5

5.1K 88 2
                                    

Yanna's pov

"Anak"tawag sa akin ni Mama kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Ma? Si Papi po?"ngumiti muna siya bago iabot sa akin ang tasa ng kape.

"Kasama ang Lolo mo. May meeting sila"tumango nalang ako at napatingin sa mga nagsasayawang white rose dahil sa hangin.

"Pinuntahan ko si Reisha kanina" napatingin ako kay Mama pero nakatingin lang naman siya sa mga bulaklak.

"Katulad pa din siya ng dati hindi makausap at laging tulala. Nakaka-awa siya kasi alam ko kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya."sabi ni Mama at tumingin sa akin.

"Anak ayaw mo ba siyang puntahan?"tanong ni Mama dahilan para mag-iwas ako ng tingin.

Sa totoo lang wala naman ginawang mali sa akin si Tita Reisha. Ayoko lang makita siyang ganun. Nasanay akong makita siyang nakangiti at maayos. Natatakot akong harapin ang mga pagbabago pero gusto ko din siyang makita.

"Gusto ko ma"sagot ko nalang kay Mama kaya ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sasamahan kita nak kung kailan mo gustong bisitahin siya."sabi niya at yinakap ako bago siya pumasok sa loob ng bahay.

Kinuha ko nalang ang bag ko at nagsimulang maglakad. May usapan kami ni Jenna na magkikita sa Sweet Haven para ayusin ang mga kakailangan namin sa Grand Opening.

Pagdating ko ay naabutan ko si Jenna na kausap si Kuya Shin Cross. Mukhang iritado si Kuya kay Jenna pero siya ay nakangiti lang na aliw na aliw.

"Princess!"tawag ni Kuya at agad akong hinalikan sa pisngi.

"Ay bakit ako kanina walang ganyan"rinig kong sabi ni Jenna kaya sinamaan siya ng tingin ni Kuya.

"Annoying girl"bulong ni kuya bago siya bumaling sa akin.

"I have something to tell to you and you have to come with me"sabi ni Kuya at hinila ako papunta sa isang kotse.

Nagbukas yung pinto ng kotse at may lumabas na blonde ang buhok na lalaki. Teka! Siya ba yung Dracel?

Agad ngumiti si Dracel ng makita ako. Tinanguan ko lang siya at bumaling kay Kuya.

"Anong problema kuya?" tanong ko. Ngumiti si Kuya sa akin at tinapik sa balikat si Dracel.

"This man here want to invest to Sweet Haven"sabi ni kuya na agad ngumiti kay Dracel.

"Saan naman kayo nagkakilala Kuya?"

"Common friend, Kaibigan din siya nila Jevz"sabi ni kuya kaya napatingin ako kay Dracel.

He's green eyes is making my heart beats so fast. Yung mata para bang sinasabi na kay tagal kong inasam ang makita ka. Ang weird ng nararamdaman ko sa Dracel na 'to.

"Is there something on my face Miss Yanna?"agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"N-nothing!"sabi ko at nakita kong ngumiti siya.

"Don't make my sister embarass Mr.Villa Luna"sabi ni Kuya at inakbayan ako.

"Haha I'm so sorry"sagot naman ni Dracel at bahagyang yumuko.

"So about my proposal? I really love to be part of this very Sweet Haven"sabi niya.

"Why?"tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"I want to be part of the one I love.... Which is the lava cake!"sabi niya at ngumiti na naman.

Ang hilig niyang ngumiti kaya gumagaan ang loob ko sa kanya pero sa tuwing nakikita ko si Ranz sa katauhan niya ay gusto kong talikuran siya.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon