17

3.2K 91 4
                                    

Yanna's pov

"Nakakatanga ang pag-ibig ano?"napatingin ako kay Jenna nung sabihin niya iyon.

Naisip ko naman ang nangyari sa ospital. Ang pagyakap at paghalik ni Dracel sa akin at ang pagsusumamo ni Carlz na wag ko siyang iiwan.

"May mga tao na kaya tayong mahalin ng sobra sobra pero bakit hindi natin kayang mahalin? May mga tao namang sinasaktan tayo pero bakit patuloy pa din tayong kumakapit?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ay ibinaling nalang ang boung atensyon ko sa ginagawa kong cake.

"Ang pag-ibig parang paggawa ng cake lang yan. Masarap kapag sakto ang timpla. Nakakaumay naman kapag masyadong matamis at pangit ang lasa kung kulang sa asukal na nagpapatamis"hindi ko pa din siya pinansin.

"Alam mo ateng, mahal na mahal ka ni Carlz ramdam na ramdam ko eh. Minsan nalang yung taong ganyan yun bang kayang masaktan kahit paulit-ulit kahit alam naman niyang hindi mo kayang suklian iyon"sabi niya pa.

"Masama ba akong tao? Masama ba ako para pagbigyan si Carlz sa kagustuhan niya?"tanong ko at humarap sa kanya.

"Alam mo kung anong mali ateng? Ang laging pagturing mo sa sarili mo bilang masamang tao yun ang mali ateng. Hindi mo na kasalanan kung gusto pa ding masaktan ni Carlz sa kabila ng sinabi mo sa kanya"sabi niya.

Hindi ko mapigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Ayokong masaktan ang kahit na sino pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili kong suklian ang pagmamahal ni Carlz sa akin ng hindi iniisip si Ranz.

"Ako na ang tatapos dito Ateng magpahinga ka muna"

Napatango ako sa kanya at namadaling lumabas ng kusina namin at pumunta sa white rose garden.

Inilibot ko ang tingin ko dun at biglang pumasok sa isip  ko ang araw na nakahiga si Ranz sa mga hita ko at natutulog. Biglang humangin ng lumakas na para bang yinayapos ako.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko at napaupo ako sa panghihina ng tuhod ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit na isiping wala si Ranz sa tabi ko ngayon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang makita.

Umupo ako sa upuang kahoy na inupuan namin doon at mas lalong nadurog ang puso ko dahil pumapasok sa utak ko ang mga ala-ala naming dalawa.

Ranz please bumalik ka na kung mahal mo pa ako please bumalik ka na.

Pinunasan ko ang mukha ko ngunit patuloy pa din ito sa pagtulo. Ang saya ng mga panahong naalala ko pero sa puso ko para akong pinipiga sa sakit. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit. Ayokong maramdaman ito pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ang ngiti niya ang naalala ko.

Ito ang masakit eh sa ala-ala mo ang sasaya mo pero ngayon iniisip mo ito nasasaktan ka.

Pinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang ala-ala ng matamis na pagmamahalan namin.

"Ranz.."mahinang usal ko.

"I'm so sorry wife"

"I'm sorry for making you face this alone"

" I love you so much and I'll do everything to make you safe"

"Please take care of yourself and always remember that I'm always at your side"

"Mahal na mahal kita Eniki"

Naramdaman ko naman na may labing dumampi sa labi ko..

Panaginip? Napabangon ako at napatingin sa paligid ngunit walang tao. Panaginip lang ba na narinig ko ang boses ni Ranz?

"Ranz... Mahal na mahal din kita"sabi ko din hinihiling ng puso kong sana narinig niya.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon