal! May isa kasi diyan na hindi sumipot sa kasal namin. Hindi ko sinasabing itong damuhong katabi ko pero parang ganun na nga!"inis kong sabi.

Nakita ko naman ang pagtawa ni Agni pero agad din siyang tumalikod. Si Pinuno naman ay nakatingin lang sa amin ng seryoso.

"Paano kayo napunta sa dagat?"tanong ni Pinuno.

"Nasa barko kami sa gitna ng dagat ng may pagsabog na naganap sa barko at dahil doon nahulog siya sa dagat kaya agad ko siyang sinundan. Bago pa man kami makaalis palayo sa barko may sumabog na naman ulit dahilan para mawalan ako ng malay"sabi ni Ranz.

Pagkatapos nun nagising kami na nandito na? Paano na ang pamilya ko baka hinahanap na nila ako? Nag-aalala na yun sila lalo na si Mama.

"Nagising ako na nandito na sa lugar na ito. Malayo na ba ito sa-"naputol ang sasabihin ni Ranz ng magsalita si Pinuno.

"Mahihirapan kayong makabalik sa lugar niyo na wala kayong malaking sasakyan. Napakalayo nito sa kabihasnan at barko lamang ang may kayang tawirin ang dagat na hindi masisira. Masyadong malalaki at malalakas ang alon dito"sabi ni Pinuno dahilan para maupo ako sa buhangin kung saan ako nakatayo.

Hindi ko napigilan ang mga luhang naglalandas sa mukha ko. Agad naman akong hinarap ni Ranz pero bahagya ko siyang tinulak. Ayokong makita niya akong mahina. Paano na ko? Paano na ang pamilya ko? Paano nila malalaman na andito kami?

"Wife you have to be strong"sabi ni Ranz.

Umiling ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko para mawala ang sakit na andito sa puso ko.

"Hindi mo na ako asawa"malamig kog tugon.

Nakita ko kung paano siya ngumiti na para bang sinasabi niya na alam ko. Alam naman pala niya bakit kung makaasta siya ay para bang okay ang lahat sa amin.

"May maghahanap naman po sa amin. Kaya sana po sa konting panahon ay hayaan niyo kaming manatili dito"sabi ni Ranz.

Tumango si Pinuno at tumingin kay Agni at kay Ranz.

"Papayagan ko kayong manatili sa Isla namin ngunit kailangan niyong mamuhay sa paraan kung paano kami namumuhay dito"sabi ni Pinuno at tumingin kay Agni.

"Hatid mo na sila pabalik sa Kubo nila"tumango si Agni at lumapit sa akin.

Akmang bubuhatin niya ako ng hinawakan ni Ranz ang kamay niya.

"Kaya kong buhatin siya"sabi niya na matalim ang tingin kay Agni.

"Kagagaling lang ng mga sugat mo baka bumuka"sabi naman ni Agni at binuhat na ako.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon