1

18K 218 6
                                    


"Umayos kayo andyan na si Miss Yanna!" rinig kong bulong-bulongan ng pumasok ako sa store.

"Good day Everyone!"sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Magandang araw ito para simulan ng ngiti"sabi ko at inabot sa kanila ang isang papel.

"Good Job. Nafeature ang Sweet Haven sa isang sikat na magazine dito sa Paris!" sabi ko dahilan para magtilian sila.

"Excuse me for a minute. I'll just take this overseas call"paalam ko sa kanila.

"Hello?" masyadong maingay ang paligid ng tumatawag sa akin kaya inilayu ko saglit ang cellphone sa tenga ko.

"Baby, Please go home already we miss you so much"napangiti ako ng madinig ang boses ni Kuya Xam.

"Naks naman kuya baka 'pag narinig ka ni Ate Karen di ka na pakasalan niyan"sabi ko at ngumiti.

"Pumunta ka sa kasal ko"napapikit ako  ng pumasok sa ala-ala ko ang babaeng nakatayo sa altar. Nakasout ng magandang wedding dress pero hindi sinipot ng taong pakakasalan niya.

" I-i'm sorry Kuya"sabi ko at pinatay ang tawag.

Bumabalik na naman yung sakit. Akala ko nawala na ang sakit na ito. Dalawang taon na din. Dalawang taon na ako dito sa Paris kung saan malayo sa lahat ng taong magpapaalala sa kanya.

Mga bagay na nagpapa-alala sa akin ng sakit na idinulot niya sa akin.

"Ateng! Anong ginagawa mo jan!"sigaw ni Jenna habang papalapit sa akin.

Siya ang naging kasama ko dito sa Paris. Pareha kaming nagsikap para mabuksan ang Sweet Haven. Isang pastries shop na nakahiligan kong pag-aralan simula ng dumating ako dito. Alam nila Mama na andito ako pero hinayaan nila akong manatili muna dito.

Kahit saang sulok pa man ako ng mundo magtago alam ko namang mahahanap at mahahanap ako ni Lolo. Sa dami ng koneksyon niya madali lang niya akong matututonton.  

Kinausap din ako ng nga taga Royale Class pero hindi ko sila pinakinggan. Gusto kong mawala ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Kahit pangalan niya gusto ko ding kalimutan.

Simula ng mangyari yun ay ayoko ng makakita ng kasal o anomang tungkol sa kasal. Kapag may umoorder ng cakes para sa kasal ay sila Jenna ang pinagagawa ko.

Ayoko na siyang maalala. Ayoko ng bumalik bilang Eniki dahil pinatay niya si Eniki simula ng iwan niya ako sa gitna ng kasal namin.

Shin Cross pov

"Pinatay niya ang tawag"sabi ni Kuya Xam.

"Baka may ginawa lang babe"sabi naman ni Karen.

Mapapangasawa ni Kuya Xam. Matagal na din silang magkarelasyon at ngayon lang nila na-isipang magpakasal at magsettle down. Lumalaki na din kasi ang business ni Kuya Xam.

"Oh baka dahil sa sinabi mong kasal"sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Nung kinasal si Chaina at Nathan kinontak nila si Eniki para imbitahan pero hindi siya nagsalita ng mabanggit nila ang salitang kasal. Nung sabihin din na magpapakasal na si Dethan at Nady pinatay niya din ang tawag"sabi ko at ininom ang kape.

I know my sister after all. Alam ko kung gaano kasakit sa kanya ang salitang kasal because of that asshole.

"But I want her to be here on my wedding"sabi ni Kuya Xam.

Napailing nalang ako. Hanggang ngayon wala pa ding nakakaaalam kong nasaan ang mga Lee. Biglang nabura ang existence nila sa mundong ito. Walang nakakasagot kong nasaan sila o anong nangyari. Ayaw na din naman ni Lolo na pag-usapan ang mga Lee.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon